CHAPTER 16: FESTIVAL

2 1 0
                                    


Ipinagpatuloy naming muli ang aming paglalakbay. May nakakasalubong kaming mga kakaibang mga nilalang ngunit mabuti na lamang at mababait sila at palakaibigan. Sa paglalakbay, hindi maiiwasang mapadaan kami sa ilang mga tribo. Samo't sari ang mga tribo sa mundong ito. May pangkat ng mga tao at may tribo ng iba pang mga nilalang na nabubuhay dito. Hindi maiiwasang mapadpad kami sa mga agresibo na pangkat ngunit mas pinipili ko na lang ngayon ang maging mapagkumbaba at mahinahon kahit kating-kati na ako minsan na atakihin sila, lalo na yung mga pinuno na akala mo kung sino umasta.

Pero gaya ng sabi ni Devour, I need to stay out of trouble. And speaking of him, after ng mangyari sa falls ay hindi na niya ako masyadong pinansin. Ni hindi rin niya ako iniimikan or tinitingnan man lang. Naramdaman kong mas lalo siyang dumidistansya sa'kin. Pero deadma na lang ako minsan. Ini-snob ko na lang din siya. Si Damus at Affedyce ang ipinunta namin dito, hindi ang makipaglandian sa isa't isa.

Sumapit na naman ang gabi. Hahanap na sana ako ng spot na pagtutulugan ko ng biglang sumulpot ang isang babae. Kasama nito ang ilan pang mga kababaihan at kalalakihan na sa pakiwari ko'y nasa 30s ang mga edad. Tinitigan ako nung babae na nasa unahan at tinitigan ko lang din siya hanggang sa bumaling ang tingin niya kay Devour. Napangiti siya at humagikhik ng mahinhin. Napataas ako ng kilay.

"Ehem!" tikhim ko na siyang ikinabaling ng tingin niya sa'kin. "Magtititigan na lang ba tayo dito o aalis na kayo?" pagtataray ko sa babae.

"Hindi ba kayo dadalo sa pagdiriwang?" Mukha bang nasa mood kami para pumunta sa okasyon na 'yon?

"Pasensiya na ha, ngunit hindi ko alam kung anong pagdiriwang ang tinutukoy mo. Makakadaan na kayo."

"Araw ngayon ng mga bathala. Ipinagdiriwang namin ito bago pa man ang araw na magkasalubong ang liwanag at dilim." informed niya. "Ano't hindi mo alam ang bagay na ito?"

"Alam ko ang pagdiriwang na tinutukoy mo." pagsisinungaling ko. "Wala lang talaga kaming oras para dumalo diyan kasi may iba kaming pakay."

"Maaari niyo namang ituloy bukas ang inyong paglalakbay." suhestiyon niya. "Magpakasaya muna kayo ngayong gabi." sabay baling kay Devour na naka-poker face lang.

"Mahal naming prinsesa, tara na po. Mahuhuli na po tayo sa pagdiriwang." bulong ng isa sa mga babaeng nasa likod ng nasa unahan. It turned out na prinsesa pala siya ng isang tribo. Pake ko? Tinanguan lang siya ng prinsesa kuno.

"Tara! Sumama na kayo sa amin." yaya pa ng prinsesa habang nakatingin sa direksiyon ni Devour. Isang-isa na lang tatamaan sa'kin ang ahas na 'to! Pero teka! Bakit ba ako nagseselos eh 'mate bond' lang naman ang namamagitan sa'min ni Devour. "Ano? Tara?" Hindi niya talaga kami titigilan hangga't hindi kami sumasama sa kanila.

Taas noo ko siyang hinarap. "Tara!"

Isinukbit niya ang kamay niya sa braso ko saka hinila. Hinayaan ko lang siya na kaladkarin ako kung saan mang lugar naroroon ang pagdiriwang. At habang naglalakad, panaka-naka ang tingin niya kay Devour. Mas lalo tuloy akong nainis sa kaniya ngunit kinimkim ko na lamang iyon. Ilang saglit pa'y hinila niya ako palayo sa mga kasama namin. Akmang sasama sila ng pigilan sila ng prinsesa. Nauna kaming maglakad habang nakabuntot lang sila sa'min na halos sampung metro ang distansiya namin mula sa kanila.

"Siya ba... kapareha mo ba siya?" tukoy niya kay Devour.

"Kapareha? As in nobyo? Nobya?" Tumango siya at naghintay sa isasagot ko. She seemed so eager to get my response. So I gave her the response she wants to hear. "Hindi." Lumawak ang ngiti niya na halos umabot na sa tenga niya. "Bakit? Type mo siya?" Obvious naman. Sa tinginan pa lang niya kay Devour. Malamang sa malamang gusto niya si Devour. At pake ko? As if naman may pakialam ako.

Deep SlumberWhere stories live. Discover now