Chapter 38

119 9 0
                                    

They say when you love someone, you have to be the right person at the right time.

Kulang.

Para sa akin, kahit ikaw ang tamang tao para sa kaniya, at kahit nasa tamang oras ang pagmamahalan niyong dalawa, hindi sapat ang pagmamahal kung wala kayo sa tamang pagkakataon.

You have to be the right person at the right time under the right circumstance.

That constitutes love.

Wala namang maling umibig. Anong magagawa mo kung mahal mo talaga?

Wala rin namang nagpapamali ng pag-ibig kundi ang mga pagkakataon sa buhay natin.

Mali kasi kasalanan. Mali kasi may masasaktang iba. Kaya wala kang ibang magagawa kundi ang magparaya.

I have this very complicated love over the years. I have kept it within myself. I kept it repressed, because to love him while he's married is illicit.

But now...

"Dia, malaya na ako.."

I looked at his deep brown pair of eyes. He looked at me with genuine hope. It almost felt like a new beginning.


IT HAS BEEN A YEAR.


Sa buong taon na iyon ay nagtiis kami sa mga mumunting pagkakataon na magkikita kami sa bahay ni Seira. Hindi ko iniwan si Seira. I helped her heal. I told her all. Unti-unti na siyang nakakaalala. At kung magalit man siya sa akin ay ayos lang. Hindi ako para pakielaman ang damdamin niya. Andito ako para tulungan siya.

Before, I was doing it out of guilt.

But as time goes by, unti-unti ko nang nayayakap ang pagtulong sa kaniya. Nararamdaman ko na lang na masaya ako tuwing may naaalala siya, na masaya ako kapag natutulungan ko siya. Sa buong taon na iyon ay ako ang kaagapay niya at si Talia. I can't say that we're that close already. Alam kong sa oras na makaalala siya nang buo ay manunumbalik ang galit niya sa akin. Pero sa ngayon, gusto ko munang hayaan ang sarili ko na tulungan siya.

Kaizer promised me that when they get annulled, only then he will court me. And today, to this very day, I feel like I got out of my cage, too.

"You look beautiful, by the way." he tucked some strands of my hair behind my ear.

"How can you do this? You're really unrealistic."

Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinagsalukop niya ito. He led me inside one of their farms. Sa dulo ay ang field of roses na inaalagaan niya. Narito kami sa Bataan. Niyaya niya ako para sabihin na totoong hiwalay na sila ni Seira sa papel.

"Unrealistic.." he chuckled. "Idealistic?"

"Oo..basta. Parang hindi makatotohanan. Huling nagbreak tayo, college pa. Ilang taon na ba tayo ngayon?"

He picked a rose and he tucked it behind my ear, "Pretty."

"Kai, sagutin mo 'ko.." ani ko.

"Oh? Ikaw na pala nanliligaw? Sige, sinasagot na kita. Tayo na."

"Sira!" mahina ko siyang hinampas. "Bakit mahal mo pa rin ako kahit tinataboy kita? Bakit minahal mo pa rin ako kahit ilang beses kitang iwan?"

"Makulit ako, eh...sabi mo." he pursed his lips, making him look cuter.

Mahina akong tumawa, "It just amazes me how you can love me for so long, even without assurance that I will come back." I shrugged. "Too ideal."

"Dia, a love this strong won't fade with time." he simply said, making my heart race against my chest. "I have loved you without knowing if you love me too. Kaya kong isugal lahat para sa'yo, para sa huli ay sa akin ang uwi mo."

Return To MeWhere stories live. Discover now