CHAPTER 7: WAY BACK HOME

0 1 0
                                    


Third Person POV

She looked below and smiled wickedly. 'Sa wakas, wala ng pipigil sa kaniya na makaalis sa mundo na iyon,' she thought to herself. Aalis na sana siya ng bigla siyang umangat sa ere. Nagwala siya ngunit wala ring epekto. Something pulled her out of the cliff and brought her back to the temple where the girls and Dasuria are still there, waiting for Tamara.

Marahas na bumagsak sa malamig na sahig si Faye. Nang makababa ay malakas na sampal at sabunot ang inabot niya kay Akhira.

"Where is Tamara?! You bitch!"

"Gusto mo talagang malaman?" hamon ni Faye. "Patay na siya! Hahaha!"

Akhira glanced at Goddess Dasuria for confirmation. The goddess shook her head, senyales na wala na nga si Tamara.

"Walang hiya ka!" baling ni Akhira sa nababaliw nang si Faye. Inambahan niya ulit ito ng sampal, suntok at sabunot. Hindi naman nanlaban si Faye bagkus ay tumawa lamang ito ng tumawa.

When she got tired, Akhira cried with agony. The rest of the girls cried as well and hugged Akhira, who is now sitting in the cold floor. Kalissa cried in the distance. Kahit sa maikling panahon ay nagkaroon siya ng tapat na kaibigan na handang isakripisyo ang buhay niya alang-alang sa kaligtasan nilang lahat.

In the middle of their sorrow and agony, Goddess Dasuria floated in the air. Faye's body floated too and was pulled towards Goddess Dasuria. The goddess gripped Faye's neck and chant some spell. Out of the blue, Faye's dress turned into black. A huge black metal chain rose up from the ground and made its way up to Faye's feet. Faye apologized for her actions and pleaded to spare her life, but the goddess just stared at her coldly.

Then all of a sudden, Faye fell back to the ground. Another chain appeared and coiled around her hands. Parehas ng nakatali ang mga kamay at paa niya. There will be no chance for her to escape.

Walang tigil sa pagwawala si Faye. Ngunit kahit anong gawin niyang pagwawala at pagmamakaawa, hindi na siya makakawala sa presong siya mismo ang may gawa.

"Dahil patay na ang kaibigan mo, ikaw na ngayon ang papalit sa kaniya."

"Hindi ko siya kaibigan!" asik ng dalaga. "Pakawalan mo ako dito!"

"Hindi ka na pakakawalan ng bathaluman, traydor ka! Diyan ka na maaagnas! Hahaha!" panunudyo ni Akhira. "Matapang ka 'di ba? Bagay lang sa'yo yan! Bagay lang sa'yo ang bantayan at pangalagaan ang templo na 'to." Na siyang responsibilidad na ngayon ng dalagang si Faye. "Dito ka na tatanda! At dito ka na rin mamamatay!" asik ng galit na galit na si Akhira sabay sampal ng malakas sa walang kalaban-laban ngayong si Faye.

Mabilis na inawat ni Kalissa ang hindi matigil na si Akhira at inilayo kay Faye.

"Nasa dulo ng kakahuyang iyon ang daan papunta sa kaharian ng Dreamas." sabay turo ng diyosa sa isang kulay abo na kakahuyan. "Mag-iingat kayo."

"Maraming salamat po, mahal naming bathaluman." magalang na pasasalamat ni Kalissa na sinundan ni Akhira at ng iba pang mga kababaihan.

Unti-unting naglaho ang diyosa. "Kalissa!" tawag ni Faye sa papaalis nang prinsesa.

Lumapit si Kalissa at isang malakas na sampal ang iginawad niya kay Faye. "Isa kang taksil! Nararapat lamang sa'yo ang mabilanggo sa templo na ito!" madiin nitong saad habang nagpipigil ng luha. "At huwag mo akong matawag-tawag dahil hindi kita kilala! At lalong hindi kita kaibigan! Huwad ka!" Cold na tinalikuran ng prinsesa ang dalaga at sumama na sa mga kasamahan nito.

At nang makalabas ng kakahuyan ay tumambad sa kanila ang kaharian ng Dreamas na nasa tuktok ng isang matayog na kabundukan. Malayo pa ang kanilang lalakbayin dahil nasa dulo pa ito, ngunit kailangan nilang magtiis kung gusto nilang makaalis sa lugar na iyon.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now