CHAPTER 3: CHAOS

2 1 0
                                    


Matapos ang rehearsal ay umuwi na ako ng bahay. Pagkarating ng bahay ay humiga kaagad ako sa kama. Dala na rin ng pagod ay madali akong nakatulog.

"Mahal na prinsesa mapanganib po ang manatili kayo rito. Kung maaari po sana ay bumalik na kayo sa palasyo." pagsuway sa akin ng isa sa mga kawal ng palasyo. Hingal na hingal ito at aligaga.

I stared at him baffled. "Teka, ano bang nangyayari?"

He released a heavy sigh before answering my question. "Sinasalakay po tayo ng mga halimaw, mahal na prinsesa." he informed in a panicked manner. "Kaya't kailangan na po ninyong umalis." he added. No! No! That can't be!

Pinagmasdan ko ang paligid. Tila nag-slow motion sa akin ang lahat. Everything is in chaos. And everyone is dying. Different kinds of noises filled the whole place. Sorrow. Pain. Sadness. Fear. Sounds of debris falling. Noise from shattered glasses and things. Makikita rin ang mga wasak na mga gusali at kabahayan, wasak na kalsada at mga kalesang sasakyan, wasak na mga puno, halaman at patay na mga hayop. At ang isa pang nakakalungkot sa lahat, makikita mo ang wasak na puso ng mga tao ko.

My dreamland has fallen.

I covered my mouth in tears as I cried in pain and kneeled down weakly, blaming myself for being late. Bakit ngayon lang ako natulog? Bakit? 'Di dapat sana'y napigilan ko pa ang labanan, 'di dapat sana'y walang namatay ni isa man sa amin.

Naputol ang paninisi ko sa sarili ng makarinig ng isang malakas na sigaw. "Take cover! May halimaw na paparating!" narinig kong sigaw ng isa sa mga alagad ng palasyo.

Nabaling ang atensiyon ko ng may humigit sa aking braso. "Paumanhin po mahal na prinsesa ngunit kailangan na po nating umalis."

Hinila ako ng lalaki patayo dahil ko kinaya ang tumayo sa sakit ng mga nasasasaksihan ko ngayon at inalalayan papunta sa isang karwahe papunta sa palasyo. A deafening growl makes me stop from returning to the palace. I turned around and I saw a huge monster breaking the palace's defense. Malakas ito kumpara sa aking mga sundalo.

"Ahhhhh!" malakas at natatakot na sigaw ng isa sa aking alagad na hawak ngayon ng halimaw. He seemed in pain dahil na rin sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng halimaw.

I felt an urge to kill. Blood boils inside me and with an instant, nailigtas ko na ang lalaki at patay na ngayon ang halimaw na wala ng ulo at naliligo sa sariling dugo. I rushed into the other freaking monsters at walang habas na pinagpapatay ang mga ito. Puros dugo na ang damit at katawan ko at wala akong pakialam. Nanlilisik ang mga matang sinuyod ko ng tingin ang buong paligid. Nakahandusay na lahat ang mga halimaw.

An image flashed in my mind. "Sina Mama." Mabilis pa sa alas-kwatrong  sinuong ko ang magulong paligid at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng palasyo.

I stopped ng makita ang dalawang  medyo kaliitang halimaw na nagpapaligsahang umaakyat sa mataas na pader ng palasyo. I gritted my teeth with rage as I removed the sleeves of my gown and ripped its lower part so that I can easily move at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng dalawang halimaw. I immediately jumped in the monster's back and furiously wrapped my arms around its neck which made him waggled violently.

My body swayed due to the monster's violent reaction but I clinged tightly para hindi ako mahulog. I let out my dagger inside the pocket in my leg at itinarak iyon pababa sa likod ng halimaw. I jumped out kasabay ng pagkahulog nito pababa.

Humahangos kong inakyat ang malaking bintana ng palasyo.

I gasped.

Huli na ako.

I felt my body weakened ng makita si Mama na duguan at wala ng buhay. Hindi ko na nagawang humawak pa sa kahit na anong bagay pang-suporta sa nanlulumo kong katawan. My shivered body slide involuntarily as I burst into tears.

"Mama!" palahaw na iyak ko. Nanlulumong tinahak ko ang kinaroroonan ni Mama. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo nito at dinala sa aking kandungan. May pag-iingat kong hinaplos ang maamo nitong mukha na ngayon ay may bahid na ng dugo. I cried and cried until I heard an animal sound, more like eating. If I'm not mistaken, it was the other monster. I slowly laid my mother's head into the cold floor. "I'll be right back, Ma." I kissed her forehead before leaving her.

I took a step little by little and went out sa kinaroroonan ng isa pang halimaw. Nakarating ako sa kwarto ng mga kapatid ko. The sound is more loud and clearer than before. I slightly opened the door and there I saw the monster na nakatalikod sa akin at parang may kinakain. I noticed the black shoes that the victim is wearing, katulad ng kay Papa. The style, the design, the texture, its similar. More like kay Papa nga ang sapatos na iyon.

That means, the victim is my father!

Imagining what my father looks like now makes me want to kill the one who started this war, the mastermind of this killings and sudden attacks. The door opened violently as I walk straight to the monster na ngayon ay napaharap sa akin dahil sa ingay na ginawa ko. The monster snorted and gritted his teeth ng makita ako. I smirked devilishly.

I used all my strength to defeat the monster. Binuhos ko sa halimaw na ito ang lahat ng galit ko. "This is for my people...my soldiers... my mother and to my father na brutal mong pinatay na animal ka!" I stormed while stabbing the monster repeatedly kahit na patay na ito.

Nanghihinang tinigilan ko ang pagsaksak rito. Napaupo ako sa sahig, hawak ko ang aking mukha at tinatakpan ito gamit ang aking mga kamay, nakayuko ako't umiiyak. Hindi ko magawang tingnan ang kalagayan ni Papa. The condition of him right now makes me vomit.

Silence ate the whole place. I composed myself and thought that this isn't real. It's just a dream. All of them are just characters inside my head. So instead of feeling helpless, why not leave this dream and create a new one? I smirked and wiped my tears. I closed my eyes and tried to bring myself to the mortal world again. Nag-focus ako sa ginagawa hanggang sa inabot na ako ng ilang minuto, nasa loob pa rin ako ng panaginip ko. Something is blocking me. Or someone is blocking me. Who could that be? And how can I escape from this dream? But wait! If someone could wake me from sleeping, baka posibleng makaalis ako dito. Sana gisingin ako ni Mama or nung dalawa kong mga kapatid.

Habang naghihintay ng tulong mula sa mortal world, I took the chance to save my dream as possible. I help my soldiers to fight those evil creatures, na tuloy lang sa pagdami. Parang hindi naman sila namamatay. Yung kaninang mga halimaw na pinatay ko, heto't buhay at nagbagong bihis. Dahil siguro panaginip lang 'to kaya may tendency na mabuhay sila ulit kahit ilang beses silang patayin.

This is a dream after all. And they're not part of my dream. They are invaders ruining the dream I had created. Pero hindi ko sila hahayaang masira ang mundong binuo ko. Not a chance. Kasama ang mga tauhan ko, pinagtulungan naming patayin ang mga halimaw na gumambala sa teritoryo ko. We didn't stopped. Tuloy-tuloy lang ang paglipol namin sa kanila.

A loud bang interrupted me from fighting the monsters as I saw my body laid on the marble floor. What on earth happened to me?! Sobrang sakit ng ulo ko at maging ng katawan ko at hindi ko na alam kung anong nangyayari. Naku! Malalagot talaga sa 'kin ang nagpasabog ng kung anong bomba dito!

Nagsimula ng lumabo ang paningin ko ngunit bago tuluyang mawalan ng malay, naaninag ko pa ang mga halimaw na pinagtutulungang labanan ang mga tauhan ko. I didn't dared to ask for help. Hindi rin nagtagal ay nawalan na ako ng malay.

Deep SlumberΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα