04

99 5 1
                                    

Kinaumagahan muli ay tumatambol ang dibdib ko pababa ng hagdan patungo sa kitchen. I peek so slowly only to be busted.

"Manang!" Hawak ko sa dibdib dahil sa gulat.

"Ano pa ba ang sinisilip-silip mo riyan? Wala ang Kuya Dox mo, pumuwesto na ro'n sa veranda."

"Po?"

"Mag-almusal ka na bago pumasok."

I hesitated but Manang is really telling the truth. Agad dumapo ang mga mata ko sa countertop pero wala ro'n si Kuya Maddox na nagtatrabaho.

"Mas mabilis daw ang signal do'n sabi niya."

Lalong nagsalubong ang kilay ko. 

I tiptoed going out. Si Kuya Obeng ay pumasok sa loob ng bahay at inaaya na akong ihatid niya. From the large glass sliding door, I can see Kuya Maddox's back.

I came face to face with my reflection too. I'm sporting my usual poker face. I have very upturned eyes and thin pinkish lips. Ang hugis pusong mukha ay natatambunan ng kulay tsokolate kong buhok. It's long and straight. Meanwhile, my bangs fall just below my brows.

Yumuko akong kaunti at mahinang nagpaalam.

"Pasok na po ako, Kuya…"

I didn't even know if he heard it. Hindi ko rin naman nilingunan ang reaksiyon niya. My head lowered as I quickly ran to the car.

The days went by with the same scenario.

The thing with Kuya Maddox is he always looks so serious. Kapag nagsalita pa ay talagang maaagaw ang atensiyon mo. It's full of authority. I heard that he's a chef and has a restaurant based in New York. Kaya siguro ganoon.

Noong malaman ang nangyari kay Miki ay agad siyang umuwi. It's my first time seeing him. Lagi lang siyang nababanggit ni Miki o ni Tita pero hindi ko inaasahan na ganito. With their stories, they are really fond of Kuya Maddox. But to me, I really don't know…

"Wala pa akong isang milyon para bilhin iyang ngiti mo, Angela. You're not answering my texts!"

"Achie," pagtatama ko sa palayaw ko.

Lea smirked at me. Kinurot ang pisngi ko pagkatapos ay bigla rin sumimangot. She calls me Angela because I remind her of that cat game character whenever she sees me. Kamukha ko raw.

"Ngayon yung reporting sa PurCom! Hindi mo alam, 'no? Hindi mo talaga tinitingnan iyang phone mo?!"

"Huh? Akala ko ba next week iyon?"

"I know right? Binalita ng kabilang section na pinereport daw agad sa kanila next meeting!"

"What? Paano iyan?" Agad kong hinalukay ang bag at binuklat ang libro namin doon.

Lea then slaps on my book a flashdrive.

"I got you," kindat niya.

"Lea…" tawag ko at hindi makapaniwala.

"It's okay. I understand. At saka madali lang naman! Kung mahirap iyan ay talagang susugurin kita sa bahay niyo! Wait! Nandoon ka pa rin ba kina Miki?"

I nodded slightly. She pouted after that. Mabilis niya akong nilapit sa kanya at hinaplos-haplos ang buhok ko. Pilit akong pumipiglas pero hinalikan pa niya ako sa tuktok ng ulo.

"Just take your time to heal. Kapag kaya ko naman ay tutulungan kita, Achie. Pero kapag mahirap…" napapikit siya, "kukulitin na lang kita kasi mas matalino ka, e. Tapos doon ako sa mga Peñaloza susugod!"

Nailing-iling lang ako habang kinuha na ang flashdrive. I held it tighter. Habang nagkukuwento si Lea ng kung ano-ano ay tahimik akong nagpasalamat sa isip.

"Pero kahawig ni Miki yung Kuya niya, 'no?"

Kulang na lang ay mapairap ako.

"Kaya nga magkapatid," sagot ko.

Umamba si Lea na gugunutin ako pero hininto rin. 

