CHAPTER 19: BITTER MUCH?

1 1 0
                                    


Nang makapasok sa loob ay tumambad sa akin ang gwapo kong asawa... I mean mate pala. Black pants at red long sleeve polo ang suot niya. Para kaming a-attend ng party with matching outfits. Couple goals yarn?

"You two looks elegant." salubong ng reyna ng pagkarating namin sa dining room. Umakto lang ako na parang hindi ko sila narinig na nagtatalo kanina ni Seducia.

"Your majesties." sabay bow naming dalawa ni Devour sa hari at reyna bilang pagbibigay-galang.

Present sa table ang pito nilang anak na sina Prince Lurion,  Prince Allure, Princess Seducia, Princess Desire, Prince Lust, and the twins Princess Charm and Prince Hex. Si Prince Lewd, ipinagbubuntis pa ng reyna. Sa right side ng hari ang mga lalaking anak mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata samantalang nasa kaliwa naman ang mga babae kasama na ang reyna. Eldest to the youngest din ang set-up nila sa pag-upo sa mga silya.

Ipinaghila ako ni Devour ng silya sa tabi ni Princess Charm. Uupo na sana siya sa kabila, sa tabi ni Prince Hex ng pigilan siya ng reyna. "Iho, sa tabi ng mapapangasawa mo ka na maupo." utos ng reyna na siya namang sinunod ni Devour. Niyaya na kami ng hari at reyna na kumain.

"So, Devour... how's Daddy Nevas and Mommy Nyxa?" Seducia asked out of nowhere. I nearly chuckled at her question. Mommy? Daddy? Feeling daughter-in-law lang sis?

"Good."

"So, you're getting married huh?" Bitterness is evident on her tone. Ang bitter ni anteh. "Who's the unlucky girl?"

"Seducia!" suway sa kaniya ng reyna. "Pasensiya ka na sa inasal ng anak ko, dear." baling sa'kin ng reyna na nahihiyang ngumiti.

"Ayos lang po." I assured her with a smile. "By the way, I'm Tamara. The ONE and ONLY mate and fiancè of this man right here beside me." sabay tingin ko kay Devour at baling ko sa nakabusangot ngayon na prinsesa. I plastered a fake sweet smile towards Seducia. Sinadya ko talagang i-highlight yung 'one' and 'only' para isampal sa makapal niyang pagmumukha na taken na si Devour. Saka na lang niya kunin once na masira na namin ang mate bond. But for the meantime, hintay ka na lang muna girl.

"Whatever." singhal ni Seducia sabay irap. Natatawang napailing na lang ako sa inasta niya.

"Maiba tayo." Queen Flirta changed the topic. "Kumusta nga pala ang paglalakbay niyong dalawa?"

"Ok lang naman po. We encountered some troubles along the way but we properly handle those obstacles. Right love?" baling ko kay Devour na tumango lang.

Nagtanong pa ng marami ang reyna at ako lang mag-isa ang sumagot. Si Devour, saka lang sasagot kapag usapang panaginip na or anything related to dreams and the realm ang topic.

While eating and talking to the queen, I saw the two elder brothers giving me flirty glances but I didn't give a damn. Yung dalawa namang bata, titig na titig lang sa'kin habang nagsasalita ako. But for sure, mga Casanovas rin 'yang mga 'yan paglaki. I also saw Seducia in my peripheral vision, giving flirty glances at Devour who remained stoic and serious. I smiled triumphantly.

"Here Tamara, have my drink." pinapasa ni Seducia kay Charm ang wine niya na iniabot naman ng bata sa'kin. Nagsalin siya ng kaniyang wine saka tumayo at nagbigay ng speech. "I want to make a toast for the future married couple... Tamara and Devour." sabay pekeng ngumiti sa aming dalawa ng lalaking katabi ko. "Cheers everyone!" sabay taas ng wine glass niya.

