CHAPTER 14: THE SEARCH

0 1 0
                                    


"Baby Heb?" I asked, feeling disoriented.

All of a sudden, biglang umiyak ang kapatid ko. "Ate, anong nangyari sa'yo? Kelan ka uuwi? Hindi mo na ba kami mahal?" sunod-sunod na tanong ng kapatid ko. Is he dreaming right now? It is part of his dream?

"Bunso, tahan na. Babalik si ate diyan once na maayos ko na ang gusot ko dito." pag-aalo ko sa hindi matigil sa pag-iyak kong kapatid. "May tinatapos lang ako bunso. Babalik rin si ate diyan. Hintay-hintay lang."

"Hindi na siya babalik, Heb." sabat ng kasusulpot lang na si Matthew. "Hindi na niya tayo babalikan." pagkatapos ay may binulong si Matt sa kapatid niya.

"Hindi totoo 'yan! Alam mong hindi totoo 'yan baby Matt!"

"It's true! Nahuhulog na ang loob mo sa lalaking 'yon! Baka nga kaya nagtatagal ka diyan kasi gusto mo siyang makasama at hindi kami!"

"Sumusobra ka na Matt! Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan! Masyado ka ng nagiging suwail!"

"Basta kahit anong sabihin mo ate, hindi ka na talaga babalik. Mananatili ka na diyan!"

"Tama na Matt! Tigilan mo na ang ate natin!" suway ni baby Heb sa kaniya. "Ate, sumama ka na sa'min please?" he pleaded with sadness. "Kailangan ka namin dito sa bahay." Gusto ko rin kayong makasama. Kung alam niyo lang. "Ang lungkot nina Mama at Papa ng mawala ka." Just the thought of them makes me wanna leave this place as soon as possible. "Hindi na tayo complete family."

I shook my head. "Baby Heb."

Baby Heb offered his hands to me. Dahan-dahang lumabas ang kaniyang mga kamay sa salamin. "Tara na ate. Naghihintay na sina Mama sa pagdating mo." I stared at those hands. Didn't know what to do.

"Hindi na niya tayo mahal, Hebrew. Makinig ka sa'kin. Makinig ka sa kuya mo." bulong ni Matt sa umiiyak na si Heb na nakatitig ngayon sa'kin.

My hands lifted on its own slowly. The voice of those two kept on circling inside my head. I looked at baby Heb at para akong nahipnotismo sa mga mata niya. Abot-kamay ko na ang mga kamay ng kapatid ko ng may kung anong pwersa ang humila sa akin palayo sa salamin na malakas na nabasag. The mirror shattered into pieces as I firmly closed my eyes and hugged him tightly. Then I cried.

Ilang minuto rin akong umiyak sa balikat niya hanggang sa magsalita siya, "I'm sorry, I'm late." he apologized with a low and sad tone. Kumalas ako sa yakap at hinarap siya.

"No. You're just in time." sabay punas ng mga luha sa pisngi ko.

Inayos niya ang posisyon naming dalawa. I sat on his lap, caging his body between my legs. He pulled me closer to him and wiped the tears coming out from my weary eyes again.

"This is all my fault. I should have lock the door. I should....." I cut him off.

"Don't blame yourself. I'm the one who is at fault. I shouldn't have gone here. I shouldn't had let my curiosity controlled me."

Malalim siyang napahugot ng hininga. "I will end this. We'll find Damus or Affedyce or any deity that could help you back to the mortal world." Tumango lang ako bilang sagot. "Can you walk? I can carry you if you....."

"No." putol ko sa sasabihin niya. "I can manage."

Umalis na ako sa kandungan niya at nauna ng lumabas ng kwarto na iyon. Pero bago pa man ako makalabas ng game room ay niyakap ako ni Devour patalikod. Biglang umikot ang paligid. Next thing I know ay nasa loob na kami ng kwarto niya. Madilim ang paligid dahil gabi na. Naramdaman ko ang sarili na unti-unting umaangat sa malamig na sahig. Binuhat niya ako ng pa-bridal style at marahang inihiga sa kama. Nahiga siya sa tabi ko at kinumutan niya ang katawan naming dalawa. Iniikot niya ako paharap sa kaniya at niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik hanggang sa makatulog ako sa mga bisig niya.

Deep SlumberМесто, где живут истории. Откройте их для себя