Kabanata 28

925 36 8
                                    


Warning: R-18, moderate.

CURSE's POV

The night pressed itself against the car window, dark and heavy. Even the streetlights seemed dulled and lightly dark. Ang katahimikan rin ay bumida na naman. The silence of the surroundings, ang katahimikan namin ni Radge sa loob ng kotse at ang mahinang ingay ng engine ng sasakyan. Iyon lang ang bumalot sa aming dalawa sa aming byahe. And for me, as the emotions I feel right now, no words to explain the hollowness that bloomed in my chest, no song to drown out the echo of what happened. Just the tick-tock of the clock on the dashboard, mocking me with its relentless march forward, leaving me stranded in the wreckage of earlier.

I silently sighed.

My tears weren't noisy sobs, not the kind that shake your shoulders or clog your throat. These were quiet ones, the sneaky kind that steal down on my cheeks like secrets. My breath came in shaky little gasps too, each one a reminder of the air I shared with something I never wanted to breathe near. And, my hands were fists, knuckles the pants I worn.

"Hm." Radge cleared his throat habang nagmamaneho. Bahagya ko siyang nilingon kaya nasaksihan ko na nasa harapan ang kanyang mga matatalim na tingin. Para bang kaaway niya ang dinadaanan namin. Salubong na salubong ang kilay niya at hindi talaga maganda ang presensya.

I bit my lowerlip.

Pilit kong pinawi ang aking masaganang luha ngunit kahit anong pawi ko, patuloy pa rin ito. Sa aming katahimikan kasi, patuloy ko lang naalala ang muntikan nang gawin sa akin ni Charles. Naiiyak ako dahil hindi ko kailanman inasahan na mapupunta ako sa ganong sitwasyon. Naiiyak ako dahil naaalala ko pa rin hanggang ngayon kung paano ako naging mahina sa lalaking 'yon, at naiiyak ako dahil halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. I feel frustrated, sad and confused. Napakabigat at magulo. Hindi ko alam kung anong uunahin at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tears silently carving rivers on my face. I can't stop the sadness that has its way on me. A sadness that's slow and cold seep into every corner of my being.

Gulong-gulo ako sa aking sarili.

Ang alam ko, dapat galit ako kay Radge dahil sa issue na nalaman ko about him at dahil sa memory na naalala ko, pero ewan ko ba. Sa pagliligtas niya sa akin ngayon, I feel so relieved. Tumataliwas ang nararamdaman ko sa naiisip kong dapat na nararapat. Ang sabi ko, galit ako sa kanya pero kanina, hindi magkandamayaw ang isip ko sa kakatawag sa kanya. Siya lang ang naiisip kong magliligtas sa akin at sa kanya ako naniniwala na baka may chance na magpakita siya para iligtas ako— dàmn it! Hindi ko na talaga alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko in front of him. Parang kinakain ko lang lahat ng pinagsasabi ko. Ang gulo-gulo ko na. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko. I feel so strange about myself. Kung ganitong naguguluhan ako, naaapektuhan rin tuloy ang buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko sa harapan niya, kung paano ako aakto sa kanya at kung anong emosyon dapat ang ipapakita ko.

I silently sob again.

Gulong-gulo na ako plus dumagdag pa 'tong pandidiring nararamdaman ko sa ginawa ni Charles sa akin. Malinaw na malinaw pa ang nangyari sa amin kaya mas naiiyak ako. Nandidiri ako sa bawat halik na inilapat niya sa katawan ko, sa itsura niya na parang wala sa sarili, at sa pinal niyang mukha na gusto akong makuha. Naalala ko lahat 'yon. Bigat na bigat na ako sa sarili kong problema, dumadagdag pa talaga siya. Binigyan niya ako ng isang malagkit na pakiramdam na ayaw na ayaw ko nang maulit pa sa mga kamay niya.

"Fúck, stop crying." Madiin ang tono ni Radge nung bigla siyang nanuway. Nung lingunin ko siya, nasa harapan pa rin ang kanyang atensyon. Hindi manlang siya tumitingin sa akin o lumilingon, kaya dahil don napayuko ako. Kinagat ko nalang ang aking ibabang labi at nagbakasakali na masundin ang gusto niya, pero maya-maya pa, ayaw pa rin talaga. Hindi ko mapigilan ang aking emosyon.

Escape to DeathWhere stories live. Discover now