49

16 1 0
                                    

Kuya Maddox remains consistent as he waits for me after work. Lagi ay isinasama ako sa restaurant niya at halos ihain ang lahat.

“Parang wala naman ang mga ito sa menu…” I uttered as we are handed bowls.

“These are good for your nosebleeds, Achie. Tinolang Halaan. Nilasing na hipon,” kuha niya ro’n at nag-umpisang balatan. “Kain ka lang nang kain. Finish your fruits too.”

Isang mangkok din ang strawberries at blueberries sa tabi ko.

“Paano?” natatawa kong tanong.

“Just eat as much as you can. Para hindi ka na namumutla.”

Inilapit niya sa akin ang plato na puno na ng mga hipon na binalatan. Sumandok na rin ng kanin at inabutan ako ng kubyertos.

I am thankful and felt really happy with every dinner we had. Sandali ay nalilimot ko ang naiisip. Kapag natatanaw ko na nga lang ang apartment ay ro’n ko natatanto kung ano nga ba ang ginagawa ko.

Sa mga sumunod na gabi ay gumawa na ako ng mga dahilan para tanggihan si Kuya Maddox. Hindi rin ako agad umuuwi sa takot na baka nag-aabang naman talaga siya ro’n.

“Hinatid dito, Achie. Boyfriend mo ba iyon? Saan mo nakilala? Wala ka namang kinukuwento! Guwapo at mukhang mayaman! Parehas ang mga tipo mo, ha.”

“Ate Precy, hindi po. Mula rin sa Bicol po iyon at… Kuya po iyon ni Miki.”

“Talaga?! Mayroon ka pa ring komunikasyon sa kanila? Ang babait naman pala. Kaya kamukha rin pala ni Miki.”

Maliit akong ngumiti. Si Miki ang tanging naikuwento ko noon kay Ate Precy.

“Huy! Teka, Achie!” pigil sa akin ni Ate Precy. Pagod akong lumingon sa kanya.

“Namumukhaan ko iyon! Siya rin yung nakaraan, ‘di ba? Nakita ko magkayakap kayo tapos ay umiiyak kang pumasok dito! Tinanong pa kita kung ano ang ginawa sa’yo, ‘di ba?”

Napapikit-pikit siya at binigyan akong makahulugang tingin.

“Ganoon kayo kalapit?” ngumiwi siya. “Pero! Pero ayos lang naman siguro…”

“Ayos ang alin, Ate?”

“Wala naman na si Miki at… matutuwa rin naman siguro iyon kung Kuya niya…” putol-putol niyang wika at nanimbang na sa akin.

Kabado ang pinakawalan niyang tawa at iwinagayway ang mga kamay sa hangin.

“Ah! Huwag mo nang pansinin ang sinabi ko! Initin ko na lang itong hinatid no’n para makakain ka na.”

They are all thinking the same thing. Lalong bumigat ang pakiramdam ko. It just confirmed what I’m thinking and how wrong it is.

I ended Kuya Maddox’s call and hopped on my bike. Maybe I can stop these progressive feelings. Kahit masakit at malungkot. I should have thought of Miki. Si Tita Chona at Tito Mateo na itinuring na rin akong anak. I just can’t stab them in the back like this.

Umangat ang tingin ko sa kalsada. Hindi pa man nakakalayo ay napapreno na ako.

“Kuya Maddox,” I whispered.

Marahan niyang ibinaba ang cellphone at umangat ang kilay sa akin.

Napalunok ako at hindi malaman ang gagawin. Lalapit ba ako? Lagpasan na lang siya tutal naman ay nakabisikleta ako? Why is he even here anyway? Paano niya nalaman kung saan ang trabaho ko?

I swallowed the lump on my throat as he walked toward me. He looked confused and sad at the same time.

“May nagawa ba ako, Achie?” bungad niya.

“H-huh?” I gave a nervous laugh. Hindi naman ako makatingin sa kanya kaya alam kong nahuli na ako.

“What’s wrong, hmm? Dito ako itinuro ng kasama mo sa apartment. Hindi naman daw nagbago ang oras ng tapos ng trabaho mo. Why are you waiting here out in the cold?”

Lumapit siya at humawak sa manibela ng bike ko. Inalis ko ro’n ang mga kamay ko na parang napapaso na lalong ikinagulat niya.

“Achie…”

“Kuya Maddox,” I looked up at him with my already blurry eyes.

“Masyadong malamig dito sa labas. You look so pale again. Bakit hindi ka umuuwi agad?”

Nanginig ang labi ko. He asked but I know he already knows the answer. He just needs me to confirm it.

“Just go straight home from now.”

Inalis na niya ang hawak sa bike ko at umatras. Tumango siya at nginuso ang kalsada para magpatuloy na ako sa pag-alis.

But I just can’t move.

Kapag umalis ako ay alam kong may kasiguraduhan na iyon. I know it’s the right thing to do. Pero sumisikip ang dibdib ko. 

“Go,” he mouthed this time with a small smile.

Nagpamulsa siya at umatras palayo sa akin. He huffed and then bowed his head to look now on the concrete road.

Umiwas ako ng tingin at napasinghap. I tried to place my feet on the pedal but I just couldn't. Unti-unti ay bumuka ang bibig ko. I shivered from both the cold and fear.

“I just k-know this is wrong,” balik ko sa kanya.

Tumingin muli si Kuya Maddox sa akin. “What is wrong, Achie?”

Sumibi ako at inalis muli ang tingin sa mga mata niya.

“I have a feeling that I know what it is,” he added.

Umiling ako at mabilis pinunasan ang pisngi.

“I like the way you make me feel… and I’d like to believe that it’s going to work out. Pero hindi…”

Marahang umawang ang bibig ni Kuya Maddox pero nagpatuloy ako.

“You see, Kuya Maddox… hindi ito tama. It’s confusing me and hurting me so much. I don’t want to give you up but something here resists you,” hawak ko sa dibdib.

“Do you like me? Do you love me, Achie?”

Namilog ang mga mata ko. My brows furrowed because of how straightforward he is. Ang dibdib ko ay dinadaga.

“I am Miki’s girlfriend.”

“And it’s wrong for you to like or love m-me?” his voice faltered.

Natikom ang bibig ko at halos maluha sa narinig. 

“Just because you’re Miki’s girlfriend?”

Dahan-dahan akong tumango. He then bursted into tears as he nodded his head at me too.

“K-kahit naman ako ay alam na mali iyon, Kuya Maddox. But hearing it from others just confirmed it! I’m going to be too selfish for t-that-”

“Then be selfish at least for once, Achie!”

Lumapit siya habang ako ay napahikbi na sa gulat at pagkalito.

“That’s what I’ve been telling you, right? You don’t have to please other people, especially if it hurts you,” he cupped my face and wiped the tears away.

Gusto ko rin punasan ang mga luha sa pisngi niya. It’s hurting me knowing that I hurt him too.

“Kahit noon pa man, ‘di ba? Even if I’m still not involved. I want you to choose yourself, Achie. It should always be yourself.”

Lumabi ako at humagulgol. He lifted my face and smiled sadly at me. Lalo lang akong naiyak.

I leaned more of my face on his palms. Inangat ko ang mga kamay at dahan-dahan na ipinalupot iyon sa katawan niya. Knowing too well that I’m choosing myself this time.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now