Tita urged me to invite Lea on Miki's 40th day. Doon niya nakita si Kuya Maddox. Lea's our friend at this college. Si Miki talaga ang may kakilala pero kami ang naging magkaklase ni Lea. We're both pursuing Biology. Miki was something related to Management.

"Mabait naman ba?"

Ilang segundo bago ako sumagot. "Oo."

"Huy! Bakit nagdalawang-isip?" Kalabit niya sa pisngi ko at tumawa. "Hindi? Bakit naman?"

Months have passed and I think that I'm only realizing now that Miki's forever gone.

"Ate? Saan po dadalhin iyan?"

I stopped one of the helpers. Kulang na lang ay buhatin ko ang frame ni Miki na bitbit niya. Hinila niya iyon muli sa akin.

"Achie, pinapatago na ni Sir Maddox. Baka mapagalitan kami."

Sa likuran niya ay ang hilera pa ng marami naming kasama sa bahay. Buhat nila ang iba't-ibang sukat ng frames kung saan naroon ang ilang litrato ni Miki. Those frames were displayed around the house.

Tumakbo ako palapit sa hagdan at mabilis inakyat iyon. Tumungo ako sa hallway at naestatwa dahil wala na rin ang paborito kong litrato ni Miki na nakakabit doon.

I walked more through the cabinets around the house. Even our lone picture together was gone.

"Achie," tawag ni Manang.

Agad umurong ang namumuo kong luha at isinantabi ang nararamdaman.

"Kanina pa iyak nang iyak si Ma'am. Puntahan mo sa kuwarto at amuin mo. Sige na," tango pa sa akin ng matanda.

Hindi na nakadalawang sabi pa sa akin si Manang noong dumiretso ako sa kuwarto nina Tita.

True enough, she's wailing on her bed. Si Kuya Maddox ay nakatayo sa gilid. Nahinto sa sinasabi niya noong pumasok ako.

"I can understand you, Mom, but-"

"Achie! God!"

"Ma'am, tubig po." Sunod din ni Manang.

Mabagal akong lumapit at hinagkan si Tita. She relaxes on my body. Halos sinisinok na sa kaiiyak.

"I'm missing Miki e-extra today… so I looked at his pictures and I couldn't stop crying! He's so happy…" lumingon siya sa kama kaya nakigaya rin ako.

It was a picture of Miki and her. In his high school uniform and kissing Tita's cheek. Kahit ako ay biglang nagbara ang lalamunan. He's so alive there.

Agad kong iniwas ang tingin at natapon iyon kay Kuya Maddox. He sighed. Magulo ang buhok at tinitigan din ako. My vision slowly blurred so I looked away too.

"Ako na po rito. You can go with Manang," alam kong patungkol sa akin ang huling linya.

"Maddox!" Sigaw ni Tita.

Humigpit ang yakap nito sa akin. Tumango-tango ako at pilit siyang pinatahan. Tinapik-tapik ko ang likod niya.

"It's okay, Tita…"

"Achie, do you miss him too? Dito ka lang muna… we can talk a-about him all day!"

Kumalas siya at tinapik ang malambot na higaan. I watched Tita being hysterical and excited simultaneously. Narinig ko ang palatak ni Kuya Maddox.

"Magkakasakit ka pa sa ginagawa mo, Mom. Just sleep and rest for now, please."

"No! Iwan niyo na kami ni Achie rito!"

"Tita," mahinahon kong tawag. Lumapit ako ng bahagya at hinawakan siya sa mga kamay. "I miss him, Tita. Palagi. Magkukuwentuhan tayo sa paggising mo."

Inayos ko ang unan niya sa gilid at tinuturo na iyon. Umiling-iling sa akin ang matanda. Namamaga na ang mga mata at hinila ako. I gasped because it hurts a little bit.

"Mom!" awat agad ni Kuya Maddox. 

He grabbed my arm away from Tita's grasp. Hinila niya ako papunta sa likuran at mabilis binitawan.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Where stories live. Discover now