CHAPTER 40: WELCOME BACK

3 0 0
                                    


Mabilis na lumipas ang isang buwan. And confirm! Buntis nga ako. Nang magising ako galing sa mahabang pagkakatulog, akala naming lahat na side effects lang yung mga nararanasan ko, hanggang sa nagpabili ako ng pregnancy test kay Mama and confirmed nga na positive ako sa pregnancy test.

Hindi pa ako makapaniwala nung una kasi according sa mga nababasa ko, imposibleng makapagdala ka ng mga items from your lucid dreaming back to the real world. I'm just sleeping. Na-transport lang ang utak ko pero hindi ang physical body ko mismo. Kung yung mark at singsing nga nadala ko from Dream Realm, ano pa kaya ang baby namin ni Devour?

Nang malaman kong buntis ako dito sa mortal world, sobra akong natuwa dahil finally, hindi man ako makabalik sa Dream Realm, may remembrance at souvenir naman na iniwan sa'kin ang asawa ko... ang anak namin... si Devlan. Pero yun nga lang, hindi ko alam ang apelyido ng asawa ko kaya't sa akin na lang na surname ang gagamitin niya. At ayun, palaisipan pa rin sa pamilya ko kung sino ang ama ng aking ipinagbubuntis.

Nasabi ko na sa kanila pero ayaw maniwala nina Mama at Papa. Si Lola lang ang naniniwala sa'kin. Ipinasuri ako ni Mama sa doctor at walang nakitang specimen sa katawan ko. Lumuwas din kami ng probinsiya para ipasuri ako sa albularyo pero wala rin silang nakita. Kaya no choice sina Mama at Papa, lalo na si Mama na paniwalaan ako.

At hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa'kin kung sino ang tunay kong ama. May kutob na ako kung sino pero hindi ako sigurado kung siya nga talaga iyon. Pero kung siya man, eh 'di totoo nga na dalawa ang mundo ko? Half-mortal nga ako? Kung sino man siya, malalaman ko rin 'yon at ako na mismo ang magtatanong sa kaniya once na makabalik ulit ako sa Dream Realm.

At dahil na rin sa takot at kaba na mawalan din ako ng memorya katulad ni Mama, isinulat ko lahat ng mga nangyari sa'kin sa Dream Realm. Mula sa pagkakaroon ko ng abilidad na lucid dreaming hanggang sa makabalik ako dito sa tunay na mundo. Isinulat ko rin ang mga nalaman ko sa mundong iyon at sino-sino ang mga nakilala ko, hanggang sa naisipan kong gumawa ng libro. Ini-sketched ko rin ang mukha ng asawa ko. Nag-published ako ng libro about sa naging experience ko sa Dream Realm at higit sa lahat, yung naging love story namin ni Devour. Naging best seller naman ang libro na sinulat ko.

Naikwento rin nina Mama na sila ni Papa ang umakyat sa stage nung aking graduation. On the spot nilang nalaman na Magna Cum Laude ako. Hindi nila alam kasi nawalan na ako ng chance na sabihin sa kanila kasi na-trapped ako sa Dream Realm. Sinabi rin nina Mama na madalas akong dalawin ng mga college friends ko. Miski ilan sa mga classmates ko, dinalaw rin ako. Napagkamalan pa nga ni Mama nung una na isa sa kanila ang nakabuntis sa'kin pero ipinaliwanag ko sa kaniyang mabuti na wala sa kanila.

At never naman akong nagka-boyfriend or crush sa mga kaklase ko o kahit sino sa university. Ipinaintindi ko rin kay Mama na kasal na ako pero saka lang daw siya maniniwala kung siya mismo nasaksihan niya ang kasal ko kay Devour. Hindi ko tuloy alam kung paano ko makukumbinsi si Mama. Pero anyway, maniwala man sila o hindi, naniniwala pa rin ako na totoo ang Dream Realm at totoo ang asawa ko.

"Ate! Tara sa archade!" sabay hila sa'kin ng dalawa kong mga kapatid. Nasa mall kami, naglilibot.

Pagkarating ni Papa galing sa business venture niya ay madalas na kaming mag-bonding magpamilya. Bumabawi raw sila sa mga araw na hindi nila ako kasama. At nang malaman ni Papa na buntis ako, muntik na niyang sugurin ang nakabuntis sa'kin pero ipinaliwanag ko sa kaniya na hindi taga-rito ang ama ng anak ko. Hindi siya naniwala nung una hanggang sa wala na rin siyang nagawa kundi ang maniwala na lang.

"Ay Miss! Sorry!" mabilis kong paghingi ng paumanhin ng mabunggo ko ang isang babae. I stared at her and realized..... "Akhira?"

"You know my name?" she asked amused. "And wait! You're that woman in my dream! The woman who saved me from that facility or whatever that is."

Deep SlumberWhere stories live. Discover now