We lifted our drinks as well. Iinumin ko na sana ang wine, well peke ko lang naman na iinumin dahil natitiyak kong may kagagahang ginawa ang babaeng 'yon sa drinks ko, like hello hindi ako engot girl... anyways, as I was saying, I was about to faked a drink on my glass when Devour, my oh-so-loving mate, suddenly and sensually massaged my thigh that made me jumped off a little from my seat. Sa naging reaksiyon ko, biglang natapon ang wine sa aking gown. Nagulat ang reyna. Miski ako nagulat rin... nagulat sa ginawang iyon ni Devour.

"You ok dear?" alalang tanong ng reyna sa akin.

Pinunasan ni Devour ang nabasang parte ng aking katawan, which is yung chest ko. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng init at hiya sa ginawa niya. "I'm ok your majesty. I'm having hiccups recently." I reasoned out. "Sorry for my clumsiness." sabay punas ko rin ng table napkin sa bahagi ng gown ko na natapunan ng wine.

"Don't say sorry, dear. Hiccups are normal." I just smiled at her. "I'll pour you another drink."

Mabilis kong tinanggihan ang alok ng reyna. "No worries, your majesty. I'm good."

"Here love. Drink mine." singit ni Devour sabay abot sa akin ng wine niya na kulay... itim? I looked at him with a confused look but he just kissed my shoulder and diverted his gaze to the crowd.

"Ok everyone! Let's make a toast again!" The queen rose up from her seat and spoke in front of us. "Cheers for the future married couple, Prince Devour and Princess Tamara!" Princess? Bigla akong nawala sa focus ng marinig ko ang salitang iyon. Nabalik lang ako sa reyalidad ng hawakan na naman ni Devour ang hita ko na ikinagitla ko ng mahina.

We lifted our glasses and drank our wines. Halos maisuka ko ang binigay sa'king inumin ni Devour sa sobrang pait nito. Pero tiniis ko iyon at uminom lang ako ng dalawang lagok. Urgh! Matapos kumain ay pinapunta na ng reyna ang mga bata sa mga kwarto nila at naiwan kami.

"Aalis na naman kayo? Kailan ba kayo titimo dito sa palasyo? Ha?" The queen seemed displeased when her two eldest sons asked permissions to leave the castle again. Wala na sa dining table ang mga bata at the naiwan kaming mga matatanda dito sa dining room. Ako, si Devour, ang hari at reyna, yung panganay at pangalawa, and of course, the drama queen Seducia.

"There's no fun in here Mom." reklamo ng pangalawa. "If only..."

"Stop it Allure! Don't you ever bring your fling mates here! Or I will kill them myself!" banta ng reyna.

"We're not bringing them here, Mom." depensa ng anak.

"Totohanin niyo lang dalawa!" sermon pa ng reyna. "And don't dare to impregnate those bimbos! I don't want to have illegitimate grand children in my castle!"

"Mom, we're using protection." sabat ng panganay.

"Just don't bring them here." the queen said tiredly. "Respect your little brothers and sisters."

"We're going Mom."

The two men kissed their parents goodbye and strode out of the dining room. Nagpaalam na rin ang hari at reyna na magpapahinga na. Hinatak na ako ni Devour paalis. Lalabas na rin sana kami ng dining room ng biglang magsalita si Seducia.

"She can't make you happy, Devour!" Here she goes again. Napairap ako. "I can give you your needs... kahit araw-araw pa." I almost choked at her last statement. Hindi natinag si Devour at hinila ako paalis ng dining room na iyon. "I'll make you mine, Devour! Just wait and see!" pahabol pa nito.

After going to the second floor of the palace and passing several rooms, we finally arrived to our room. Mabilis na binuksan ni Devour ang pinto at hinatak ako paloob.

Once na makapasok ay mabilis rin niyang sinaraduhan ang pinto, ini-locked ito't isinandal ako dito. Then he quickly grabbed me by the waist and seized my lips. I protest at first but finally gave in afterwards. Unti-unti akong umangat sa sahig hanggang sa ihiga niya ako sa malambot na kama.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now