Chapter 24

77 8 0
                                    

"Raven, pasens'ya ka na. Nadamay ka pa sa gulo ko."

"Sino ba iyon? Grabe kung makapagsalita.." inis niyang tugon.

Napatungo na lang ako sa hiya. Hindi ko inaasahan na makikita kami ngayon ni ma'am Francia.

"That was...my boyfriend's mother."

Bakas ang gulat sa mukha niya, at agad iyong napalitan ng awa at pag-aalala. "She's rude.."

"Ayaw niya sa'kin...dahil may gusto siyang ibang babae para sa boyfriend ko."

Hindi siya nakapagsalita. Marahil ay dahil sa gulat, at baka wala siyang masabi sa sitwasyon ko para pagaangin ang loob ko. Dahil kung ako rin naman sa posisyon niya, gano'n din ang magiging reaksyon ko.

"She said he's bound to love a girl...that's not me. Para sa negosyo siguro. Hindi ko rin alam."

"Sabagay. Mahirap gumalaw sa mundo ng mayayaman." I heard him sigh. Napalingon ako sa kaniya.

"Relate ka ba?"

Munti siyang tumawa, "Mayaman din ang pamilya ng nililigawan ko. Aaminin ko, mahirap intindihin ang mundo nila. Gusto nila, iyong mayaman din. Iyong mapakikinabangan nila."

Napatango ako. Totoo naman iyon. Tanggap ko rin naman ang katotohanan. Pero nagmahal ako, kaya kailangan panindigan ko. Hindi ko puwedeng sukuan na lang nang basta-basta si Kaizer. Not when he's fighting for his love for me.

Kaya naman sa mga sumunod na araw, pilit kong iwinaksi si ma'am Francia sa utak ko. Pero hindi gano'n kadali ang mga sumunod na araw. Dahil sa pagsapit ng lunes ay ang malamig na tingin ni Kaizer ang sumalubong sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla niyang iniwas ang tingin sa akin. I just frowned. Baka masama ang gising niya.

I continued on with my day. Hindi talaga ako pinapansin. Tapos si Seira, noong tinanong siya, sinagot niya naman.

I tried holding his hand, but to my surprise, he just shove it away. Galit ba siya sa'kin?

"Kai...may quiz tayo calculus mamaya. H-hindi ko kasi ma-gets iyong–"

"Seira, kailan mo kailangan 'yong notes ko?"

Parang umusok ang tainga ko. Nagtataka ko silang tinignan pero hindi mawala ang iritasyon na nararamdaman ko.

"Ngayon, p'wede? Thanks!"

Napayukom ang mga palad ko. Ano bang problema niya? Bigla-bigla siyang hindi namamansin, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.

Inis kong sinandal ang likod ko sa upuan ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Bakit kailangan niyang balewalain ako nang gano'n? I didn't know why. Kung may nagawa man ako, bakit hindi niya iyon sabihin para makahingi ako ng tawad?

Sa buong math period, hanggang sa mag quiz ay hindi niya ako pinagtuunan ng pansin. I got 7/15. They got a perfect score. I feel irritated but I also do understand that it's the best of my ability. Wala, eh. Bobo talaga ako sa math, eh.

"Kai, sabay ba tayong uuwi?" mahina kong tanong. He just glanced at me, and he turned to Seira.

"Susunduin tayo ng daddy mo ngayon."

"Ay, oo nga pala. Kakatext niya lang kanina."

And there I was again, feeling left out. Sanay naman na akong nale-left out, pero hindi kay Kaizer. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko.

I just looked down while adjusting my bag. Nang maisabit iyon sa likod ko ay hindi ko na sila pinansin pa. But before I get to walk away, he turned his gaze at me.

Return To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon