CHAPTER 29: QUARREL

1 1 0
                                    


"Since when Devour?! Hanggang kailan mo itatago sa'kin ang portal na 'to?! Hanggang kailan mo ako paghihintayin na makapiling ko ang pamilya ko sa kabilang mundo?! Hanggang kailan..."

"Twenty two years Tamara! They had you for twenty two years! Samantalang ako, wala pang dalawang buwan kitang nakakasama!"

Lumapit ako sa kaniya. "Pwede mo naman akong tulungang makauwi, pagkatapos nun ay babalik na ako ulit sa piling mo."

"What if you can't go back in here again? What if you don't want to be here with me anymore? What if you choose to be with them instead of me? What if you meet another man in the mortal world? Do I still have a chance to make you mine? Do I still have the chance to make you stay kung sila na lang ang laman ng puso mo?"

"That's not true, Devour!" depensa ko.

"Then what is true?" nasasaktan na tanong niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

"I thought you trust me." I asked feeling hurtful. "Do you still trust me Devour?" nangungusap na tanong ko sa kaniya. I was so eager to get a response from him.

Hindi siya nakapagsalita kaagad. "I don't know anymore, Tamara." Bigla akong nakaramdam ng sakit.

"You're just scared. Takot ka lang kaya nasasabi mo ang mga bagay na iyan."

"Yes! Yes Tamara! I'm scared of losing you! You escaped from me once and I will never let that happen again! Not on my watch!" Right after he said that, marahas niyang inagaw sa'kin ang portal.

"No, Devour! Stop!" I cried. I tried to get the portal out of his grip, pero itinaas niya ito sa ere. He crushed the portal by one hand. Then, he opened his hand and let the shattered pieces of the portal fall on the floor. Sa galit ko, nasampal ko siya. "You're a monster! And I regret falling in love with you!" I yelled on his face. "Sana hindi na lang kita nakilala! Sana hindi na lang ako nagpadala sa lambing mo! Sana hindi na lang kita pinakasalan! At sana hindi na lang ako nagpamarka sa gaya mong halimaw!" I darkly stared in his eyes and saw how hurtful he is from what I just said. Biglang nagtubig ang mga mata niya hanggang sa tumulo ang mga luha niya sa kaniyang maamong mukha. "D-Devour... I didn't mean to hurt you. I'm sorry." Bigla siyang natauhan sa sinabi ko. Nag-iwas siya ng tingin saka lumabas ng kwarto na iyon.

Naiwan akong mag-isa, umiiyak at nasasaktan. Hindi ko alam kung anong oras na at ilang oras na akong nakalupagi sa sahig. Iyak lang ako ng iyak. Iniiyak ko lang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. At hindi ko na rin alam kung ano ang uunahin ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko namalayan. Nakatulog na pala ako sa sahig.


*****************

Kinabukasan, nagising ako sa kwarto namin ng asawa ko. Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa'kin dito pero nasisiguro kong si Devour iyon. At dahil wala ako sa mood na bumangon, nagmukmok lang ako sa kwarto buong magdamag. May nagpupuntang mga tagasilbi sa kwarto para bigyan ako ng pagkain ngunit hindi ko kinakain ang mga dala nila. Wala akong gana.

Dumaan ang gabi, hindi nagpakita ang asawa ko. Bukod dito at sa kaharian ng Nitres, wala na akong ibang alam na pinupuntahan niya. Hindi ko tuloy alam kung saan siya hahanapin. Naghintay lamang ako ng naghintay sa asawa ko hanggang sa nilamon na ako ng antok.


*****************


Panibagong umaga na naman na wala ang asawa ko. I felt empty. Nasanay ako na kada babangon ako ng umaga ay unang tatambad sa'kin ang mukha ni Devour na payapang natutulog sa tabi ko. At ngayong wala siya, nakakapanibago... ang sakit sa pakiramdam na hindi ko siya nakikita, nakakasama at nakakausap. Ma-pride minsan akong tao pero kapag pamilya ko na at si Devour ang usapan, nawawala ang pride ko. I can't lose them. Not now, not tomorrow, not forever.

As usual nagmukmok lang ulit ako. Tanging ilaw lamang ng lampara na hanggang umaga'y nakasindi pa ang ilaw rito sa loob. I moved side to side until I noticed something at the top of the cabinet. Saglit akong bumangon at inabot ang bagay na iyon hanggang sa mapagtanto ko na iyon ang portal na naiwala ko doon sa dagat. Iyon yung portal na pinagkahirapan kong sisirin. At iyon ang portal na kinuha ni Faye sa mga Balobos.

