Chapter 7

108 14 1
                                    

"Dia."

Pumasok ako sa faculty at dumiretso kay Miss Fortuno. She gave me a faint smile as she beckons me to come closer.

"Pinapatawag niyo raw po ako, miss?"

"Yes. We need to talk for a bit." tinanguan niya muna ang isang teacher na paalis na ng faculty. Matatapos na rin ang lunch time kaya saglit lang akong pinatawag ni Miss Fortuno.

"Iyong tungkol sa Buwan ng Wika..."

Napakurap ako. Pipilitin niya ba akong sumali?

"Don't you think it would be a big break for you?"

"Miss, hindi pa po ako handa...hindi pa po ako magaling." mahinahon kong saad. Ngumiwi naman siya.

"Paka-humble namang bata talaga oh. Maupo ka nga riyan. Ise-salestalk kita."

Umupo ako sa upuan na katapat ng table niya. She rested her chin on her hands. "Alam mo ba kung bakit sine-salestalk kita?" umiling ako.

"Kasi, nakalista ka na."

Nanlaki ang mga mata ko, pero bago pa ako umalma ay inunahan niya na ako. "Pinalista ka niya, eh sakto, napasa ko na ang papel sa head ng event. Sa totoo lang ay inihabol niya lang iyon bago ko i-print ang listahan."

Nakaramdam ako ng kaunting inis, pero hindi ko iyon pinahalata kay Miss Fortuno.

"Kaya nga ise-salestalk kita, 'nak. Alam mo, sa totoo lang, kung hindi ka sasali sa mga ganitong patimpalak, hindi tataas ang self-confidence mo."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"He knew that you'll refuse the offer, that's why he gave you a pen name. Hindi pangalan mo ang nakalista kung hindi 'Hayami'. Ewan ko rin kung bakit iyon ang naisip niya. Pero pinalista niya iyon nang sa gayon, hindi ka makikilala ng mga estudyante kung hindi ka pa handa."

So, tama nga ang kutob ko. Siya ang nagsali sa akin. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

"Come on, Dia. Hindi ka naman makikilala ng mga tao. Kung iyon ang inaalala mo."

"Puwede po pala iyon?"

"Sa totoo lang, hindi. Eh ano pa ba namang magagawa ko kung ang lolo niya na ang nangungulit sa akin?" natatawang sambit nito na may halong mapang asar na tono. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Sana ay umattend ka, 'nak. Dahil sayang naman ang effort nung isa." mahina itong tumawa na parang nanunukso ang tingin sa akin.

"Kidding aside. Personally, 'nak, gusto ko ring sumali ka. Ang mga katulad nitong essay writing contest, puwede mong gawing stepping stone kung tatahakin mo ang mundo ng pagiging manunulat. Pasensya ka na kung mukha akong nangingielam, ha? Alam mo kasi, eversince I read your essay about your dream, sobra akong na-move. You seem to be so passionate about writing. You even said may sinusulat kang libro."

I blinked twice. I don't know what to react.

"If you want to pursue something, you have to act and not just dream. Dahil anak, hindi lang pangarap ang binubuo mo rito, binubuo mo rin ang hinaharap mo. At alam mo kung anong kailangan mo sa tunay na mundo? Lakas ng loob. Confidence, anak. Kapag nakita mo kung paano gumalaw ang tunay na mundo, maigi na iyong handa kang harapin ang lahat manalo man o matalo, kutyain ka man ng tao o hangaan. Kaya 'nak, sayang ang pagkakataon kung hindi mo susubukan. Sinasabi ko lang naman. Concern lang ako sa iyo bilang adviser mo, at bilang isa sa mga tao na naniniwala sa kakayahan mo."

Napatungo ako. I appreciate what she have said. Tama naman siya. Hindi puwedeng palagi akong pinanghihinaan ng loob. Sa totoo lang, hindi pa ako handa. Pero dahil sa words of encouragement niya ay pakiramdam ko lumakas ang loob ko. Ganoon talaga siguro kapag alam mong may taong naniniwala sa iyo, at sa kakayahan mo. Panglalakasan ka ng loob.

Return To MeWhere stories live. Discover now