17

86 3 4
                                    

Namamaga ang mata ko pagkagising kinabukasan. Naghilamos at kung ano na. I tried depuffing my face, especially my eyes by massaging it. Hindi naman epektibo.

Lumabas na ako sa kuwarto ni Miki at agad tinungo ang kusina. I am so confident that nobody will see me this early.

My plan is already laid out. Bababa sa kusina. Tutungo sa ref para kumuha ng ice cube. 

But that didn't happen.

"Gising na pala si Achie. Pilitin mo na kung mapipilit mo, Dox," si Manang.

Naestatwa ako habang nilampasan ako ni Manang at kumilos sa kusina. Nakabalandra si Kuya Maddox sa lamesa at tinanaw ang pagpasok ko.

What? 

He stood up and I stepped backwards. Umangat ang kamay ko sa ere at huminto naman si Kuya Maddox.

He gave me a once-over. Nagtagal nga lang sa mukha ko. I almost hid my face.

"Are you okay, Achie?"

Bahagyang yumuko si Kuya Maddox para pantayan pa ang tingin ko. He gave me a thumbs up and continued analyzing me.

"Yes," I mumbled.

"Have your breakfast," muwestra niya na.

Niyakap ko ang sarili na para bang liliit ako. Bahagya pa akong tumagilid noong dumaan malapit kay Kuya Maddox.

"Kakakulo lang niyan," sunod niya sa akin.

"Okay…"

I nervously make my milk. I like it warm. Ang palad ko ay binalot ang tasa at humigop na ro'n.

Kulang na lang ay manigas ang leeg ko para hindi malingunan si Kuya Maddox. He tried getting my attention.

"You still have a week of internship?"

"Yes."

"Sorry last time. Pero ako na ulit ang susundo sa'yo sa susunod na linggo."

Napabaling ako sa lalaki. "Yung trabaho mo?"

Sa tawag kahapon ay hindi pa siya sigurado kung kailan makakauwi, tapos ngayon? My brows met as I'm left confused.

"I'll take the online load."

I took in the sight of him. Parang inaantok at mabibigat ang mga mata. Naging mapungay ito at mukhang pipikit na.

"Anong oras ka bumiyahe, Kuya Maddox?"

"Why?" 

He straightened up and chuckled. Napailing-iling ako. 

"Matulog ka na."

"Kagigising mo lang."

Huh? Napaturo ako sa sarili. Ano'ng kinalaman ko ro'n?

"Sinabi ko naman kahapon na hindi ako sasama pero bumiyahe ka pa rin. And you didn't have to fetch me anymore. Isang linggo na lang naman at nariyan na si Kuya Obeng."

"Tinapos ko na ang trabaho ko kaya umuwi na rin ako, Achie. Malungkot din do'n."

Ako na ngayon ang natatawa. "Sa Manila? Malungkot?"

"Oo kaya."

He clicked his tongue and smirked at me. What about his girlfriend? Hindi sila lumibot?

I winced and scrunched my nose. Bumalik na ako sa iniinom na gatas at kapuwa kami natahimik.

"You slept in Miki's room?"

The milk scratched my throat. Nawala sa isip ko ang itsura kaya bigla akong napayuko. I remember my puffy eyes.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now