31

64 2 11
                                    

“Hija? Achie? Bakit?”

Maliit akong ngumiti kay Manang pero nanginig ang mga labi. Bumaba agad ang mga tingin niya sa bitbit ko.

“Naubos?”

“Opo.”

Hindi na ako nakipagtalo noong inagaw iyon ni Manang sa akin at tuwang-tuwa. I ran off towards my room and shut the door.

Kinabukasan nga lang ay nasa harap ko na ang pagkain ni Kuya Maddox. Si Manang ay malaki ang ngisi sa labi.

“Pakisuyo ulit, Achie. Ilabas mo agad kapag ubos na para mapainom ko ng gamot niya at malinis ang sugat.”

I contemplated bringing it to Kuya Maddox’s room this time. Akala ko ay handa na ako pero hindi pa pala.

I wanted so badly to help him but I am always left in pain whenever it’s all about Miki.

“Kuya Maddox si Achie ito…” agad kong bungad pagpasok.

Wala naman akong nakuhang reaksiyon o kibo sa lalaki. He’s already sitting. Nakaharap ang mukha niya sa bintana at nasisikatan ng tirik na araw.

Gaya kahapon ay tahimik ko lang inihanda ang tray sa higaan niya. Ipinahawak sa kanya ang kutsara’t tinidor at itinuro sa mga pinggan.

Pumihit ako para tumungo sa sulok ng silid.

Sa ganitong layo ay mas matititigan siyang mabuti. He definitely lost some weight. Maputla pa rin at sariwa pa ang ilang sugat. May benda sa mata na nakapalibot sa ulo. He’s in a pair of pajamas with unruly hair.

Nakakaisang subo pa lang siya noong magsalita na.

“How about Emma?”

Natigilan ako ro’n at napatayo. Is he looking for her?

Napasulyap pa ako sa pinto na para bang susulpot bigla si Emma.

Tumatawag naman palagi si Emma lalo na kay Tita Chona para kumustahin si Kuya Maddox. I sometimes hear their phone calls and she’s always crying.

“Babalik na rin siguro iyon, Kuya-”

“Who’s Emma in my life?”

Natigilan ulit ako. Marahan na binaling ni Kuya Maddox ang katawan niya sa gawi ko. Kaunti akong lumapit.

“Uh… ipasasabi ko na hinahanap mo si Emma.”

“Am I supposed to be in love with her?”

Halos malaglag ang panga ko.

Memories of the last time I had with him flashes immediately in my mind. How Kuya Maddox is begging for his chance… and I…

My hands shook voluntarily. Napatingin ako ro’n at pilit kinalma ang sarili.

If only I didn’t go home that time… hindi siguro maiisip ni Kuya Maddox na lumuwas ng Manila. Hindi siguro mangyayari ang lahat ng ito.

It’s starting to sink in me that I contributed to this situation. Napasinghap ako at napatitig kay Kuya Maddox na puro galos… na walang makita… na walang maalala.

“Achie?”

My lower lip trembled. “Huh? Uh… uh, si Emma. Sa pagkakaalam ko ay… business partners kayo. Y-you two are both Chefs and…”

Napapikit ako. Pagdilat ay nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya Maddox. Matinis na ingay ang bumalot sa paligid noong ibaba niya ang kutsara sa babasaging plato.

“Kuya Maddox,” agad akong lumapit.

Nag-iba agad ang timpla ng itsura niya base sa pagtuwid ng mga labi. Pinulot ko ang mga butil ng kanin na natapon sa higaan.

“I heard that! I heard that so many times and I don’t even know what that food is!”

“Kuya Maddox,” tawag ko at siya na ngayon ang kinakalma.

Pilit niyang sabunutan ang sarili kaya agad kong hinawakan ang palapulsuhan niya. His face got redder and his breathing was labored.

“What a fucking joke…”

Umalingawngaw ang pinakawalan niyang malalim na tawa. Binawi niya ang mga kamay niya sa akin at humawak sa tiyan. 

“I. fucking. can’t. remember. a. thing!”

“Kuya!”

Isinampa ko na ang kanan na tuhod para abutin si Kuya Maddox na muling sinasaktan ang sarili. He’s pulling his hair and punching his forehead.

Halos maluha ako sa nasasaksihan pero tinuon ko ang pansin sa pagpipigil at pagpapakalma sa kanya.

“It’s okay. It’s alright… hindi mo dapat pilitin. I’m here! I’ll help! Kuya, I’ll help! Tutulungan kita…” gamit ang isang kamay ay pinulot ko ang kutsara at inilagay sa palad ni Kuya Maddox.

“Pinakbet ito, Kuya Maddox. Luto ni Manang. Ito,” tinulungan ko siyang kuhanin ang kalabasa at malumanay na inilapit sa bibig niya.

“Kalabasa iyan. Masustansya. Masarap din, ‘di ba? Ito pa…” mabilis kong pinunasan gamit ang manggas ng damit ko ang tumutulo sa pisngi.

I started helping out Kuya Maddox identify each of the vegetables in his plate. Natahimik siya habang nginunguya ang mga binibigay ko sa kanya.

My left hand is holding his left wrist so just to make sure that he will not hurt himself. Ang isa ay tinutulungan siyang sandukin ang pagkain.

“Can I cook this?”

Tumango-tango ako na parang nawawalan na ng bait. I smiled widely looking at him asking such questions. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya.

“Oo! Oo naman!”

Parang ginupit na naman ang pisi ni Kuya Maddox noong alisin niya ang mga hawak ko sa kanya. He slightly moved away from me.

“Are we even that close, Achie? Puwede ba iyon? How do you know…”

Umiling-iling siya na para bang kausap na ang sarili. Pilit ko muling abutin si Kuya Maddox pero tinatabig ako.

“Am I nice to you? Do we even talk? Palagi ka bang nandito sa bahay? Even if Miki’s not here…”

I yelped a little then he stopped. Even at his state, his force is still greater than mine. Napahawak ako sa braso kong namula nang matamaan niya.

“What happened? Achie?” 

Itinago ko ang braso ko at lumayo na sa kanya. I got out of the bed and stood on the side. Si Kuya Maddox ay kumapa sa paligid niya at bumalik sa dating puwesto.

“You’re nice to me… and everyone around here, Kuya Maddox. And you’re a Chef, sisiw lang sa’yo ito.”

Ipinagsawalang-bahala niya ang mga sinabi ko at umiling. His arm lifted in the air trying to reach for me.

“Are you hurt? Did I hurt you?”

Binalik ko ang tingin sa braso ko at may ilang guhit doon na namumula na. It’s nothing.

“No…”

“Liar. Bakit ka lumayo? No,” he suddenly got all confused. Napahawak siya sa sentido, “I’m sorry. I’m sorry, Achie.”

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now