CHAPTER 10

358 4 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:MASK DANCE
-CHAPTER 10-

_____

-CANDICE POV-

Halos sumikip ang dibdib ko sa kakaiyak habang nakamasid lang sa pintuan ng kwarto ko. Marahan kong hinahaplos ang braso na may pasa na naman dahil sa kagagawan niya.

'Ang buong akala ko, nagbabago na siya'

'Akala ko nagugustuhan niya ako'

'Akala ko lang pala'

Paulit ulit ang pagpunas ko sa aking pisngi, kaya naman sobrang sakit na ng mata ko dahil tila magsusugat na iyon. Isang pagbuntong hininga ang ginawa ko, kasabay ng bigla kong paghiga ng marinig ang ilang yapak na papalapit dito.

Ipinilit kong pigilin ang paghikbi ko.

Pagbukas ng pintuan, mariin kong ipinikit ang mata ko. Nangunot pa ang noo ko ng walang boses ang nagsalita, kaya pagmulat ko ng mata ko si Elizabeth ang bumungad sa akin.

'Ang kapatid ni ivan'

Nakangisi lang siyang nakatitig sa akin saka tinignan ang buong paligid.

"Hasyt, wala talagang kwenta tong kapatid ko, akalain mo ba namang tila aso niyang ituring ka" biglang sabi nito.Hindi ako makapagsalita, ng biglang may isang papel siyang iniabot sa akin .

"A-ano toh?" tanong ko.

"Hindi kaba marunong magbasa?" Asik niya na ikinaawang ng labi ko.

'Napakasungit niya'

'Ano bang ginawa ng pamilya ko sa mga magulang nila para maging matindi ang galit nito sa akin'.

'Wala akong alam dun, pero bakit tila ako ang sumasalo sa lahat ng parusa'.

"H-hindi ako makakapunta, baka magalit si Ivan" sabi ko saka isinasauli iyon sa kaniya ng pagak siyang natawa.

"Don't worry, nakausap ko na siya. At chill, ako ang bahala sayo. So, ano?Pupunta ka?" Tanong niya.

"Baka masaktan niya ako" muling usal ko ng umirap ito sa kawalan.

"Tsk, wala si Ivan mamaya okay? May meeting siya sa mga clients niya. At ako na bahala sayo." Sabi pa nito.Tumango nalang ako bilang sagot pero hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin.

Pababa na kami ni Elizabeth sa hagdan ng makita ko si Ivan. Abala ito sa kaniyang ginagawang panood ng tv sa sala, mariin akong napalunok ng tignan niya ako ng masama. Agad akong nag iwas ng tingin ng biglang hawakan ako ng babaeng ito at hinila pa sa harapan ng kapatid niya.

"Hey!..May proposal meeting ka naman mamaya diba?" walang paggalang na sabi ni Elizabeth.

"And so?"

"Aayain ko si Candice for my birthday" sabi nito.

"Wala akong pake! Umalis kayo sa harapan ko" sabi nito na ikinangisi ni elizabeth bago ako hinila.

"See? Wala siyang pake so...mamaya, susunduin nalang kita dito okay?" Sabi nito na ikinatango ko.

Umalis rin siya kaagad matapos niyang sabihin iyon.

At ilang minuto lang din ang lumipas, ng umakyat na sa kwarto si Ivan, at pagbaba niya nakabihis na ito ng pang opisina, hindi niya ako nagawang bigyan ng pansin at nagmamadali na itong lumabas ng bahay.

Matalim na titig ang iginawad ko sa kawalan, yung paghalik niya.

Yung pananakit niya, at ang kakaiba kong nararamdaman sa kaniya.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now