Kabanata 15

460 32 2
                                    

CURSE's POV

I secretly swallowed hard.

The Boss that they are talking about is holding the gun firmly. May bala man o wala, delikado ito kapag tumapat sa amin. Literal na delikado kapag natutukan kami. Lumunok ako at inangat ulit ang paningin sa kanya. Pinagmasdan ko siya ng maayos. Sinubukan kong kilalanin ang mukha niya at kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga nakaaway ni Radge sa school.

They are somewhat delinquent students— mga tàrantado.

Honestly, hindi ko kilala ang lalaking 'to pero natatandaan kong may issue ang school tungkol sa mga basagulerong estudyante. Ang pinakamatunog lang at kilala ay si Radge dahil bigtime ang pamilya niya. However, ito yung mga student na hindi mashado nabibigyan ng pansin pero talaga namang gangster rin sa school at mayayaman. And honestly speaking, wala akong ideya kung sino ang taong 'to kaya sure akong hindi siya dumaan sa palad ko kahit pa SSG ako. I really have no idea. He's just familiar to my sight. Malamang nakikita ko lang siya sa school na pakalat-kalat yet wala na akong ibang detail about him.

I sighed.

Baka teacher lang ang nakakakilala sa background ng student na 'to...

"How interesting. The great living doll is here." He smirks. Gumuhit ang ngisi sa bibig niya habang matalim ang tingin sa akin.

"Don't include her here, Franz." Sabi ni Zeor at tinago ako sa likuran niya. Because of that, natunugan ko na baka kilala ni Zeor ang isang 'to dahil tinawag niya ito sa pangalan. Gusto ko mang tanungin si Zeor, hindi ko magawa dahil nasa harapan pa namin ang delikadong lalaki na 'to. Nakangisi siya sa amin habang pinaglalaruan ang baril sa kanyang palad.

I cursed.

Saan niya ba nakuha ang baril na 'yan? Shìt!

"Why not? She's already on my territory." Sabi pa ni Franz at sinenyasan kami. "Tara, kakagising ko lang e. Kakain kami. Tara..." Sabi niya pa at ngumisi. Wala naman kaming naging galaw. Sure akong pare-pareho naming nararamdaman ang pagiging suspicious ng action niya kaya walang kumikilos. Humalakhak siya. "Tara na. Wala naman akong gagawin sa inyo..." Sabi niya pa pero hindi pa rin kami sumunod.

We all filled with silence.

Tatlo kaming nakikipagtitigan at alerto kay Franz. Ilang segundo kaming nakatayo ron at nagpapakiramdaman lang. Hindi ko alam ang gagawin habang sila Zeor at Rory, mga mukha talagang walang balak sumunod. Maya-maya pa, biglang inangat ni Franz ang baril niya at tinutok ito sa akin kaya nagsalubong ang kilay ko at bahagyang naalarma. Si Zeor at Rory naman, mabilis na humarang sa harapan ko.

"Don't..." Tunog pagbabanta ni Zeor. Pino at madiin ang kanyang boses. Sa ganyang tono, mas nararamdaman ang kaseryosohan ng presensya niya.

"Subukan mo..." Warning rin ni Rory sa napakalamig na tinig.

Agad na humalakhak si Franz. "Ang kukunat niyo kasi sa pakiusap e. Ayaw sumunod, nakakayamot." Ngumisi siya. "Kung hindi kayo madala sa matinong usapan, edi subukan sa santong paspasan. Ang ayos-ayos ng utos ko e, ta's binabadtrip niyo ako."

"Fine." Mahinahong pagpayag ni Zeor. "We'll go."

"Yun sana!" Sabi pa ni Franz at ibinaba ang baril niya. "Kakain lang naman, umaarte pa. Tara!" Asik niya at tinalikuran kami.

Sinulyapan ako ni Zeor. Seryosong-seryoso ang mukha niya. "Stay behind us, Curse."

Suminghal ako. "Tss, I hate him. Kung dala ko lang ang espada ko edi sana wala na siyang kamay."

Escape to DeathWhere stories live. Discover now