Kabanata 42

540 33 3
                                    

 ✎

CURSE's POV

Drops of rain...

Growls...

And, unventilated silence.

Those were the sounds I heard while peeping on the glass wall that was blocked by several papers, para hindi kami makita dito sa loob. Nakahalukipkip ako habang blanko ang ekspresyon na nakapaskil sa mukha. Nakatingin ako sa madilim na labas na animo'y iniisip ang mga halimaw, ngunit ang totoo, lumilipad talaga ang aking isip.

I sighed.

The stale air of the ransacked convenience store hung heavy and the rain lashed against the windows. As I've seen outside, the world had become a nightmare of groaning and shuffling things. It actually felt unreal seeing these zombies wandering around and instead of panic, a strange calm settled over me. Parang hindi ako natatakot sa mga halimaw na 'to at sa totoo lang, meron sa loob ko na nagsasabing may mas nakakatakot pa kaysa rito.

Well, It's not that I'm super calm over this outbreak. It wasn't peaceful at all, not exactly. Pero, dahil sa mga impormasyong tumatakbo sa isip ko, mas pinili ko nalang na manahimik at maging kalmado. The things that are constantly running on my mind give me chills. It felt heavy and reassuring. At, habang iniisip ko ang mga bagay na 'yon, parang mas bumibigat lang ang aking dibdib at parang mas nahihirapan ako. So, as of now, silence is my only weapon. This is better for me and I guess, this is my only option to handle these thoughts that eating me inside. Pakiramdam ko, ito lang ang magpapakalma sa akin at magpapabuti sa aking isip. Sa paraan na 'to, nababawasan ang aking pangamba at pag-aalala para sa isang espesipikong tao.

"So, he's not the one who did it but... that psychotic Charles?" Brother Vile asked, after kong makwento ang lahat ng aking naalala.

Matapos kasi naming mag-usap ni Radge sa loob ng storage room at matapos ko siyang pakalmahin, dinaluhan ko si kuya rito sa mismong front convenience store na punong-puno ng kung anong pagkain sa mga shelf. Nasa kabilang banda sila Quill and the others while kaming tatlo nila kuya and Zeor ay nandito sa kabilang panig. Mula rito, hindi nila kami maririnig at may privacy kami.

"So, all this time, hindi pala talaga si Radge?" Paglilinaw rin ni Zeor habang nakahalukipkip at nakasandal sa isang shelf ng mga junkfoods.

Tumango ako at bumuntong-hininga. "That's what I've seen. Naalala ko na lahat kaya sana maging malinaw na ito sa atin." I utter, coldy.

While leaning on the wall, brother Vile smokes his cigarette. "Tindi talaga ng saltik nung Charles na 'yon..." Binuga niya ang usok, malayo sa akin. "I knew on the very first sight that he's hiding something on his sleeves." He smirks. "When we interrogate him, magaling 'yon gumawa ng kwento at umacting. Malas niya lang dahil mashado siyang madaldal nung mga oras na 'yon. Kayang-kaya niyang e-elaborate ang lahat ng nangyari sa pagsunog kaya naisip naming siya ang may pakana. Kahit sila Detective, natunugan 'yon e. Hindi lang talaga mahuli dahil walang matibay na ebidensya."

I rolled my eyes. "Kung ganoon, bakit si Radge ang dinidiin niyo?"

Nilingon ako ni Kuya. "Dinidiin ko ba?"

"Hindi ba?"

"Hindi naman talaga." Akma niyang hahaplusin ang aking balikat pero agad akong pumiksi kaya natatawa siyang humithit nalang ulit sa kanyang sigarilyo. "Cursia, hindi ko siya dinidiin...but I admit that he's really getting on my nerves. I extremely hate his kind. You can't make me to change myself. Nagkaroon na tayo ng issue sa pamilya nila kaya hindi mo na mababago ang tingin ko sa kanila."

Escape to DeathWhere stories live. Discover now