PROLOGUE

1.2K 10 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

R.A WRITER--ANGELICA
-PROLOGUE-

_____

-CANDICE POV-

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Pero para akong kinakapos sa paghinga habang hindi maalis ang tingin sa malaking mansyon na pinapasukan namin.

Sobrang bigat ng paa ko sa bawat hakbang na aking ginagawa. At mula sa labas, rinig na rinig ko ang isang malakas na boses na sigaw ng lalaki na mula sa loob nito.

I know him.

"Dad anong ginagawa natin dito?" hindi ko mapigilang manginig ang boses ko.

Mas naging mahigpit ang pagkakahawak ni Daddy sa braso ko.

Pailing iling pa ako ng makarating kami sa loob, at parang bumagsak ang balikat ko sa mga nakita ko.

Ang lalaking matalim ang titig, umaapoy ang mukha nito sa galit habang ang kasambahay ay nakayuko ito sa harapan niya.

"HOW MANY TIMES THAT I TELL YOU HA? NA AYOKO NG TANGA TANGA, NAIINTINDIHAN MO BA AKO" sigaw nya.

Sobrang nakakakilabot ang mukha niya.

Nakakatakot siyang tignan at lapitan.

"Dad...ayoko na dito, umuwi na tayo please" pagmamakaawa na bulong ko kay Daddy.

Pero hindi niya ako nagawang pansinin ng nagtama ang tingin namin ng lalaking ito.

Ang galit na galit niyang mukha, ang mapupula niyang mga mata ay tila napalitan ng pagiging isang maamong tupa.

Gumawad ito ng isang matamis na pagngisi ng dahan dahan itong lumapit sa kinaroroonan namin.

"You're here" malamig na boses niyang sabi.

"N-nandito lang ako p-para ihatid ang anak ko" sabi ni Daddy na ikinakunot noo ko.

Ihatid?

Anong ibig niyang sabihin.

Mas naging madiin ang paghawak ko sa braso ni daddy ng bigla nalang haplusin ng lalaking ito ang mukha ko.

"D-dad...a-anong ibig sabihin nito?" tanong ko.

"Candice...m-maiiwan kana rito" sabi ni Daddy.

Umuwang ang labi ko ng biglang malakas na hinila ni Ivan Hanz Montero ang braso ko.

"Bitawan mo nga ako, dad bakit ba tayo nandito? Umuwi na tayo please" pagmamakaawa ko.

Naramdaman ko ang pag akbay ng lalaking ito sa balikat ko kasabay ng pag tapik niya sa braso ng daddy ko.

Gulong gulo ako sa mga oras na ito.

Ano bang meron?.

"Paano ba yan?Edi solve kana?" Sabi ng lalaking ito kay daddy.

Kitang kita ko ang takot ng aking ama na tinanguan siya.

"Dad!!" Sabi ko.

"Bakit? Hindi mo paba alam?" Tanong ni Ivan.

"Hindi ko maintindihan. At bitawan mo ako" asik ko sa kaniya at akmang pupunta sa tabi ni Daddy ng bigla niyang hinablot ang buhok ko.

"HINDI KITA BIBITAWAN NAIINTINDIHAN MO BA??!..DAHIL SIMULA NGAYON!..AKIN KANA, NAIINTINDIHAN MO??" singhal nito.

Mangiyak ngiyak akong napatingin kay Daddy, naguguluhan ako..and i want his explanation.

"Anak, Candice. May malaki akong utang sa mga Montero at kapag hindi ako nakapag bayad. Ipapakulong nila ako at ipapapatay ako, pati ikaw madadamay" sabi ni Daddy.

"Dad mababayaran naman natin sila diba?" Tanong ko ng umiling siya.

"Really? Mababayaran?!..Eh paano niyo mababayaran kung papatayin ko ang daddy mo sa kulungan?" Singhal nitong lalaki na nasa tabi ko.

"M-MAGTRATRABAH~" hindi ko nagawang ituloy ng sumigaw siya sa harapan ko.

"WALA KA NG MAGAGAWA!!..DEAL IS A DEAL...AND YOU?CANDICE FROM NOW ON...YOU'RE ONLY MINE! F*CKING MINE DO YOU UNDERSTAND THAT?" singhal niya.

Tuluyang umalis si Daddy at para akong batang sumisigaw para lang makawala sa pagkaka akbay ng lalaking nasa harapan ko.

For being his wife?

Or for being his slave?.

"Sshhh...shut the f*ck up! Ayaw mo namang mamatay ang daddy mo right?" ngiting tanong niya.

"DEMONYO KA!!!HAY*P KA!..HINDING HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA~" hindi ko natuloy iyon ng malakas na pagsampal ang iginawad niya.

Parang namanhid ang buo kong katawan na naiiyak na napatitig sa kaniya, napaluhod ako sa sahig ng bigla niyang hinila ang buhok ko.

"DONT YOU DARE SHOUTING ME LIKE THAT CANDICE!!..AT WAG NA WAG MO RING SUSUBUKAN NA TAKASAN AKO!..YOU KNOW ME!!..KAHIT SAANG LUPALOP KAPA MAGTAGO BASTA INTERESADO AKO MAHAHANAP AT MAHAHANAP KITA!" asik niya bago ako tinalikuran.

TO BE CONTINUE

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora