19

78 2 4
                                    

"Oh! Are you and Maddox done?"

"Not yet, Tita. We're just taking a break. I met Kashina too! Sana ay magkasundo kami!"

Lumipat agad ang tingin sa akin ni Tita habang pababa siya sa hagdanan. She smiled so widely while nodding her head.

"Please be good to Achie, ha. Kung hindi kayo magkasundo…" may pagbabanta sa tono niya, "I just know that it's not Achie's fault!"

"Oh no! Tita naman!" si Emma.

Lalo akong nailang. Both of them shared laughter. Si Kuya Maddox ay naiiling lang habang ako ay natameme.

I sometimes get overwhelmed by Tita's trust in me. Minsan ay nabibigatan ako dahil alam kong siya ang unang mabibigo sa pagkakamali ko. Our relationship developed deeply when Miki left us behind.

Tita's my confidant. And I am what is left of Miki's. So she can remember her son for the years to come.

"Parang kilala ko na nga itong si Kashina, e! I always saw your posts about and with her!"

"What do you think about our Achie?"

Sinalubong ni Emma si Tita sa dulo at nilingkis ang braso niya. They are talking about me as if I can't hear them.

"She looks pretty nice! Pero parang mahiyain, Tita, 'no?"

"Sa una lang iyan. She's observant and smart. Don't be deceived by Achie!"

"Are you uncomfortable?" usisa ni Kuya Maddox sa tabi ko.

"Hindi naman…"

"Magluluto ako ng merienda natin. You can go with me in the kitchen."

That sounds tempting. Umiikot ang mata ko at tiningnan ang likuran ng dalawa sa harap namin. My gaze darted at Kuya Maddox again and I shook my head.

"Susunod muna ako sa kanila."

Maliit na ngumiti si Kuya Maddox at nagpamulsa. "What did I tell you? Stop pleasing her. Kuhang-kuha mo na si Mom. Ikaw pa ang mas kakampihan niyan sa akin," he joked.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko. Kuya Maddox pointed at it so I straightened my lips again. Bumagsak ang mga balikat niya.

"Ano'ng maitutulong ko sa'yo sa kusina?"

"Maybe cut vegetables using scissors?"

I subtly rolled my eyes and ran towards Tita Chona and Emma. Tinago ang mukha gamit ang mga palad.

Ilang minuto ang inubos sa kuwentuhan ng dalawa. We sat on the veranda. Sumasagot lang ako kapag kinakausap pero madalas ay puro pakikinig lang ako.

"Naging magkaibigan din sila ni Maddox sa culinary school. Just like you and Miki when you were in high school! I miss your ribs platter, though!" harap niya kay Emma.

"Naku, Tita! Nabanggit mo, gagawan kita niyan! The soonest! Marunong ka bang magluto, Kashina? We can make some! Puwede tonight, Tita?"

Tonight?

"Hindi nagluluto itong si Achie. Si Miki ang marunong! She always helps Miki then."

"Aww. I remember that Miki's a cook too! Marunong siya pero hindi niya hilig, Tita, 'no? Si Dox talaga ang may passion."

They started reminiscing about Miki. Mukhang matagal na ngang kakilala ng pamilya si Emma. I haven't seen or heard about her though. Ngayon lang.

I can't remember her attending Miki's funeral. And the past years? Hindi rin nabisita. O baka naman nandoon siya sa ibang bansa kasama ni Kuya Maddox? 

Sandali akong sumilip sa cellphone dahil vibrate nang vibrate. Belinda's bombing me with messages.

Me:
Oo. Nandito na ulit ako kina Tita.

I smiled halfway as Tita stood up. Nagpaalam na magpapahinga na muli sa itaas. Si Emma ay ako na ang hinarap ngayon.

"Puntahan natin si Dox," yakad niya sa akin.

She hauled me on the arm as we went straight in the kitchen. The smell of herbs and condiments filled my nose.

"Dox! That smells so good! Ano iyan? I can help with that!"

Tumakbo si Emma agad palapit kay Kuya Maddox. I hesitated to move forward and just watched them from afar.

Si Emma ay nagsuot ng apron at naging seryoso ang itsura habang sinisilip ang niluluto ni Kuya Maddox.

Para akong pusa na lumapit sa counter at doon nanood sa kanila. 

I held my stomach because I could feel it growling. Hindi naman ako gutom kanina pero ngayon ay oo.

I can't help but be curious about the dish Kuya Maddox is preparing. Humalumbaba ako at napalunok dahil sa sobrang bango talaga. It filled the kitchen.

"Where's my Ate Achie?!"

Bahagyang sumirit ang tawa ko at napalingon sa bukana. Himala at naisipan na naman akong tawagin na Ate.

"Is that Bel?"

"Si Belinda?" si Emma.

Tumango ako kay Kuya Maddox. "She texted me earlier."

"Na ano? Aalis ba kayo?"

Saglit siyang lumingon sa hawak na kawali at bumalik sa akin.

"Tinanong lang ako kung nakauwi na ako rito, Kuya Maddox. Hindi ko alam na dadalaw pala."

"I see…"

Naghari ang matinis na boses ni Belinda habang hinahanap ako. Humalukipkip ako at dumantay sa counter habang pinihit ang katawan para harapin siya kung papasok man.

Napalingon muli ako kay Kuya Maddox noong magsalita.

"Kung yayain ka na gumala… next time na lang kamo. Kauuwi mo lang dito. And just eat here. Kayo ni Bel."

"Right. Kahit saang restaurant kayong pumunta ay wala kayong matitikman na ganito. Right, Dox?" singit ni Emma.

She pointed at the pan. May niluluto na rin siya matapos itanong kay Kuya Maddox ang puwede niyang itulong.

"Hindi man magyayaya iyon," I assured them.

"What is that smell?! Gosh, Ate Emma and Kuya Maddox? Are you for real?!"

Bumeso agad sa akin si Belinda pero ang tingin ay sa dalawang nagluluto. She sat straight on the stool beside mine. Halos maglaway sa nakikita.

"Saktong-sakto pala yung punta ko rito! My tummy will be so glad! Goodness, the chefs are here!"

Nakisabay sa excitement si Emma at lumapit din kay Bel. They kissed each other's cheeks then Emma came back to her dish.

Nagulat na lang ako noong nasa harapan na namin si Kuya Maddox. His eyes are focused on the fork he's holding. Nakasalo ang palad do'n.

"Try this, Achie," udyok niya sa hawak.

Halos malaglag ang panga ko. He motioned the fork he's holding again near me. Urging me to take the pasta curled on it.

Tumaas ang kilay niya at talagang ilalapit sa bibig ko. Sa gulat ay napaatras ako at umiling.

"Ako nga raw!" si Bel. Tinukod niya ang siko sa counter at mabilis na sinubo ang nasa tinidor. She gave a thumbs up. "Shocks! The best, Kuya Maddox! Puwede na ba? Nagutom na ako!"

Pumalatak si Kuya Maddox sa kanya at bahagyang umirap. I watched him getting another fork and curling the cooked pasta.

"Tikman mo kung okay na sa'yo yung lasa, Achie."

Namimilog ang mata ko. Kinabog ako ni Bel sa likod kaya napalapit ako sa nilalahad ni Kuya Maddox. Si Emma ay napatingin din sa akin.

Uminit ang batok ko at mukha. I felt pressured so I took the bite.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now