CHAPTER 7

367 5 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:AWAY FT.PASA
-CHAPTER 7-

_____

-CANDICE POV-

"Ivan, s-sigurado kaba sa suot ko?" hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya.

Hindi ito sumagot sa akin saka lang sumakay sa kaniyang kotse.Kunot na kunot ang noo kong napatingin sa damit ko na tila aabot na sa paa ko ang pantalon.

At nakajacket pa ako.

Ano bang trip niya?.

Pagkasakay ko nakatitig siya sa akin saka tumaas ang kilay nito.

"Inaartehan mo ba ako?" singhal niya.

"Ha? Hindi. M-maganda nga eh" utal kong sagot.

"Tsk."

Mabilis ang pagpapaharurot niya ng kotse na animo'y lumilipad na nga kami. Kaya ilang minuto lang din ang lumipas ng huminto ito sa isang restaurant.

Nauna siyang bumaba, at nanlaki ang mata ko ng siya ang nagbukas sa pintuan kung saan ako bababa. Inilahad nito ang kaniyang kamay, at nagtagal pa ang titig ko dito bago iyon abutin.

"Wait" sabi niya ng maglalakad na kami papasok.

Humarap siya sa akin, ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko ng magtama ang mata naming dalawa kasabay ng paglapit niya, mariin akong napapikit at umaasa na tila hahagkan niya ako. Pero para akong napahiya at kagat labing napatingin sa kawalan ng maramdaman ang kamay nya sa leeg ko.

Inayos nya lang yung buhok ko.

"Lets go" malamig na boses niyang sabi.

Napailing iling akong sumunod sa kaniya mula sa loob ng restaurant.

Pagkaupo namin, siya na rin ang nag order. Aminin ko man o hindi, hindi ko maiwasang mahiya lalo na at alam kong minsan ay napapatitig ito sa mukha ko saka ngumingisi.

Animo'y pinagtritripan lang ako.

"Here's your order sir" sabi ng lalaki at inilagay iyon sa harapan naming dalawa.

Napangiti lang ako at hinintay si Ivan na siyang mas mauna, ano ba?!..Bakit ang weird nya ngayong araw.

Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi ako sanay sa mga galaw na pinapakita niya, sa mga ngiti at titig niya. Parang kinikiliti ang tiyan ko.

_

Pagkatapos naming kumain, dinala niya ako kung saan saang lugar pero hindi ko magawang mag enjoy lalo na at may takot pa ring gumugulo sa aking isipan.

Nasa park kami ngayon, tanaw na tanaw ang mga bawat batang naglalaro.

Nasa ilalim kami ng puno ng bigla nalang isang bola ang tumama sa ulo ni Ivan na mismong ikinagulat ko rin.

Nakita ko ang pagkakunot ng noo niya, akala ko aapoy siya sa galit kagaya ng nakasanayan kong ugali niya sa tuwing may nagagawang masama sa kaniya. Pero nagkamali ako, pinulot niya ang bola at hinanap kung sino ang nakabato nun.

"Hey this is your's?" tanong nito sa malambing na boses sa batang lalaking nakatayo malapit sa amin.

Tinawag siya ni Ivan at lumapit naman ito.

Kitang kita ko sa mga mata ng isang Ivan Montero ang kislap habang ginugulo ang buhok ng batang lalaki bago niya binigay ang bola.

"Don't you ever do that again" asik niya na ikinabigla ko.

Napalunok ako ng mariin ng kumunot ang noo nito sa akin.

"A-ang alin?"

"Ang titigan ako" asik niya saka ngumisi.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now