CHAPTER 27: JUST A PIECE OF ILLUSION

1 1 0
                                    


Habang tumatagal ang pananatili ko dito sa Dream Realm ay mas lalo kong nakikilala si Devour. Isinasama niya ako sa kwarto sa palasyo kung saan niya ginagawa ang trabaho niya. It's really hard to watch him gives people scary and traumatic nightmares. But what can I do? It's part of his life. That's who he is. Ayaw pa nga niya ako isama nung una ngunit mapilit ako.

Dinadalaw rin kami ng dalawa niyang kapatid dito sa mansiyon, sina Prince Night at Princess Suffer. It's a good thing na close sila sa kuya nila. Despite having favoritism, hindi iyon naging balakid para kay Devour na mahalin ang kapatid niyang si Night at gano'n rin naman ang kaniyang kapatid sa kaniya.

At sa dalawang magkapatid na si Night at Suffer, mas maraming beses dumalaw si Suffer dito sa'min. Ang dami niyang mga baon na kwento tulad na lang ng mga karanasan niya sa palasyo, karanasan niya dito sa Dream Realm, training niya as a princess of Nightmare, yung tungkol sa Mom and Dad niya, sa mga kapatid at marami pang iba.

"Suffer, would you mind me asking, do you like someone?" Sa edad niya, hindi imposible na may magustuhan siyang lalaki.

"Can I tell you a secret?"

"Of course! Your secret is safe with me."

"Well... I do have feelings for someone, but he's not from here."

My eyebrows creased. "What do you mean? He's from the mortal world?"

She nodded. "I met him during my training as an apprentice of kuya Night."

"You and him met each other inside a dream?" That's cool!

"Yup." she quickly respond.

Kelan pa? "How long?"

She stared directly into my eyes. Ngayon ko lang natitigan ang mga mata niya na sing-itim rin katulad ng kay Devour. "Well, I've been seeing him for three months now."

"Does your brothers know about it?" Paano kaya kung malaman 'yon ng asawa ko? Ano kayang magiging reaksiyon niya?

"No." mabilis ngunit may halong pagpapanic niyang sagot sa'kin. "And I don't want them to know. I bet they're not going to like it."

I nodded. "Definitely."

"How's you and kuya Devour, ate Tamara?"

I smiled sweetly. "We're doing fine, sweetheart."

"Do you miss your family in the mortal world?" Natigilan ako. Oo! Sobra ko silang miss.

"A lot... I missed them a lot, but your brother is my new family now." I smiled at her. "And so are you."

"I'm sorry about how my mother acted that day." she apologized referring to the day that Devour and I arrived at this mansion after our honeymoon.

"No worries. I'll be use to it in no time."

"She really like Seducia for kuya Devour, but me and kuya Night didn't like that snake for our kuya! He deserves a better woman. A more respectable, sophisticated and a modest woman like you. Not her!"

"Why does your mother like her so much?"

"She know her eversince she was just a child. At magkaibigan rin ang mga parents namin kaya gano'n na lang ang kagustuhan niyang ipagsiksikan si Seducia para kay kuya." lintanya niya. "But don't worry ate, mas lamang ka naman. You are my kuya's mate and wife. Namarkahan ka na rin niya kaya walang panama yung pambato ni Mama sa'yo." she grinned.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. "Ang lungkot lang, ako pa yata ang naging dahilan ng pagkasira ng relasyon nilang mag-ina."

"No you're not, ate! Matagal na talagang hindi magkasundo ang dalawa. Kaya naman bumukod si kuya Devour dahil hindi na niya kayang pakisamahan si Mama." The more na marami akong nalalaman about sa asawa ko, the more na mas lalo akong nacu-curious about sa well-being niya.

"Why is she acting like that? How could she do that to his own child?"