Basa pa ang portal ng makita ko sa bed side cabinet. Kinuha ko ang lampara sa bedside cabinet at tiningnan ang sahig at basa rin ito. Did my husband got this? Did he came all the way to that sea to get this for me? Thoughts of him jumping off of that cliff to look for this portal flooded my head. And then, I realized all his efforts to make me happy... bagay na hindi ko nasusuklian pabalik.

Mabilis akong kumuha ng pamalit sa closet at naligo. This time itatama ko yung mga nagawa kong mali sa kaniya kagabi. I will apologize again, if I have to. Yes, parehas kaming may mali pero kung pride ang uunahin ko at galit ko sa kaniya, hindi talaga kami magkakasundo. Lalo lang masisira ang relasyon naming babago lamang naming nabuo. I need to save this marriage... I need to talk to him.

Matapos mag-ayos ay ginamit ko ang portal papunta sa kaharian ng Nitres upang magbakasakali na makita ko ang asawa ko. Pagkarating doon ay nakaabang na sa akin ang mga kawal ng palasyo. Nakatutok ang mga espada nila sa akin. Ngunit hindi rin naman nagtagal iyon at kaagad akong nakita ni Suffer pagkababa niya galing second floor ng palasyo.

"Kilala ko siya!" sigaw nito sa mga kawal. "Siya ang asawa ni prinsipe at kuya kong si Devour. Magbigay-galang kayo." Yumukod sa'kin ang mga kawal at nagbigay-galang.

"Iwan niyo na muna kami." Matapos magpugay ay umalis na sila sa harapan namin ni Suffer. "Ate Tamara. Naparito ka? May kailangan ka?"

"It's your brother... Devour. Nagkaaway kasi kami at dalawang araw na siyang walang paramdam. Hindi ba siya napapadaan dito?"

She shook her head. "He's not here ate Tamara. Hindi rin siya nagpakita sa'min." Nalungkot ako sa winika niya. "But wait, bakit ba kayo nag-away ni kuya?"

I roamed my eyes around the castle. "Can I talk to you in somewhere else? Not here."

"Sure ate." She guided me inside the palace. We walked on several hallways and passed several doors until we reached her room. She locked it and guided me to her bed. "What's wrong ate Tamara? What's the reason behind you and kuya's quarrel?"

"It's because of the portal." panimula ko. "Your mother visited me the day before Devour and I had this quarrel. Sinabi niya sa'kin na may portal si Devour na makakatulong sa'kin pabalik ng mortal world. Hinanap ko iyon sa opisina niya at nahuli niya ako." I paused.

"And then what happen?"

"Sinira niya ang portal at sa galit ko, nasampal ko siya at nasabihan ng masasakit na mga salita. I saw how hurtful he is that night. I said sorry but he just walked away." At unti-unting tumulo ang mga luha kong kanina pang nagbabadyang tumulo. "It's all my fault Suffer! I shouldn't have said that." She hugged me.

"It's not your fault, ate Tamara. Nadala ka lang ng galit at emosyon mo kaya mo nasabi ang mga bagay na iyon."

"I don't know where to find him."

"Miski ako hindi ko rin alam kung saan nagpupunta si kuya Devour. Ang alam ko lang na pinupuntahan niya ay dito sa palasyo at sa mansiyon niyo. Bukod dun ay wala na akong alam." malungkot na anas niya habang yakap pa rin ako. "If only I could help you..." I cut her off.

"No. It's fine! Thank you Suffer, for listening to me."

"Sasama ako sa paghahanap mo kay kuya Devour, ate Tamara." she insisted.

I shook my head with disagreement. "No need Suffer. Kailangan ka ng palasyo lalo na ng pamilya mo. You need to stay here, ok?"

She rapidly stood up. "But I want to help!"

I sat her down and calmed her. "I might put your life in danger if I let you accompany me. Ayaw kong mangyari 'yon sa'yo, Suffer."

"Ate Tamara, I can manage. I know how to fight." pangungulit pa niya.

"Kahit na. It's too dangerous out there. Ako na lang ang maghahanap sa kuya mo."

"Are you sure, ate Tamara?" She looked at me with a concern look.

"Yes. I can manage." After we bid goodbye ay unimpisahan ko na ang paghahanap kay Devour.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now