Kabanata 40

473 34 3
                                    

CURSE's POV

"Now, with that, do you still think that you're good for my sister?"

I literally swallowed hard.

If I remember it right and to make it clear again, Charles said that Radge is the one who killed my sister, our older sister. But, this was just a claim. Hindi pa ito napagtibay at hindi pa ito sigurado. Ito nga dapat ang sadya ko nung nakaraan pa, na kailangan kong makita si Zeor sa lalong madaling panahon para matanong sa kanya ang tungkol dito, pero ngayon, late na ako. Hindi ko inaasahang si Kuya ang makakaharap ko. Kainis, Sobrang late na ako! Bakit ba kasi nakalimutan ko ang importanteng bagay na 'to? or should we say, yung rason kung bakit kami pinagbabawal sa mga Marucci? Naguguluhan talaga ako dahil wala akong alam. Ako tuloy ngayon ang nangangapa rito.

With a heavy breath, I looked at Brother Vile. I wanted to stop him on what he was trying to say pero alam kong wala akong magagawa. Galit siya dahil sa mga nalaman at dahil sa napagdaanan ng aking kondisyon. He's enraged and I don't have enough power to handle my brother against that.

Nanatiling nakatitig si Radge kay Kuya. They were staring at each other full of seriousness. The atmosphere is not good at all. Mabigat na tensyon ang nararamdaman ko na hinahaluan ng delikadong elektrisidad ng kidlat.

"Kuya... please..." I've pleaded again.

Nilingon ako ni Kuya. "Stop. I told you that I'll handle everything. You should listen to me if you still don't want this news to reach Mom." Pagalit niya na naman kaya naiinis akong napatikom ulit. Pasiring niyang iniwas ang tingin sa akin at nilingon ulit si Radge na tahimik pa ring nakatayo sa tabi ko at nakaharap ng seryoso sa kanya. Brother Vile proceeded again with his dámn interrogation. "Again, do you still think that you're good for my sister?"

Hindi pa rin sumagot si Radge. Hindi masama ang tingin niya kay Kuya pero seryoso talaga ito. Umiigting rin ang kanyang panga sa pamimigil ng kung ano at isa pa, halata talaga sa mukha niyang nag-iisip siya ng matindi sa kanyang maaring maging sagot dito.

My brother sighed. "Are you having second thoughts with that? If yes, then you're not really into my-"

"I'm into her. I love her so much." Biglang pamumutol pa ni Radge kay Kuya. "Iyon ang pinaka-sigurado."

Ngumisi ang aking kapatid. "Honestly, you're not welcome in my family." Prangkang sabi niya kaya mas diniinan ko ang paninitig dito, animo'y inaasam na mapigilan siyang magsalita pero hindi niya talaga ako pinapansin. Si Radge lang ngayon ang focus niya. "Since, you're aware of that issue, alam kong alam mo na kung bakit." Sumandal si Kuya sa silya at bahagyang nginiwian ang kausap. Sinuri na naman niya ito mula ulo hanggang paa bago ulit magsalita. "Aren't you aware that my sister is a La Rune?"

Hindi agad nakapagsalita si Radge. Ilang sandali siyang tahimik bago mabigat na bumuntong-hininga. "Hindi ko alam."

"That's a shame. You're not checking any background of the girl that you like, huh?"

"That's because I'm not into her family, I'm directly into her. Kung ano ang nakikita ko sa kanya, iyon ang minamahal ko." May diin ang bawat salita ni Radge. The way he speaks, it feels like he doesn't need my help at all. He's honestly handling my brother in his own way.

Tumaas ang kilay ni Kuya at bahagyang natawa. Halatang hindi benta sa kanya ang sinabi ni Radge. "Fine. I'll accept your reasons." Tumango-tango si Kuya kunwari. I could feel his irritate aura before proceeding. "Kung ganoon, ngayon mo lang 'yan nalaman? That she's a La Rune?"

Escape to DeathWhere stories live. Discover now