"Miski ako hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong na 'yan, ate. Ok naman sa'min ni kuya Night si Mama pero pagdating kay kuya Devour, masyado siyang mahigpit at masungit sa kaniya. Ewan ko ba." That statement of Suffer makes me really wonder kung tunay ba na anak ni reyna Nyxa si Devour or anak ni King Nevas si Devour sa ibang babae.

"Sana magkaayos na silang mag-ina, ano?"

"Sana nga ate... sana nga." Silence enveloped us.

"Ok, balik tayo sa boy crush mo." I tried to lift up the mood. Masyado na kasing mabigat eh.

"What about him ate?"

"Paano mo siya nagustuhan?"

"Well... he seemed not to care about dreaming scary things and stuffs. Para ngang pinaglalaruan niya lang ang mga bangungot na itinatanim ko sa utak niya."

"Tapos?" Marites yarn?

"Tapos ayun! I got annoyed at him! Binigyan ko siya ng mga bangungot na papatay sa kaniya. Yung tipong hindi na siya magigising kinaumagahan, pero nalampasan niya lahat ng yun." She paused to catch her breath then continued. "One time, nagpakita ako sa panaginip niya. Tinakot ko siya at pinagbantaan, pero ang loko, tinawanan lang ako. Out of anger, gabi-gabi ko siyang binibisita sa panaginip niya para ako na mismo ang tumapos sa buhay niya... but he's so... so... so annoying!"

"And then what happen after that?"

"Sinukuan ko siya." Bigla akong natawa sa sinabi niya. "It's not funny ate!" Ito namang baby girl namin, tampo agad.

"Ok. Ok... so paano ka nagka-feelings sa kaniya?"

"Dahil hindi na ako nagbibigay ng mga bangungot sa kaniya at inilaan ko na lang ang oras ko sa iba, dumating yung time na hindi ko na siya naiisip. As in parang na-wipe out yung mga memories ko with him. And then one day, naging target siya ni kuya Night. I saw his image in the dream well. I tried to entered back in his dreams and when he saw me....." She paused. Grabe naman! Pa-intense pa itong si Suffer.

"And when he saw you what?" I raised a brow.

"And when he saw me, he hugged me very tight to the point na mababali na ang mga buto ko sa higpit ng yakap niya."

"Ayieehhh!" Sa sobrang kilig ay nasiko ko siya. "Na-miss ka nun!"

"He said he missed me." Lalo akong kinilig sa kanilang dalawa. "Isa't kalahating buwan raw akong walang paramdam sa kaniya. He's so worried that something bad happened to me." She paused again then thought of something. "We became friends until I catch feelings for him."

"Does he know?"

She shook her head. "He doesn't need to know."

"Why?" Nakakapanghinayang naman. Ako nga eh. Ako pa ang unang umamin ng nararamdaman ko para sa asawa ko.

"Wala rin naman akong balak ipaalam sa kaniya dahil magkaiba kami ng mundo. Siguro hanggang friends lang talaga kami. And that's fine! It's better that way."

I sighed deeply. "Life is so complicated, is it not?"

"I agree ate. It's true." She sighed sadly. "I'm just a piece of illusion. An illusion that will never be real."

"No you're not." I disagreed while comforting her. "You're very real to me."

"Thank you ate Tamara." She smiled happily. "Kuya Devour is so lucky to have you."

"And I'm so lucky to have him as well."

Kinagabihan ay inihatid na siya ni Devour sa palasyo. Hindi rin naman nagtagal si Devour at bumalik rin siya dito sa mansiyon. Yung Mama at mga kapatid pa lang niya ang nakikita ko. Nasa'n kaya ang Papa niya? Hindi ba sila close ni Devour? Walang nababanggit si Devour about sa Papa niya. Magkagalit kaya sila? Ayaw ko namang tanungin ang asawa niya dahil baka yun pa ang pagsimulan ng away naming dalawa. Kakakasal lang namin, away agad. Ang pangit naman kung gano'n.

I set aside those thoughts and focused on waiting for my husband. Pagkarating niya ay niyaya ko na siyang matulog.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now