CHAPTER 8

365 5 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:BEING CHILDISH CRAZY
-CHAPTER 8-

_____

-CANDICE POV-

Hindi ko alam kung anong trip niya pero parang kinikiliti ang tiyan ko ng makita siyang nakanguso habang nasa harap ng hapagkainan.

'Nasaan na kaya yung manika.'

"Ako na po magtitimpla ng kape niya" sabi ko kay Manang ng mapansin na inutusan siya ni Ivan.

"Sigurado kaba?" tanong niya pa.

Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla nga ng kape niya, todo todo pa ang pag balanse ko ng lasa nun bago lumakad palabas para ihatid sa kaniya.

"What's that" malamig ang tono ng boses na tanong nito.

"Kape" sabi ko ng bigla niya akong tinaasan ng kilay.

"I dont like that. Hindi kita inutusan" asik nito.

"Pero nagtimpla ako para say~" hindi ko nagawang ituloy ng bumuga ito ng hangin at walang emosyon akong tinignan.

"Come on Candice wag mong hintayin na kumulo ang dugo ko sayo" singhal nito na ikinangiwi ko.

Kinuha ko ang kape para bawiin iyon ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Akin yan, umalis ka sa harapan ko" asik nito.

Kumunot ang noo kong hinayaan siya, naisipan ko munang lumabas ng bahay habang kumakain siya sa loob. Hindi yata maganda ang gising niya, napakasungit.

Pero nakita ko ang labi niyang putok pa rin dahil sa pagkakasuntok sa kaniya.

"Hasyt ano ba yan, andaming kalat" usal ko ng makita ang paligid sa likod ng bahay. Akma akong kukuha ng walis sa may garahe ng mapansin ko ang kakaibang kubo na nasa bandang ilalim ng mangga sa likod mismo nitong mansyon.

Mabilis akong lumakad papunta sa kubo na iyon, at tila hindi ako makagalaw ng makita kung anong nasa loob nito.

'Siya ba may gawa neto'

Ang pader ng kubo ay punong puno ng mga larawan ni Ivan at ng babaeng kayakap, kahalikan niya.

'Eto ba si Scarlet his ex fiance?'

Hindi ko maiwasang tuluyang makapasok roon at mas tinitigan ang mga nasa paligid, mga gamit na puro pang babae.

Mga ibang bulaklak na nabubulok na, at ang mga sulat na nasa kahon.

'Ang sweet niya naman'

Umaasa pa rin kaya siya na babalikan siya ng babaeng 'yon.

"Hoy Candice, anong ginagawa mo jan? Naku lumabas ka jan..sa oras na makita ka ni sir Ivan jan sigurado akong malalagot ka" pangambang hinila ako ni Manang palabas dun.

"T-tinitignan ko lang po" sabi ko ng pinanlakihan niya ako ng mata.

"Bawal kang pumasok jan. Tanging si Sir Ivan lang dapat, mahigpit niya iyon na pinagbabawal dahil lahat ng importanteng bagay sa buhay nya ay nasa kubong iyan" sabi nito na ikinatango ko.

Hinila ako ni Manang at ng makarating kami sa gate, isang pagdoorbell ang nagpatigil sa amin.

"Teka" sabi ni Manang na siyang nagpunta sa may gate.

Hinintay ko kung sinong tao iyon, at isang babae ang bumungad sa akin.

Maganda, matangkad at maputing babae na hindi pamilyar sa akin.

"Where's Ivan?" singhal na tanong nito.

"Maam, bawal na po kayo dito..baka magalit po si sir Ivan.." sabi ni Manang at hinaharang ang babae, pero hindi nagpaawat ito kaya inis ko siyang hinarang na ikinataas ng kilay niya.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now