Chapter 4

118 13 1
                                    

"NEW SEATING ARRANGEMENTS"

Iyon ang nakapaskil sa board. Noon kasi ay hindi na nag assign ang teachers ng seating arrangement pero august na ngayon kaya kailangan na nito. Ang sabi ay by alphabetical order daw ang new seating plan kaya narito ako sa may dulo. Suarez kasi ang apelyido ko.

"Ang malas! Ba't katabi ko 'to?!" iritadong sabi ng kaklase ko, si Ivy. Hindi naman gaanong malakas ang boses niya para marinig ng teacher, but it was loud and harsh enough for me to hear it.

Hindi ko na lang pinansin.

"'Wag ka didikit sa'kin ah? Baka mahawa ako sa pabango mo. Ang tapang masyado."

Napatungo na lang ako. Matapang ba ang victoria secret vanilla lace? O sadyang nang-aasar lang talaga siya at inaasar ang lahi ko?

Napatingin na lang ako sa harap at sa gulat ko ay nakatalikod si Kaizer na nakatingin sa gawi ko. Agad akong napatungo at hindi na lang pinansin iyon.

Sa pagtatapos ng klase ay malungkot akong lumabas ng room. Nag quiz sa math at 4/10 lang ako. Unlike noong long test na naka 30/30 ako dahil tinuruan ako ni Kaizer. Bagong lesson kasi ngayon. Mas mahirap at mas komplikado. Okay naman sana ang turo kaso yung quiz napakahirap dahil kailangan mo pang i-derive ang formula, hindi naman ako marunong noon.

"Dia, ba't di mo ako pinapansin sa friendster?"

Heto na naman siya.

"Alam mo peymus ako roon eh. Maswerte ka nga at ikaw ang in-add friend ko. Ang dami kayang naghahabol sa'kin."

Iniwasan ko siya pero sinusundan niya pa rin ako.

"Dia, gusto talaga kita kahit sabi nila hindi naliligo ang mga arabo. Doon pa lang, alam mo nang seryoso ako sa'yo—Dia!!!"

Nanakbo ako para hindi na niya ako masundan. Pero ambilis niya pa rin talaga.

"Pansinin mo naman ako oh!"

"P'wede ba tigilan mo na'ko? Nakakainis ka na." malamig kong tugon.

"Bakit? Nagbibiro lang naman ako, eh." kamot-ulo nitong tugon.

I shook my head and stared at him with growing irritation, "Jokes are supposed to be funny, yours are insulting."

"Oh? Na-offend ba kita? Bakit? Mabango ka naman ah?" pabiro niya akong inamoy kaya tinulak ko ang balikat niya.

"Tsaka...bakit ba ang ilap mo sa akin? Ako na nga lang ang nagtitiis sa'yo." mayabang nitong tugon.

"Hindi ko kailangan ang pagtitiis mo. Lubayan mo ako." I scoffed at him and turned my back on him. Nanakbo na ako palayo sa banayad kong inis.



Takbo ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa isang lugar. Ang dating pinagkainan namin ni Kaizer ng lunch. Siguro naman ay hindi niya ako masusundan dito.

Umupo ako sa bench at bumuntong hininga. Maya-maya na lang siguro ako uuwi.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinandal ang ulo sa bench. Nakakapagod ang araw na 'to. Mas humirap kasi hindi ko katabi si—

"Dia."

I suddenly opened my eyes, and to my surprise, I saw his heavenly face in front of me. I didn't expect to see him here.

"K-kaizer.."

"Kai na lang."

"Ha?"

"Kai. I want to be called Kai.."

Umakyat ang dugo ko sa pisngi. Did he just tell me to call him by his nickname? Ang mga kaibigan niya lang ang gumagawa non.

"Anong ginagawa mo rito?" pag iiba ko ng topic.

Return To MeМесто, где живут истории. Откройте их для себя