CHAPTER 12

335 4 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:PRETEND
-CHAPTER 12-

_____

-CANDICE POV-
KINABUKASAN

"Sir nagsasabi ako ng totoo, si Candice po na feeling prinsesa ang nagnakaw ng kwintas nyo" dinig kong sabi ng isang kasambahay habang pababa ako ng hagdan.

Nangunot ang noo ko ng makita kung anong ginawa ni Ivan. At halos umuwang ang labi ko dahil don.

'Anong nangyayari?'

"What do you call my wife?" asik ni Ivan.

"Totoo naman po diba? Bida bida siya kaya siguro niya ninakaw ang kwintas ni Maam Scarlet" asik ng babae.

Kwintas?

Ninakaw?

Anong ibig niyang sabihin.

"Ah really?!. Alam mo ba kung anong mga ginagawa ko sa mga sinungaling?" Madiin ang boses ni Ivan.

"Sir, hindi ako nagsisinungaling at kahit tanungin niyo pa kay Manang Susan. Pumasok sa kubo si Candice" sabi niya pa.

"Oo, pumasok siya pero hindi niya sinasadya iyon. Anak mayaman si Candice at hindi niya magagawa ang ipinaparatang mo" asik ni Manan susan.

"Now tell me, sino ang kumuha ng kwintas?" tanong ni Ivan habang paikot ikot ito sa isang kasambahay na nakaluhod sa harapan niya.

"Hindi ko alam sir, baka nakay Candice yun" sabi  pa nito.

Tuluyan akong bumaba ng hagdan, at natigil lang si Ivan saka ako nito seryosong tinitigan.

"OH AYAN, GISING NA PALA SIYA EH...DIBA PUMASOK KA SA KUBO? AT IKAW ANG NAGNAKAW NG KWINTAS NI MAAM SCARLET" sabi ng babaeng kasambahay sa akin.

"A-anong sinasabi mo? Wala akong alam, hindi ako nagnakaw" nanginginig ang boses ko ng bigla itong tumayo at saka ako inirapan.

"Nakita kita. Kaya wag ka ng magsinungaling,hindi porket pinakasalan ka ni Sir Ivan makakagawa ka na ng milagro, pwes nagkakamali ka!!Mayabang ka" asik nito na ikinainis ko.

"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan. Wala akong ninanakaw, at kung totoo man ang bintang mo nasaan ang proweba?" Singhal ko ng bigla niya akong nginisian.

"Sa mga gamit mo, baka itinago mo" sabi niya saka ako binangga nito at umakyat ng mabilis patungo sa kwarto ko.

"WALA KANG MAKIKITA JAN!!..WALA AKONG NINANAKAW" sigaw ko pa, pero tila naging huli na ang lahat ng buksan niya ang mga bag ko at ibinuhos iyon sa sahig.

Mula sa isang shoulder bag, lumabas dito ang isang kwintas na hindi ko pagmamay ari.

Biglang itinulak ni Ivan ang kasambahay at inis niyang hinablot ang kwintas na iyon.

"THIS IS FREAKING MINE" asik ni Ivan.

Nanginginig ang kamay kong umatras ng magtama ang mata namin, kitang kita ko ang pag aapoy ng mata niya.

"SEE? MAGNANAKA~" hindi natuloy ng kasambahay ang sasabihin niya ng tumulo ang luha ko.

"HINDI AKO MAGNANAKAW! HINDI KO A-ALAM KUNG PAANO NAPUNTA YAN JAN...I-IVAN...WALA AKONG GINAGAWA" pagmamakaawa ko.

Tumawa ang kasambahay saka maangas ako nitong nilapitan.

"ANO HULI KA DIBA?!..ANG DAPAT SAYO, PINAPALAYAS SA BAHAY NA ITO.." asik ng kasambahay sa akin.

Akmang sasampalin niya ako ng pigilin iyon ni Ivan.

"PWEDE KA NG LUMAYAS" isang madiing salitang binitawan niya habang nakatitig sa akin.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now