CHAPTER 34: TRAUMATIZED

2 0 0
                                    


Nangingitim ang mga mata niyang tumingin sa akin at sinabunutan pa ako. "You will die." madiing pagkakasabi niya pagkatapos ay sinakal niya ako ng mahigpit. Hindi matigil ang pag-iyak ko. Nauubusan na ako ng hininga. Iginalaw ko ang mga paa at tinadyakan ang lalaki ngunit lalo lamang humigpit ang pananakal niya sa'kin.

"Devour....." tawag ko sa kaniya sa namamaos na boses.

Ilang saglit pa'y nagbago ang paligid. Nasa madilim kaming lugar at kasalukuyang nasa maitim na lawa kaming dalawa. Sakal-sakal pa rin ni Devour ang leeg ko. Nang mapansin kong wala na ang mga posas sa kamay ko ay mahigpit kong hinawakan ang mga bisig niya at pilit na tinatanggal ang mga ito, na siyang ikinadiin lalo ng pagkakasakal niya sa'kin.

Naramdaman ko ang sariling bumababa, yun pala, nilulunod ako ni Devour. Sakal niya pa rin ako habang nilulunod ako sa tubig na iyon. Nagpumiglas ako at nanlaban ngunit wala yata siyang balak na buhayin ako. Nauubusan na ako ng hininga at nakakalunok na rin ako ng tubig. Nang hindi ko na makayanan at matagalan ang sarili sa tubig ay kusa ng sumuko ang katawan ko.

THIRD PERSON POV

Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nagigising si Tamara. Ilang araw na ring hinahanap ni Devour ang ina. Sinubukan ng prinsipe na pasukin ang utak ng asawa ngunit nabigo siya. May isang malakas na pwersa ang humahadlang sa kapangyarihan niya. Dahil dito, mas lalo siyang nagpursigi na hanapin ang ina.

Humingi na rin siya ng tulong sa kaniyang ama ngunit huli na sila. Nang sandaling sumakit ang parte kung nasaan ang marka at umilaw ito ng sobrang tingkad ay mas lalong natakot at kinabahan ang prinsipe. Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng asawa. Naratnan niya itong maputla at wala ng buhay.

Pumalahaw sa iyak ang prinsipe habang yakap-yakap ang wala ng buhay niyang asawa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Magkahalong galit, pighati, lungkot at sakit ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano isasalba ang asawa..... hanggang sa maisip niya ang bathalumang si Damus. Handa siyang gawin ang lahat maibalik lamang ang buhay ng babaeng kaniyang minamahal.

Buhat ang patay na niyang asawa ay umalis siya ng mansiyon at pinuntahan ang templo ni Bathalumang si Damus. Doon ay ang mensahero ng bathala ang nag-entertain sa kaniya.

"Prinsipe, anong maipaglilingkod ng bathaluman sa'yo?"

"Nasaan ang bathaluman?! Kailangan ko siyang makausap! Kailangan ko ang tulong niya! Ang asawa ko! Kailangan niyang mabuhay!" sabay hagulgol ng prinsipe.

"Maghintay ka lamang dito at tatawagin ko sa taas ang mahal na bathala."

Kagyat na nawala sa paningin ng prinsipe ang mensahero ng bathala. Ilang saglit pa'y nagpakita na rin sa kaniya ang bathalumang si Damus. Lumapit ito sa dalaga na nakahimlay sa kandungan ng prinsipe at hinawakan ang ulo nito. Pumikit ang bathaluman at waring nagkukumpas ng dasal o enkantasyon sa isip nito hanggang sa tuluyang magkaroon ng hininga si Tamara. Nanatili itong walang malay ngunit buhay ito at humihinga.

"Mas lalo kong pinalakas ang proteksiyon na iginawad ko sa iyong asawa. Umaasa akong hindi na nila masasaktan ang asawa mo." pahayag ng bathaluman. Ginawaran nito ng halik sa noo si Tamara.

Matapos makapagpasalamat ng prinsipe ay dinala na sila ng bathaluman sa mansiyon. Doon ay maingat na inihiga ng prinsipe ang asawa sa kwarto nilang mag-asawa. Iniharap niya ito sa kaniya at niyakap hanggang sa siya'y makatulog.


******************

Nagising si Tamara sa pamilyar na kwarto. Dagling nakaramdam siya ng takot at pagkataranta. Sariwa pa sa kaniyang ala-ala ang nangyari sa kwartong iyon. Sariwang-sariwa pa sa kaniya ang lahat. Ang lahat-lahat. Hindi niya namalayan ang panunubig ng mga mata niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kumot at tinakpan ang katawan. Nababalisang nginatngat niya ang mga kuko at parang baliw na inilibot ang tingin sa paligid. Naalarma siya nang bumukas ang pinto. Kinuha niya ang isang babasaging vase at binasag iyon. Kinuha niya ang kapirasong bubog nito at itinapat sa kapapasok lang na si Devour.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now