CHAPTER 13: LURE

0 1 0
                                    


Problemado akong napasandal sa silyang inuupuan ko. Portal! And speaking of portal! Hawak ko na yung portal eh! Nahulog nga lang sa kamay ko. Hays! Nabalik ako sa ulirat ng maalala yung picture ko kanina na napasama sa aklat. Binalikan ko ulit yung page na iyon, umaasa na hindi na naka-plaster yung napakaganda kong mukha sa page... pero nandun pa rin siya. Visible and clear. Isinara ko ang libro, sumandal ulit sa silya at nagmuni-muni. I formulated plans on how can I get out of here.

So first, sisirain ko muna yung mate bond sa pagitan namin ni Devour. After nun, pupuntahan ko yung dagat kung saan ako nalunod at well, namatay. Sisisirin ko ulit 'yon! Pero this time, magiging mas maingat na ako. Kung hindi man maging effective yun, meron namang Plan C. Basta ok na ang Plan A. Alangan lang ako sa Plan B. But anyway, going back to Plan C, didiretso ako mismo sa Dreamas para humingi ng tulong. Hindi na ako aasa sa mga Gods and Goddesses dito na sobrang iilap. Ang hirap nilang hanapin. Ranas ko na 'yon kay Dasuria. Ayoko nang maulit pa 'yon.

Then Plan D, siyempre uuwi na ako sa'min at ipagpapatuloy ang buhay ko doon. Manifesting agad na makakaalis ako dito. Then my plan goes on hanggang sa tumanda na ako at iburol.

I was so deep in my thoughts to the point na hindi ko na namalayan ang oras. Wala na rin akong time bumalik pa ng kwarto kaya dito na ako natulog.

*****

K

inabukasan ay naramdaman ko ang paggalaw sa likuran ko. Hindi na ako nagtaka kung sino iyon. Isiniksik niya ang sarili sa akin at nakuntento na lamang sa likod ko. Hindi ko alam ang gagawin. Ipagtatabuyan ko ba siya palayo o yayakapin ko rin siya pabalik? Hindi ako gumalaw. Nanatili lamang ako sa aking pwesto. Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.

Ipinikit ko ang mga mata at inalala ang mga nangyari kagabi. Mula sa pagpunta namin sa library hanggang sa mga plano ko dito sa Dream Realm. Tumatakbo ang oras at kailangan ko ng makauwi. Hindi ko alam kung tutulungan ba talaga ako ni Devour na makauwi? O mas ikukulong niya ako dito sa mansiyon niya?

Sa gitna ng pag-iisip ko, biglang nagsalita si Devour. "Whatever you discover last night.... I hope things will never change between us." Napa-isip ako sa sinabi niya. What are we? Are we just mates? Yes! We are mates... but iyon lang ba talaga ang label namin? Mates? Pero bakit parang nagmamaktol ang puso ko at hindi lang mate or bond ang gusto kong mamagitan sa'ming dalawa? But no! I won't allow it! We can't be mates forever! I have to do something!

"We need to find Damus or Affedyce. Sila lang ang naiisip kong makakatulong sa'tin."

"You still want to break the bond." he said more like a statement rather than a question.

"We have to. Parehas lang tayong mahihirapang dalawa." I replied. "And you promised me. You promised to help me find Damus kaya sana panindigan mo."

"Allright then." He heaved a sigh. "Ready yourself today. We have a long journey tomorrow." malamig niyang sabi saka inalis ang pagkakayakap sa'kin.

Pagkatapos kumuha ng mga damit niya ay walang lingunan siyang umalis ng kwarto. Napahinga ako ng malalim. Hinga na hindi ako masaya sa inakto niya. Hindi ko siya masisisi. Ako naman lagi ang nagi-initiate na hanapin ang bathaluman at masira ang bond naming dalawa.

Matapos niyang umalis ay napatitig ako sa kisame. Ang daming pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Hay! Karma ko ba 'to? Masyado ba akong naging marahas sa kaniya? All this time, wala siyang ginawa kundi intindihin ako... tapos ito ang igaganti ko sa kaniya? Kung ginawa man niyang i-lock ako dito sa mansiyon niya ng isang linggo, siguro para 'yon sa protection ko. Ako lang din naman ang makikinabang dun.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now