Chapter 12

119 12 0
                                    

The following days were normal. Tuloy-tuloy lang ang pag-aaral namin. Sa mga quizzes, recitations, at mga projects ay palagi kaming ganado ni Kaizer. And because our classmates also started noticing our closeness, sinimulan na rin nila kaming asarin. I don't know how they manage to stop the bullying and started supporting me with Kaizer, bigla na lang iyon nangyari nang hindi ko inaasahan.

Pero hindi naman lahat ng bagay ay papabor sa iyo, katulad ko. Ang grupo nila Cheska ay may masama pa ring tingin sa amin. Lalo na si Ivy. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit niya sa akin, gayong wala naman akong ginagawang masama rito.

Nakatunganga lang ako rito sa tambayan namin ni Kaizer dahil sa mga bagay na iyon na pumapasok sa isipan ko nang biglang may dumating na isang babae.

"Tangina, nandito ka lang pala ah—DIA?!" nanlaki ang mga mata nito at maging ako ay na-alerto. Si Aerona!

"Aren't you aware that we're just a few blocks away from the faculty? Don't curse here." casual na sambit ni Kaizer.

"Gagi! Okay lang 'yan. Bakit, sila ba hindi nagmumura? Arte nila." tumabi siya sa akin na may malawak na ngiti.

"Anong meron sa inyo, ah? May something ba kayo?" mapanukso nitong ngiti.

"Wala.."

Tinaasan ako ng kilay ni Kaizer nang sabihin ko iyon. "Magkakilala na pala kayo."

"Natural lang dahil ikaw na pukingina ka, sinali-sali mo pa ako roon sa contest na 'yon. Malamang makikilala ko 'yang shota mo!"

"Hindi kami!" tanggi ko. Binigyan niya naman ako ng mapanuksong tingin.

"Maniniwala sana ako, eh. Kaso wala namang kinakausap na iba 'tong insan ko."

"Why are you here, Nona?" Kaizer crossed his arms, looking at his cousin.

"Si mommy kasi, pinapahanap ka sa'kin. Sabay daw tayong umuwi mamaya. May important dinner daw at sa'yo niya ako pinasasabay."

"Important dinner? About what?"

Nagkibit-balikat si Aerona. "Basta, sabay ako sa'yo mamaya."

Kumunot naman ang noo ni Kaizer, "Hindi puwede. Kasabay ko si Dia."

"Kuh! Sabi na, may something talaga kayo. Tangina niyo mga lowkey!" pabirong sinuntok ni Aerona ang braso ni Kaizer.

Nahiya naman ako agad, puwede naman kasi akong umuwi mag-isa. "Kaizer, isabay mo na si Aerona...sa susunod na lang tayo magsabay."

His brows furrowed at me, "Paano kung guluhin ka ulit nung lalaking iyon?" napaisip naman ako. Si kuya Andrew ba ang tinutukoy niya? Hindi naman na ako ginulo ni kuya Andrew dahil palagi kaming magkasabay umuwi ni Kaizer, kung makita ko man siya ay minsan lang iyon at agad kong binabalewala.

"Hindi naman siguro iyon. Matagal na rin mula nung huling nanggulo si kuya Andrew."

Saglit pa siyang nag-isip saka bumuntong hininga. "Give me your number."

Napakurap naman ako. Sa tagal naming magkasama at magkaibigan, ngayon niya lang hiningi ang number ko. Nakakapanibago, pero inisip ko na lang na para rin naman ito masiguro niyang safe akong makakauwi.

"Taena, sa tagal n'yong magkaklase wala pa rin kayong number ng isa't-isa? Hina mo, bro."

"Oh, shut up." he hissed at her. "Meet me at the parking lot later, you can go now."

Napatingin ako kay Aerona nang magmake face siya. "Dia, sabihan mo nga 'tong bawas-bawasan niya pagsusungit niya. Baka maaga siyang tumanda."

Napatawa naman ako nang kaunti, pero agad ding tumahimik dahil sa masamang tingin ni Kaizer. Even so, I teased him, "Narinig mo 'yon, Kaizer? Nakakatanda pala pag nagsusungit."

Return To MeWhere stories live. Discover now