Chapter 1

212 15 1
                                    

Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Kaklase ko ba talaga siya ngayon?

"Hirap hanapin ng section mo, tinataguan mo ba ako?" hindi mawala ang ngisi sa mukha niya na parang mapupunit ang labi niya sa pag ngisi.

"B-bakit ka lumipat ng section?"

"Ang hirap mong kakopyahan eh. Ngayon, di na natin kailangan magtago. You're mine now."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Pero nakakapagtaka pa rin ang pagpapalipat niya ng section. At aaminin ko na medyo kinakabahan ako.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na sikat sa Adamson si Kaizer. Guwapo siya. Mayaman. Kilala ang pamilya nila rito sa Maynila. Pamilya sila ng mga businessman at mga politiko. Kahit sa TV nafe-feature siya. Kaya nga ayaw kong nalalaman ng ibang tao ang koneksyon namin. Dahil ayaw ko ng atensyon.

"So, shall we start our first day, cheatmate?"

Napalunok ako. "T-tabi ba talaga tayo?"

He looked around. Wala pa masyadong estudyante. Marami pang vacant seats. Pinagdadasal ko sa Diyos na sana lumipat siya ng upuan. Dahil ayaw ko talaga na pinagpepyestahan ng rumors at chismis.

"Pangit iyong ibang upuan. Mas kita ko rito ang board."

"Ganoon ba, sige ako na lang ang lilipat—"

Akmang tatayo na ako nang hilahin niya ang pulso ko. "Wag. Dito ka lang."

"Ano kasi, baka di ko rin pala makita...baka may kaklase tayong matangkad, sa unahan na lang ako."

Umiling-iling siya. "Pag di mo makita, kopya ka na lang sa akin."


WALA NA AKONG NAGAWA.


Sa unang klase, ganoon ulit ang ginawa namin. Pinapakopya ko siya pero iyong hindi halata. Hindi ko rin siya kinakausap. Ako kasi ang nasa pinakadulo na kaliwa, malapit sa bintana, kaya madalas ay doon lang ako nakatingin. Naiilang ako dahil ang ilang mga babae sa klase namin ay nakatingin nang masama sa akin. Ikaw ba naman ay tabihan ng isang Kaizer Montano, madalas sa mga babae sa campus ay pangarap ang lalaking ito.

Gusto ko man sabihin na huwag silang mag alala, alam ko namang wala akong kapasidad na ibuka ang sariling bibig para mag-voiceout. Hindi kasi ang tipo ni Kaizer ang gusto ko. Hindi ako maarte. He's full package, i'd give him that. Pero hindi ko naman matuturuan ang puso kung kanino iyon titibok. Wala ang puso ko rito sa Maynila. Dahil naiwan iyon sa Cavite. Kung saan naroon ang kababata ko.

Nang mag uwian na, walang pasabi akong umalis at hindi na siya nilingon pa. Naninibago kasi ako, dati rati ay doon kami sa library nagpapalitan ng notes at mga sagot. Tago iyon at walang nakakakita. Ngayon kasi, magkatabi kami at magkaklase. Hindi ko maiwasang hindi mailang lalo na sa tuwing nagkakadikit ang mga braso namin sa armchair.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon din ang routine namin.

"Formula, tas sagot sa baba." mahina niyang sambit. Agad kong kinuha ang maliit na papel at kinopya ang sagot niya. Ang hirap kasi ng quiz sa math ngayon. Algebra ang subject at hindi ako nakikinig dahil lutang talaga ako palagi kapag math.

Nang magcheckan na ng sagot ay kabado ang buong sistema ko dahil kami lang naman ni Kaizer ang naka-perfect ng quiz. Baka tanungin ako kung paano ko nakuha ang answer, hindi ko mae-explain ang ginawa ni Kaizer.

At sa sobrang kamalasan nga naman. "Yes, class. Mahirap talaga ang problem na iyon. So, miss Suarez, care to explain your answer? Para naman maintindihan ng mga kaklase mo."

Napalunok ako at ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung paano nakuha ni Kaizer iyon. Kinopyahan ko lang siya.

"Tayo na, nak. Para makauwi na rin kayo."

Return To MeWhere stories live. Discover now