44

36 1 0
                                    

“Duguan!” Belinda exclaimed.

“What?! Sino?” panic was laced on Kuya Maddox’s voice.

Si Daphne ay laglag ang panga habang tinuturo ako at nagtatalon sa kinatatayuan niya.

I covered my face with my handkerchief again and tried to wipe the blood off my face.

Umatras ako habang ginagawa iyon lalo na noong narinig ang mga hakbang. Pilit silang lumalapit sa akin lalo na si Belinda, but I dismiss her by waving my hand.

“Si… s-si Achie!” Daphne uttered. “Si Achie! Si Ate Achie!”

“What…”

“That’s her!”

Walang kaabog-abog ay umatungal si Belinda sa gitna ng katahimikan. I peeked at her standing still as she looked at me.

“What’s happening?” si Kuya Conch na iyon.

I think my knees are giving out as I heard the footsteps that followed. Nanlupaypay ang mga kamay ko at mabilis nagtama ang mga mata namin ni Kuya Conch.

“Achie?” He looked at me intently and his eyes widened. Halos mapaupo ako noong lumapit siya. “It’s just a nosebleed. This is nothing serious. Breathe and look up,” he instructed.

Hindi ko malaman ang gagawin. Ang mga mata ko ay dumapo sa apartment. Puwede ko na iyon takbuhin.

“A-ayos na ako, Kuya Conch…”

Lalong nagwala si Belinda noong marinig iyon. Lumuhod siya sa semento at doon nagngangawa. I wanted to soothe her but I wanted to run away more.

“She’s supposed to be bowing her head and pinching her nose,” si Kuya Maddox.

My lips trembled. Ginawa ko nga iyon at lalong yumuko para magpaalam.

But it slowly occured to me how Kuya Maddox can walk by himself now. He can even run. I caught a glimpse of him being worried about his cousins. He really indeed can see too.

Natigil lang siya sa malayo noong binanggit ako ni Daphne. He can remember me now, right?

Salamat at hindi ko lang guni-guni ang lahat noon. Napasinghap ako at bumaba ang kamay sa dibdib. My left hand helped me close my mouth shut as I’m afraid that I will burst into sobs.

“Achie? Bakit? May iba pa bang masakit?” si Kuya Conch.

“D-dalhin na natin siya sa hospital! Kuya! Duguan siya noong makita namin! B-baka kung ano ang nangyari kay Achie!” pagwawala ni Bel.

Habang lalong yumuko ay umiiling-iling ako at humakbang palayo kay Kuya Conch na umaalalay sa akin.

I closed my eyes tightly as he tried to go after me.

“I’m fine. I’m okay, Kuya. Uh, uuna na ako…”

“Are you sure, Achie? Ihatid ka na namin. Where are you staying?”

I pointed at my side. Balak akong hawakan ni Kuya Conch pero humakbang muli ako paatras.

Ilang beses akong yumuko sa kanila para magpaalam. I think I’m making an almost 90° bow just so I can leave. Malapit sa hagdan paakyat sa apartment ay ro’n na ako tuluyang tumakbo.

“Sino ba ang mga iyan? Pinagkakautangan mo?” silip din ni Ate Precy sa tabi ko. Kulang na lang ay magkapalit kami ng pisngi.

“Noong lumabas ako kanina para kumuha ng gatas ay nariyan na ang mga iyan. Mukhang mayayaman nga. Magkano ba ang nahiram mo?”

“Ate,” umismid ako. “Wala akong utang.”

“Mabuti naman. Hindi ko rin maaabonohan kung mayroon,” tawa niya pa.

Hindi pa nga sumisikat ang araw ay nabanggit na ni Ate Precy si Bel at Daphne na nakatambay sa labas ng apartment building.

It’s almost lunch time but they are still outside. Linggo ngayon at pupunta sana akong market pero hindi ko magawa.

I tried to keep myself busy but I always looked outside the window. Noong hapon ay naaktuhan ko si Anson na naghahatid ng pagkain sa dalawang pinsan.

I sigh and almost tear up.

I’ve always wanted to see them. For the past few years, they always creep in my mind. Kumusta na sila? Nasaan sila?

But this is an encounter I’m not really prepared for. Nakaramdam ako ng takot at kaunting paglayo. 

I’ve now realized how vast the world is. Dati ay isa sila sa iniikutan ng mundo ko. I knew them too well. They knew me too. Right now, I’m too scared to enter their world again.

My shift came and I released a deep breath when Bel and Daphne were nowhere in sight. Lumapit ako sa bisikleta at sumakay na.

Maybe they’re here for a vacation. Kung ganoon ay nandito rin ba si Tita Chona? Si Manang?

I swallow the lump in my throat and continue my day.

Pauwi ay mabilis na ang padyak ko sa bisikleta. My stomach is growling and I’m too cold. Kung gaano kabilis ang pagpedal ko ay gano’n din kabilis ang pagpreno ko.

Sa kanto na malapit sa building namin ay iniluwa si Kuya Maddox. The same corner where Bel and Daphne stood and saw me that night. The same corner he and Kuya Conch also emerge.

“Hala!”

Itinukod ko ang mga paa sa magkabilang gilid para hindi magdire-diretso. My face heated when I heard that Kuya Maddox stopped on his tracks.

Umangat ang tingin ko at agad nagtama ang mga mata namin. His right brow rises up. Mahina akong tumikhim at humigpit ang hawak sa manibela.

He’s completely covered up to protect himself from the cold. An Avirex black beanie on his head, white knitted scarf draped around his neck, and a black trench coat with a hoodie inside.

Bumuka ang bibig ko pero natikom din noong nagpatuloy siya sa paglalakad. Nilagpasan ako.

I craned my neck to the direction he was going. Hindi siya lumingon. Parang wala siyang nakita.

Bumaba ako sa sinasakyan at inilakad na lang iyon para itabi malapit sa building namin.

The following nights almost gave me a heart attack too. Sa tuwing pauwi at sakay ng bisikleta ay lumalabas din siya sa kanto. Humihinto pa ako noong una pero dahil lagi siyang nagpapatuloy ay nagdidiretso na rin ako.

Halos hindi ako humihinga dahil sa takot na baka pati iyon ay marinig niya. My heart is beating like a drum now whenever I’m coming home from work.

Nagmamadali akong umuwi at sapo ang ilong ko dahil dumudugo na naman. I’m cycling with only my right hand on the bar.

Noong malapit sa kanto ay dinadaga na ang dibdib ko. I pedaled faster but I’m being slowed down by my nose bleeding. Gusto kong maiyak.

I got out of my bike and just hauled my bike on my side. Sa paghila ay naaktuhan ko na naman ang paglabas niya.

Our eyes met and I saw his drop from my eyes to my nose.

I gulped and used the helm of my sleeve to wipe it off. Halos matumba ang bike ko noong itapon ko na lang ito sa gilid at tumakbo papasok ng building.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon