CHAPTER 28: MANIPULATION

2 1 0
                                    


THIRD PERSON POV

"What's the plan Mommy Nyxa?" curious na tanong ni Seducia nang bumisita sa palasyo ng Nitres. Naroon sila ngayon sa opisina ng reyna.

Malalim na napabuga ng hangin ang reyna. "Nakapagpakasal na sila at namarkahan na ni Devour ang asawa niya... hindi na natin mapuputol ang mate bond na meron silang dalawa."

"I already asked all the deities that could help me make Devour fall in love with me but they f*cking turned me down!"

"Even the deity Damus?"

"Even him."

"Bakit kaya?" takang tanong ng reyna at saglit na nag-isip.

"Goddess Dasuria also said that Tamara is not just a mortal." Automatic na napatingin sa kaniya ang reyna. "I need to find out her true identity, Mommy Nyxa."

"If that's the case, that girl Tamara really has a great advantage to Devour. At wala ka ng habol sa kanila, Seducia."

"If I can't make him mine, then I'll have my revenge to his wife instead." She said wickedly then smirked. "You need to help me, Mommy Nyxa. Please help me."

The queen smiled wickedly. "Sure, darling. Anything for you." Lalong napangiti si Seducia. Mapaglarong nagngitian sila ng reyna.

TAMARA'S POV

Kinahapunan ay bumisita dito sa mansiyon ang aking manugang, ang reyna at ina ng asawa ko. Ibang-iba na siya ngayon. Mas bumait siya at naging maayos ang pakikitungo niya sa'kin, salungat sa ugali niya noong una ko siyang nakita after ng honeymoon namin ni Devour. Kung no'ng una, para siyang dragon, ngayon para siyang anghel. Pero hindi. Hindi niya ako madadala sa padali niyang 'yan. I won't fall for her wicked schemes. Not this time na nagkakaroon na ako ng idea about sa kaniya at ang pagkagusto niya kay Seducia para kay Devour. I'm not a magna cum laude for nothing, though.

"Kumusta ka iha?" I raised a brow inside my head.

"I'm good your majesty." sabay peke na ngumiti.

"Oh please! Cut the formalities. Mama na lang ang itawag mo sa'kin." she uttered in a friendly tone. I chuckled with sarcasm inside my head. "Anyway, kumusta ang buhay may asawa?"

"We're planning to have a baby, Mama."

Nagulat siya sa sinabi ko. "This soon?"

"Why not? My husband and I are married. Ano po ba ang kasunod nun? Hindi po ba anak na?" Just go with the flow Tamara. Go with the flow.

Awkward siyang natawa. "But he has a lot of responsibilities in the castle. Don't you think it's too early to have children?"

"Don't worry Mama, hindi ko naman po tinatanggalan ng responsibilidad ang asawa ko sa palasyo niyo. And don't worry, I won't ask a lot of time from him. Sapat na oras lang ang hihingin ko para makasama niya kaming mag-ina niya."

"And what about your family in the mortal world? Do you even miss them? Masyado ka na yatang naka-focus sa asawa mo ngayon to the point na hindi mo na naiisip ang pamilyang meron ka at iniwan mo sa mundo ng mga mortal." singhal niya.

"You don't know how much I miss them..."

"Bagay na hindi ko makita sa'yo." banat niya pa. "Kung gusto mo talaga silang makasama, dapat ngayon nakagawa ka na ng paraan para makaalis ka dito. But look at you, nandito ka pa rin sa Dream Realm kasama ang lalaking ilusyon mo lang."

Biglang nagdilim ang paningin ko sa mga sinabi niya. "He's not an illusion!"

"Then who is he?! A human? Or a prince from another dimension?"

Deep SlumberWhere stories live. Discover now