09

93 4 7
                                    

"Where's our pasalubong?" si Daphne.

She sipped on her diet coke and turned on the lights of the theater room. Maging si Belinda ay nakisama na sa pangungulit.

"Sabi ko ay si Peklo lang ang may pasalubong. 'Di ba?"

"Kuya Maddox," sumibi si Anson. "Don't call me that anymore."

Pati ako ay napapasibi dahil sa mahina at malumanay niyang pakikiusap.

Kuya Maddox immediately gave in. Pagbalik niya ay hila na niya ang isang hand carry. Tanging ang paghila sa zipper ang ingay sa kuwarto.

"Let me see! Kami na, Kuya!" entrada ni Daphne at lumuhod na rin.

Various shrieks enveloped the room. Si Daphne ay parang tiririt, si Belinda ay parang uwak.

"What the hell? I love you na talaga, Kuya Maddox! This is so cute!"

"Ano'ng malalagay mo riyan? Tinga mo?" Kuya Constantine jokes.

Maarteng inangat ni Daphne ang bag. It's an old rose Dior micro saddle bag.

"No! Don't tell me!" si Bel naman. Nanlalaki ang mga mata niya.

She gasped so loudly when she opened the box. Umiiling kay Kuya Maddox. Maingat niyang nilabas ang isang boots do'n.

"A Jimmy Choo!" kalabit niya kay Daphne.

She tried it on. Maarteng umikot-ikot sa bawat isa sa amin. The heels clacked and she's very happy with it.

Binuksan na rin ni Anson ang kanya at inabot din ang kay Kuya Constantine.

"Achie! Ito yung sa'yo!"

What? Nakailang tawag si Bel sa akin para lumapit sa maleta. She handed me a small box with my name on it.

Dumapo ang mga mata ko kay Kuya Maddox noong tanggapin iyon. However, he's busy talking with Kuya Constantine.

"Mayroon din ako?" I almost whispered.

Nakapamewang si Bel na nakaharap sa akin. Tumangkad ng kaunti dahil suot pa ang boots niya. Daphne joined too as I unwrapped it.

Parang lahat kami ay napasinghap. Halos magkapalit kami ng mukha ni Daphne dahil sa pagsilip niya sa kuwintas.

"Angat mo, Achie! Kabagal!" udyok ni Belinda sa akin.

My heart's still racing as I did what I was told. Kuminang noong matama sa ilaw.

"What the freak? Are these diamonds?!"

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Binusisi ni Belinda ang pendant. It's a smile pendant in rose gold from Tiffany T.

"No way… suotin mo na, Achie! Baka bawiin pa iyan ni Kuya Maddox!"

Nanlamig ang mga kamay ko at bahagyang nanginig noong inilalapit na sa akin ang kuwintas. I glanced at Kuya Maddox with my eyes wide open.

"Wear it," he said.

"Thank you, Kuya Maddox…"

"Welcome."

Daphne helped me in carrying the box. Si Belinda ay pumunta sa likuran ko at siya ang nagsabit. Hindi nagtagal ay sumisilip na siya muli.

"Shocks, Achie! Ang ganda!" alog niya sa mga balikat ko.

"A smile, Kuya Maddox? Why?" si Daphne naman.

Lumapit si Daphne sa akin at tinitigan din ang pendant. I looked down on it too as I traced with my finger the curved line.

"That would compensate for the smiles she never shows," Kuya Maddox said nonchalantly. 

Nag-ugat ang tingin ko sa kanya. His eyes met mine immediately. He gave me his signature brow raise.

Si Belinda ay kinalabit ang pisngi ko at biglang tumawa.

"Kaya regaluhan mo na ng kotse ito, Kuya Conch! Baka sakaling makita na natin yung ngipin!"

"Bel," banta ko.

"A car?" si Kuya Maddox na bumaling sa pinsan.

Kuya Constantine stopped playing with his new watch.

"Tinatanong ko kung ano ang gustong graduation gift, Dox."

"And a car?" harap naman sa akin ni Kuya Maddox ngayon. Mabilis akong umiling.

He sighed. Biglang pumikit at humawak sa noo. "Mom wouldn't let her drive one."

"I'm not asking for it. Kahit wala ay ayos lang. Really. Kuya Constantine…" I called. Nahihiya na.

"Nagpapaniwala ka kay Belinda? She's suggesting it to Achie," si Kuya Constantine. Humarap din siya sa akin at naging malumanay. "But if you really want it Achie, it's not a problem-"

"That's a problem, Conch," putol ni Kuya Maddox.

"Huy, teka lang…" kinakabahan na awat ni Belinda. "I'm just joking, okay? Kuya Dox, biro lang…"

Naghari na ang katahimikan sa buong kuwarto. Gift. Car. All things associated with it caused my heart to race with intensity.

"Test that speaker, Anson! Tingnan natin kung gumagana at kung maganda ba!" pagsasalba ni Daphne sa mabigat na ere.

Anson just nodded and connected it to his phone so fast. The room is now surrounded by his choice of pop song.

Kinaumagahan ay nagsilarga rin ang magpipinsan. Naunang dumating ang sundo nina Daphne at Belinda. Si Kuya Conch at Anson naman ay sabay umalis kasunod nila.

"Ingat kayo rito. Tell Tita that we'll visit again soon, Achie."

I nodded against Kuya Conch's chest. He pointed at his car. Si Anson din ay mabilis akong niyakap. 

"Ingat kayo," I waved.

Kuya Maddox stood in the grand foyer. Lalagpasan ko na sana pero bumuwelta na naman.

"What did you talk about? Car again?"

My lip twitches. Saan na naman napulot ito ni Kuya Maddox?

"Are you really asking for it?"

"Hindi nga, Kuya Maddox."

Ang kapal naman ng mukha ko para hingin ang gano'ng bagay.

"What do you want then?"

"Nothing."

Halos magbuntong-hininga ako noong masilayan ang maliit niyang ngisi. He looks like he's not believing me. May pag-iling pa at halukipkip.

"When's your graduation?"

"July 19th."

"What do you like to receive?"

Kulang na lang ay pumikit ako sa sobrang kulit. Tinitigan ko lang siya ro'n at pilit kinakalma ang sarili.

"Anything but a car," he added.

"Kuya Maddox," madiin at mababa ang pagkakatawag ko, "receiving the necklace is too much."

"That's not a graduation gift."

"It's more than enough to cover it."

Hindi ko na alam kung paano pa ipapaintindi sa kanya iyon. I almost pointed my finger at him. Kahit ilang birthday, graduation, o ano mang espesyal na okasyon ang dumaan… sobra-sobra na ang pasalubong niya sa akin.

That necklace is pricey as hell. Pinakatago-tago ko pa at pinigilan ko na lang ang sarili na balutin pa iyon ng kung ano para lang hindi marumihan.

"Sabihan mo ako kaagad kapag may naisip ka."

"Kuya Maddox-"

"And don't bother saying it to Conch."

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now