Chapter 6

115 14 1
                                    

Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili sa pagsusulat. At siya na naman ang naiisip ko. Sa bawat eksena kasi na kasama ang bidang lalaki ay mukha niya ang kusang rumerehistro sa isip ko. Gustuhin ko mang pigilin ay parang sirang plaka na paulit-ulit siyang tumatakbo sa isip ko. Ano ba ito? Why am I feeling this way? Why is he giving me this kind of emotion?

"Oh? Hindi ka pa natutulog?" lumabas si mommy na naka-night gown at mayroon pang puting facemask kaya halos mapatalon ako sa gulat.

"Hindi pa po tapos ang sinusulat ko.."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "May assignment ka? Hindi ba't dapat kanina mo pa iyan ginawa?"

I shook my head, "G-gumagawa po ako ng nobela..."

Dinapo niya ang tingin sa laptop ko at saka siya muling tumingin sa akin. And to my disappointment, she just hissed at me. Iyong tingin niya pa ay parang nang-aasar na ewan.

"Nobela? Pinagaaksayahan mo pa iyan ng oras kesa sa pagtulog mo? Paano kung tubuan ka ng tigyawat pag gising mo? Sandamakmak na gastos ko sa mukha mo, Dia! Tumanaw ka naman ng utang na loob." and there she goes again. Sana pala ay hindi ko na sinabi. Sana ay hindi ko na sinubukang magopen sa kaniya.

"Pumasok ka na sa kuwarto. Maaga pa ang pasok mo bukas. Nobela, nobela, ni wala ka ngang kaibigan." irap nito sa akin at pumasok sa banyo.

Sa inis ko ay napatayo na lang ako at dinala ang laptop papasok ng kuwarto ko. Nakakainis! Palagi nalang ganito. Palagi nalang na ang mga bagay na gusto ko ay tila walang halaga sa kaniya. Ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ay hindi niya manlang bigyan ng pansin. Palagi nalang ang gusto niya ang nananaig.

Bagama't ang magulang ay dapat naman talagang sundin, alam ko naman sa sarili ko na buong buhay akong sumusunod at hindi sila binabastos. Malaki pa rin ang respeto ko kahit ganoon na lang ang pagtrato niya sa akin. But ever since I was a child, napakacontrolling niya na. Sobra na at pakiramdam ko hindi na ako nabubuhay para sa sarili ko pero para lang masatisfy siya. Para sumaya siya. Pero paano naman ako? Buhay ko ito.

Hinintay ko ang ilang oras pero hindi pa rin ako natulog. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko kaya nagtulug-tulugan ako. Kalaunan ay sinara niya na rin naman ang pinto. Napaniwala ko siyang tulog na ako. Gusto ko sanang magsulat pa. Pero ayaw ko rito sa kuwarto. Naiinis ako na pakiramdam ko trapped ako. Na ang mga ideya ko ay nawawala sa isip ko kakaisip kay mommy. Gusto ko ulit tuloy umalis.











ALA UNA ng madaling araw, napagdesisyunan kong muling bumaba ng condo. But this time, dala ko na ang laptop ko. Gusto ko kasing subukan iyong lalabas ka at doon hahanap ng inspirasyon. I am overflowing with emotion today, kailangan kong maibuhos ito sa pagsusulat. Because whenever my voice can't reach people, I rely on my words to express my emotions. To voice out my feelings through written expression.

Muli akong pumasok sa convenience store. Ang lalaking cashier ulit ang naroon. Nang makita niya ako ay lumawak ang kaniyang ngiti.

"Hi, miss pretty!" bigla akong nahiya. Ang lawak ng ngiti niya kasi at parang tuwang-tuwa siya na nakita akong muli.

"Kala ko di na kita makikita, eh. Totoo pala talaga ang Diyos. Akalain mo iyon?" tipid na ngiti na lang ang sinagot ko. Dahil ano bang dapat kong sabihin sa impormasyon na iyon?

Nilagpasan ko na lang siya at kumuha ako ng makakain. C2 na malaki at mga chichirya lang ang binili ko ngayon. Nang dalhin sa cashier ay pinigilan niya ulit akong magbayad.

"It's on the house, miss pretty. 'Wag ka nang mag-abala." sabi nito sabay kindat pa. Wala akong emosyon na tumingin sa kaniya. Dahil ano ba ang dapat kong ipakita? Nakangiti ba?

Return To MeWhere stories live. Discover now