Chapter 35

96 7 0
                                    

"MAY napansin kayo?"

"Marami. Sobrang dami." ngisi ni Army.

I rolled my eyes at them. Come on, parang hindi sila sanay na naka-clean makeup ako?

"Kung hindi ka lang man hater, iisipin kong inlove ka ante." ani Eva. Si Nika naman ay nakatingin lang pero may mapang-asar na ngiti.

"Come on! Tinatamad lang ako mag-ayos." inirapan ko sila.

Today is Saturday. Napagdesisyunan namin na magcatch up. Narito kami sa SM ngayon para magwaldas ng pera. Mga busy sa kani-kaniyang trabaho, nas-stress kaya naman naisipan naming magkita-kita.

"May something new talaga." Army narrowed her eyes at me. "Si Kaizer ba?"

"What? No! It's not him." I scoffed. Pero parang mali ata ang sagot ko!

"Oh...so there's really someone."

"As long as single, go na 'te. Sinasapot na kipay mo, eh!"

"Gago!" binatukan ko si Eva. Palagi na lang nang-aasar, palibhasa lahat sila may karanasan na. Lahat sila!

"Sino ba kasi 'yan? Pogi ba?"

"Pipili ba si Dia ng pangit? Baka maging downgrade lang, 'no. Sino ba namang gustong tumapat kay Kaizer?"

"Tangina nito ni ante, eh. Pangshowbiz ang lovelife. I-send ko kaya sa magpakailanman love story niyo?"

"Gago, sa MMK ko ise-send." nag-apiran si Eva at Nika.

"Tigilan niyo nga ako." I rolled my eyes at them. "Ano, kakain na ba tayo?"

"Sino muna kasi? Alam mo, ikaw na lang ang walang boyfriend. Etong si Nika, nadiligan na. Ikaw, teh kelan?"

"Tss..wala nga 'yon."

Hanggang sa makapasok kami sa restaurant ay hindi nila ako tinigilan. "Meron talaga 'yon, 'wag kang tokshit."

"Siguro 'yung nagtag sa kaniya na author. Gago ampogi no'n, eh."

"Sino? 'Yung Zio ba?"

"Oo, 'yon! Feeling ko lang. Eh kasi, hindi naman 'to napayag makipagpicture sa lalaki." ani Eva.

"Sige, pag-usapan niyo pa ako sa harap ko." I folded my arms and leaned against my seat. Nginisian lang nila ako.

"Sino nga? Tsaka anong ganap?"

I sighed. Badtrip naman 'tong mga 'to, hindi mapigil. Paano kung maudlot dahil sa kaka-usisa nila? Well...it has been weeks. Hindi pa naman kami ulit nakakagala ni Kenji. Pero palagi siyang nagme-message. Does it mean we're...you know, chatmates?

"Siya nga."

"AAACK!"

"Teh naman, bunganga mo!"

Tinampal ni Army ang braso ni Eva. Nga naman, nasa restaurant kami ta's sisigaw siya. Naglingunan tuloy ang mga tao. Walang preno ba naman ang bunganga ng isang 'to. Kahit saan niya gustuhing magreact, ginagawa niya.

"Sorry po.." ako na lang ang humingi ng dispensa sa mga taong naabala. "'Wag ka ngang sumigaw."

"Sorry naman! Ikaw kasi, eh...ang tagal mong walang kinukwento. Aba, natural lang na magreact ako nang ganito, 'no."

"Anong score?" Nika asked.

"Wala naman...isang beses pa lang kami nakakagala. Iyong pinaka-una, doon ko siya nakilala ulit. Kaibigan kasi iyon ni Yam."

"Bagay kayo...parehas kayong author."

"Pag nagkasakitan, sa libro magpaparinigan." asar ni Eva sabay nag-apir na naman sila ni Nika.

Return To MeWhere stories live. Discover now