Chapter 32

88 6 0
                                    

It's already September 2017, naka-schedule ako ngayong sabado para sa isang book signing. I couldn't believe it, I still have this feeling like I was dreaming. Nakaka-sampung libro na ako.

"Yam!" ngiti ko nang makita ang kaibigan ko.

"Aga mo, ah?"

MIBF ngayon. Kaya naman maaga kaming pumunta rito sa SMX. Malapit na rin magsimula ang program at ang book signing ko ay naka-schedule ng 10-11 AM. Kasabay ko si Yam dahil ni-request namin iyon. Alam naman ng lahat na magkaibigan kami.

"Congratulations on your latest book, by the way. Sino'ng inspiration?" siniko niya ako, at mahina ko naman siyang tinawanan.

"Na-inspire lang ako sa isang movie."

"Really? Anong movie ba iyong may goth girl na bida? Tapos may ex na kasal na?"

I silently hissed. Ewan ko rin ba bakit ko iyon nasulat. Pero wala na, natapos ko na, eh. Nagsisisi nga lang ako nang bahagya. Baka kasi nabasa pa iyon ni Kaizer. Isipin niyang siya iyon.

Kahit siya naman talaga.

Umiling lang sa'kin si Yam at dumiretso na kami sa mga upuan namin. Marami na ring mga tao dito. Halos ilang minuto na lang at magsisimula na ang book signing. Marami ang sumisigaw ng pangalan namin, kaya kinakawayan namin sila.

"Baliw na baliw sila sa latest book mo," hagikhik niya. "Sure ka hindi ikaw iyon?"

"Hindi nga. Sa fashion ko lang kinuha. Ikaw talaga." I shook my head at her. Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin.

"Owkie, sabi mo, eh."

"Oh come on.." I playfully nudged her. Nagtawanan naman kami.

Nang magsimula ang book signing ay naging seryoso na rin kami. Totoo nga iyon, marami ang natuwa sa bago kong release. It was the biggest hit. Maraming nagsasabi na sa akin ko inihalintulad ang bida. We have the same fashion. But they don't know one thing.

We also have the same leading man.

Sa libro ko, hindi rin sila nagkatuluyan.

Tragic tales has been my forte. Hindi ako magiging Hayami kung hindi nasasaktan ang mga characters ko. Pero hindi rin ako magiging Dia kung walang nanakit sa akin.

"Ma'am, ako ulit hehe...ang boss ko, narito kaso ayaw magpakita. Puwede raw po palagyan ng 'I love you, Kai'? Mahal na mahal niya raw ang karakter na iyon, ma'am."

Inangat ko ang tingin kay kuya. Natatandaan ko siya! Nakakailang balik na siya rito ah? Bakit kaya ayaw magpakita ng boss niya?

I smiled at him and I signed the book. Bukod sa 'I love you, Kai' ay dinagdagan ko iyon.

Can I see you? :))
-Hayami

"Pakisabi po sa kaniya, na gusto ko siyang makita. Salamat po!"

Tumango naman ang lalaki at nagpaalam na. I turned my gaze at my readers. Marami ang masaya sa libro ko, kahit hindi naman nagkakatuluyan ang mga bida. Ewan ko, gusto lang ata nilang masaktan kaya nila binabasa ang mga libro ko.

"Finally!"

After one hour, natapos rin ang book signing. Napagdesisyunan namin ni Yam na gumala-gala muna. Gusto ko rin kasing mamili ng libro. Marami akong gustong basahin ngayon.

"Yam, sa wattpad section tayo." yaya ko. Tumango naman siya.

Kinuha ko ang paborito kong mga libro. My favorite Filipino author. Alam ko lahat ay kilala ito. She's a living legend. I idolize her so much. Ang mga libro niya ang pahinga ko tuwing masyado akong nabibigatan sa sarili kong libro. Her stories feel like an escape. When I read her stories, I feel like I am living outside of my own life. Patungo sa malayong lugar kung saan maririnig ang alon ng karagatan, at makikita ang puting buhangin.

Return To MeWhere stories live. Discover now