Chapter 11

107 12 0
                                    

Ilang araw na, iniisip ko pa rin ang pinagkaiba. Pero sabagay, hanggang ganoon lang naman siya at hindi naman nagbago halos lahat. Ganito naman na kami dati pa. Pero gestures of 'love'? Love niya na ba ako? Ang bilis naman!

"Uuwi pala ang baba mo mamaya, susunduin natin sa airport."

Bilang lumiwanag ang mukha ko. Uuwi si baba! Sobrang miss ko na siya. Ilang buwan din siya roon sa Dubai. Miss ko na ang mga luto niya at ang bonding namin.

"Mommy, magtatagal po ba rito si baba?"

"Hindi ko alam. Marami pang problema sa negosyo." iyon lang ang sinabi niya at tumalikod na. Napakunot naman ang noo ko. Hindi pa rin nila inaamin sa akin ang bagay na iyon. Marahil ay tingin nila hindi ko maiintindihan dahil bata pa ako, o ayaw nila akong mag-alala sa kanila.

But we are a family. Tatlo na nga lang kami, hindi pa kami magtutulungan? Kung inaalala nila na makakaapekto iyon sa pag-aaral ko, sa palagay ko ay kaya ko pa rin namang galingan kahit tinutulungan ko sila. I just don't want to feel like everything is fine even if we're already falling apart.

Sa makalawa, uuwi kami ng Mendez. Hindi ko rin alam kung anong sadya namin doon pero alam kong may kinalaman iyon sa problema namin. Saglit ko pang tinuloy ang pagsusulat ko sa laptop bago pumunta ng banyo para makapaghanda sa pagsalubong kay baba mamaya.





"BABA!"

I missed him so much! Ilang buwan din mula nung huli ko siyang nakita. Namayat si baba, katulad ni mommy ay malalim ang mga mata nito. Humaba rin ang balbas niya na parang wala na siyang time mag-ayos. Pumayat din siya. I couldn't help but to feel sad about it.

"I missed you, baba." I said as I hugged him.

"Oh, my daughter. Baba missed you too...so so much." I heard him sob, and I felt like crying too. Mommy hugged us both, and it was quite a reunion.

"Come on, let's go home." inayos na ni baba ang maleta niya. Isa lang ang dala niyang maleta ngayon. Does that mean saglit lang siya rito?

Isang oras lang ang binyahe namin dahil malapit lang naman ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Nang makabalik sa condo ay ako na ang nag-ayos ng gamit ni baba habang sila ay nag-uusap sa living room. Nang matapos ako ay pasimple ko silang pinakinggan, nagtago ako sa likod ng dingding.

"What's your plan?" it was baba.

"I don't know. I'll try and ask mama, but Jacob, you knew that we just lost papa, we're still grieving and..."

"I know..I know. And i'm sorry. If I didn't let myself be fooled, we wouldn't be thinking of this."

"Is there no other way to save your company?"

"No...I invested it all and he got the papers. That man fooled me. I don't know how I can get my millions back."

"I don't know if I can borrow money from them..sure, a few hundred thousand will help. But Jacob, you lost fifty million. It's not even half of it."

"I'm sorry, honey..."

"What else can I do? We'll just have to get through this."

"T-thank you..."

Mabigat ang puso kong humakbang papalayo. Fifty million..ang nawala sa amin? Gano'n kalaking halaga ng pera ang nanakaw sa amin? Pakiramdam ko nanlambot ang mga tuhod ko. Umiiyak akong bumalik ng kuwarto. Kaya ilang buwan na at nag-tatalo pa rin sila. Kaya gano'n na lang ang pagtitipid ni mommy at maging ang mga designer bags niya ay binenta niya. Kaya hindi na siya nakakapagpa-treatment at hindi na kami nakakagala sa mall. We just lost fifty million in an instant. All because my baba trusted a snake in his life.



Return To MeWhere stories live. Discover now