Chapter 29

87 8 0
                                    

"Are you sure about this?" nilingon ko ang kaibigan kong si Chantel.

"It will be painful."

"Parang hindi ko naman alam, Chantel." I laughed softly. Hinila ko na siya sa loob ng tattoo shop.

I decided to get one. Gusto ko magpa-tattoo sa leeg. If this is one way I could ever get over my trauma, then I am willing to risk getting hurt. Saglit na sakit lang naman iyon.

"'Wag kang iiyak mamaya, ah." banta nito. Inirapan ko na lang siya.

"Beks! Isa nga rito." tropa niya naman iyong tattoo artist.

"Anong design, ganda? Pili ka na lang." lumapit sa amin ang babaeng tattoo artist. Puno rin ng tattoo ang katawan niya. Kinuha ko ang cell phone ko at pinakita sa kaniya ang gusto kong design.

"Ahh...gusto mo na palibutan ng mga stars ang leeg mo? Na parang kwintas?"

"Yeah."

"Sure, let's do that!"

Pinapunta na nila ako sa loob at pinahiga niya ako. She started doing the prep. "Is this your first time?"

"Yeah."

"It will be painful, ha? Lalo na at sa leeg ito."

"Kaya ko naman.."

Wala lang naman siguro ang sakit ng tattoo sa mga pinagdaanan ko, diba?

Tumango siya at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. At nang magsimula siya, ay para akong binilad sa impyerno.

"Kapit ka lang sa'kin pag sobrang sakit." Chantel said. I hold on to her hand. Malakas ang kapit ko. Dahil putangina ang sakit pala talaga!

Parang gusto ko nang mamatay ngayon.

"Konti na lang.."

"Tangina, ayoko na.." naluluha kong saad.

"Sabi naman kasi sa'yo, eh. Ang kulit mo."

Natawa na lang iyong tattoo artist at pinagpatuloy ang pananakit sa akin. The pain lasted for some more minutes. Hanggang sa hindi ko na naramdaman ay nakatulog na pala ako sa sakit!


"Ganda ng tattoo mo, ah? Goth na goth ka na!" she pinched my cheeks and I automatically frowned.

"Paano mo nakakaya 'to? Sobrang sakit kaya!"

"Pag paulit-ulit mong ginagawa, masasanay ka na lang din." she shrugged nonchalantly.

Pinagmasdan ko ang tattoo ko. Ito ang pinakaunang beses na minarkahan ko ang katawan ko. I caressed it softly. But slowly, my smile crept across my face.

I did this to somehow cover my neck. I hated my neck ever since that happened. They say neck turns men on. Maybe that's why I was kissed and bitten on my neck by that abuser. I have loathed it for so many years. I have never let anyone touch it. But now, I marked it, I covered a portion of it with stardust.

Because I wanted to get over it. I wanted to move on from it.

"Hindi ko alam kung anong pinag-gagawa mo sa sarili mo, Dia. Black makeup, black clothes, tapos ngayon nagtattoo ka naman. Satanista ka na?" mommy looked at me in disappointment.

Napatungo na lang ako. "It's just style, mommy."

"Naiintindihan kong style nga. Pero hindi ka ba nadidiri? Seriously, tattoos?"

"Matagal ko na pong pinandidirian ang sarili ko."

Natigilan siya nang sabihin ko iyon. At biglang lumamlam ang paningin niya habang iniiwas iyon sa akin. "Ang sa'kin lang naman...iyang pagpapa-tattoo mo. Baka mamaya ay sa susunod, buong katawan mo na ang mayroon. Alam mo naman ang mga tao. Baka isipin nila pariwara ka."

Return To MeWhere stories live. Discover now