Kabanata 19

445 28 28
                                    

 ✎

CURSE's POV

"Wala akong gusto kay Curse, Pre." Sabi ni Port bago seryosong hinarap ang kaibigang si Radge.

Radge groaned. "Liar." Ngumisi siya. "Hindi mawawala sa isip ko kung paano mo siya idefine nung naglaro kayo ng truth or dare."

Tumawa ito. "Truth ang pinili ko e. Bawal magsinungaling. Alam naman ng lahat 'yan. Maganda si Quill pero angat ang itsura ni Vice President Curse. Kakaiba kasi." Sinulyapan niya ako. "May lahi ka ba?" Pagbibiro niya pa.

Umirap ako. "Shut up."

"Fine. I'm the one who's saying sorry right now so I'll forgive that one and understand it." Pagbibiro ni Radge kaya humagalpak ulit ng tawa ang kaibigan niya.

"Tàngina, sino ba talaga naghihingi ng forgiveness, dito? Ba't parang bumaliktad? Ikaw ang nagso-sorry, ah?" Pagrereklamo ni Port, tumawa lang yung isa at kalauna'y nagsalita sa taong yumakap sa kanya.

"Quill, I'll supposed to assume that you're fine already." Pag-iiba ng usapan ni Radge at marahang inilayo ang balikat ni Quill. "Again, I'm sorry for shouting you." Mababa ang boses na sabi niya at puno ng kaseryosohan, parang hindi mo masabi kung totoo ba talaga ang paghihingi niya ng tawad or labas sa ilong.

Tumango-tango si Quill at pinunasan ang mukha niya. "It's fine, Radge. May kasalanan rin ako..." Sabi niya pa.

Dumikit sa akin si Radge at hinaplos ang siko ko. "But, do understand my point in that conversation. I really mean everything I said. Tumaas lang talaga ang boses ko." Seryoso pang sabi niya.

Napatingin sa amin si Quill. Tinignan niya ang espasyo kong nilalamon ng katawan ni Radge bago niya inangat ang tingin mismo sa akin. May dumaan na talim at kasuklaman ang mga mata niya pero agad ring nawala 'yon nung lingunin niya si Radge at tumango. "I do understand, Radge."

"Then, it settles." Aniya Radge at akma na akong hihilain sana para bumalik sa aming pwesto pero pumirmi ako.

Nilingon ko siya at bumulong. "Kay Rory pa..." Aniya ko. "Say sorry to him."

Pumakla ang mukha niya. "Darling, stop it. I don't want to." Naghalo ang irita, katamaran at kasupladuhan sa tono at mukha niya.

"Do it." Sinamaan ko siya ng tingin. Mariin naman niya akong minatahan bilang sagot. Tinaasan ko siya ng kilay kaya kalauna'y bumuntong-hininga siya at walang nagawa. Seryoso ang mukha niyang lumapit kay Rory. Pati ang presensya na inilalabas niya, hindi maganda.

"Curse, may we talk about—"

"Hey, listen." Pamumutol ni Radge sa sinasabi ni Rory na para sana sa akin. Sinulyapan ako nito na parang nagtataka kung bakit nasa harapan niya si Radge. Inilingan ko nalang siya at sinenyasan na pakinggan ito. Nagpatuloy naman si Radge. "You better listen because I won't repeat it twice." Sabi niya. Pumakla ang mukha ko kaya siniko ko siya. Mukha pa kasi siyang mas matapang sa kausap.

Suminghal si Rory at nginisian ang kaharap. "Do so."

"I'm sorry for punching you. My fist does not have that enough patience." Sarkastikong sabi ni Radge. Siniko ko siya ulit pero hindi siya nagpatinag. Umawang pagilid ang ulo niya na animo'y sinusuri ang mukha ni Rory. "Fùck, you got bruises. Is that my punch landed so bad?"

"Enough." Humarang na ako. Kairita! Wala na talaga akong maasahan sa kanya!

"I'm done apologizing, Doll face. Let's go—"

Escape to DeathWhere stories live. Discover now