Kabanata 8

441 22 3
                                    

CURSE's POV

"Do I need to beg, Curse?" Radge asked.

Napasinghap ang lahat.

Alam kong bago sa kanila ang pinapakitang emosyon at expression ni Radge kaya talagang mararamdaman ang gulat nila. Kahit ako, nagtataka e. He's doing something for me na hindi ko inaasahang maaari niyang magawa. Umiba siya ngayon kumpara noon. Nakikita sa kanya ang unti-unting pagbabago and If I'm not mistaken, nagstart 'yan mula nung nagkaroon ng zombie outbreak. Why? Dahil dati, panay lang siya pang-aasar at pampipikon. Pero, ngayon? Mapilit na siya sa mga bagay na siya lang ang may gusto. Mas nakakadagdag pikon lang.

I sighed at him.

Radge had this darkness aura even though his face was in a serious and blank expression state. Ako naman, bahagyang salubong ang kilay habang ito'y nakataas pa. Yung mukha ko, parang naiirita na talaga sa kanya. No, hindi lang "parang" , as in nakakainis na talaga siya. This is not funny at all. Gusto niyang sumunod ako sa gusto niya.

Nagsalita na naman siya. "Do you want me to atleast beg for it?"

"What's wrong with you?" I hissed.

"Do I need?"

"Stop it." Usal ko.

"Radge!" Panunuway ni Quill at hinaplos ang braso nito. "Stop this. Why are you doing this?" Tanong pa niya pero hindi manlang siya nito nilingon. Mas nairita ang mukha niya kaya bumaling siya sa akin. "Ano ba, Curse?!"

I scoffed. "What?!" Umirap ako. "Look, pag-usapan niyo 'yan. I'm out of this." Sabi ko at tumalikod. Naglakad ako papalayo sa kanila.

Dumiretsyo ako sa banyo pero bago ko pa masarado 'yon, may biglang pumigil mula sa itaas ng pintuan at mabilis na pumasok. Nanlaki ang mata ko nung makitang si Radge 'yon at agad na sinarado ang pintuan. Magrereklamo pa sana ako pero nagulat ako nung tinulak niya ako para masandal sa pintuan at nacorner niya.

"Radge!" Suway ko. I feel suffocated dahil maliit lang naman ang banyo at dalawa pa kami rito. Hindi ko rin gusto na kasama siya kaya mas nangamba ako. He's so big infront of me at kahit na magwala ako ngayon, walang-wala akong laban sa katawan niyang nakaharang sa harapan ko. I could feel like he's invading my space!

"Radge!"

"Pre!"

Rinig kong tawag ni Quill and Zeor. Dahil nakasandal ako sa pintuan, rinig ko ang kalampag nila sa labas. Bahagya kong inurong ang ulo ko papalapit kay Radge. I just realized na kahit anong gawin nilang kalampag doon, hindi nila ito mabubuksan dahil pinipigilan ng dalawang kamay ni Radge 'yon. Wala silang magagawa para rito sa amin sa loob.

"You're stubborn." Ani Radge, parang wala siyang naririnig. He's ignoring our mates outside. He's unbelievable!

"Ikaw 'yon!" Sigaw ko sa kanya. "Pwede ba Radge?! Stop this, you pervert!"

"Don't lose my patience on you, Doll face."

"What's your problem?!" Iritang tanong ko at hinampas pa ang dibdib niya pero parang wala lang sa kanya 'yon.

"You're my problem, you liar."

I scoffed. "Liar?"

"Yes!" He hissed. Dahil magkalapit kami ngayon, mas ramdam ko ang galit niya. His eyes are dangerous, parang hindi pwedeng biruin. "You're a liar. You're hiding something." Sabi niya pa sa isang normal na tono, yung hindi maririnig sa labas. Pero, kahit na ganon, dinig ko ang diin ng kanyang linya. Nagpatuloy siya. "You're pregnant."

Escape to DeathWhere stories live. Discover now