Chapter 23

90 8 0
                                    

The following days gave me happy little moments. There were times where we would go to the library to read books, eat together, spend time with each other, and express our admiration for each other.

Masaya ang mga sumunod na linggo. Dahil kahit siguro anong lapit ni Seira sa kaniya, maisip ko lang na ako ang mahal niya, nawawala ang lahat ng negatibong nararamdaman ko. Nawala na rin naman nang kaunti ang takot ko kay Seira. Noong pinag-present kami, at kami ang nakakuha ng pinakamataas na marka ay nginitian niya ako at inapiran. Tama naman si Kaizer na mabait si Seira, minsan lang ay masungit ang dalaga.

Pinuri ng teacher namin kung paano namin perpektong naipaliwanag ang iba't-ibang klase ng pang-aabuso. It was like the thoughts came from our hearts. I explained how sexual abuse destroy lives, and Seira explained everything about domestic abuse and violence. Totoo pala iyong matalino rin si Seira. She has the confidence in speaking, on-point lahat ng sinabi niya.

"Baka sinusulat mo na d'yan mga sweet moments natin, ah." sinimangutan ko naman siya at mahinang tinadyakan. Kailangan pa bang sabihin ang obvious?!

"Asa ka."

He laughed softly and laid down on his stomach. Narito kami sa kuwarto ko ngayon. Kapag nakakatakas siya, dito agad ang diretso niya. Wala namang kaso iyon kay mommy, basta huwag maglo-lock ng pinto. At wala rin naman kaming masamang ginagawa.

The most intimate thing we did was to kiss...with tongue. That was it. He never overstepped the boundary. Hindi ko kaya iyon, baka hindi ko magustuhan ang mararamdaman ko.

"Tinatanong na ako ni mommy kung saan ako magco-college."

Natigil ako sa pagtitipa at napatingin sa kaniya. "Anong sabi mo?"

"'Di ko alam, hindi ko pa alam kung saan ka, eh."

"Bakit ako?" I frowned.

"Bakit hindi?" ngumuso siya, "Gusto ko parehas ang school natin."

"Baka mag UP ako."

"Edi doon din ako."

"Anong course naman gusto mo?"

Parang tumabang ang paningin niya, "Civil Engineering sana.."

"Eh bakit parang ang lungkot mo bigla?"

"Hindi iyon ang magiging course ko, magbu-business daw ako..."

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Even his course? Parang bigla akong nainis. Hindi naman ata iyon gusto ni Kaizer? Bakit pati iyon ay pakikielaman niya?

"Hayaan mo na. Sila naman ang nagpapa-aral."

"Kai..hindi naman iyon tungkol doon." binaba ko ang laptop ko at hinarap siya. "Nakakainis lang na pati ang pangarap mo, kukuhanin nila sa'yo. Wala ka nang kalayaan tuparin ang gusto mo."

He sighed and he just buried his face on my pillow. "Nakakapagod na...wala naman akong magagawa."

Nakaramdam ako ng kaunting awa, pero mas lamang ang inis. So I just wrapped my arm around him. Nakadapa pa rin siya, kaya pinatong ko ang pisngi ko sa gilid niya.

"'Wag kang ganyan, Dia..." he whispered. I was startled when he turned his face towards me.

"I'm just comforting you."

"Well, I feel another thing instead."

"Ha?"

He stole a soft kiss on my lips and he turned around from me. He also removed my hands from his body.

"Don't.."

"Minsan na lang ako yumakap, Kai."

"'Wag ngayon.." mahina niyang bulong. Napanguso na lang ako.

Return To MeWhere stories live. Discover now