CHAPTER 29

343 7 1
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:OPERATION
-CHAPTER 29-

-CANDICE'S POV- 

Hindi ako makagalaw, nanginginig ang buo kong katawan habang nakatitig sa kambal na anak ko.

Panahon naba?

Oras naba para malaman niya.

Pagkalabas ko ng kwarto, napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng mainit at sunod sunod na pagpatak ng luha.

Pagbaba ko sa sala, naabutan ko si Jared.

Yes he's here. At hindi ko alam kung bakit.

"Candice im here to talk to you" sabi ni Jared.

"M-maupo ka" sabi ko.

"Sinong ama ng dalawang batang yan?" malamig at baritonong tanong nito.

Hindi ko magawang sumagot ng bigla siyang tumikhim at seryoso akong tinitigan.

"Alam ko na ikakasal na si Nico sa ibang babae, kaya imposibleng anak niya yan. Diba? Candice nasa malalang kondisyon na si Ivan at kung ano man ang tinatago mo kailangan mo ng sabihin" asik nito sa kaniya.

"Jared anak ko sila" singhal ko.

"Sinong ama?"

Hindi ako nakapagsalita ng bigla itong tumayo sa kinauupuan niya.

"Alam kong may galit ka sa kaibigan ko, sa dami ng kasalanan na ginawa niya. Sa mga pananakit niya, pero wag mo naman ipagkait sa kaniya ang mga anak niya" sabi nito.

"Jared, yun na na nga eh...sinaktan niya ako, niloko niya ako! He doesn't deserve to know na may anak kami. Alam mo kung gaano kasakit sa akin nung buntis ako" sabi ko saka nagsimulang umiyak.

"Dahil niloko siya" angil nito.

"Wala akong pake kung niloko siya! Jared, tsngina. Halos mabaliw ako nun sa sobrang sakit, sa pagmamakaawa sa kaniya. Pero sobrang tigas niya" asik ko ng biglang pagak na natawa ito.

"Wala kang alam sa mga pinagdaanan niya" sabi nito.."Makinig ka!"

"Isang trauma sa kaibigan ko ang iwan ng taong mahal niya. Ikaw? Akala mo ba hindi ka niya minahal? Tsngina Candice kung alam mo lang. Hinabol ka niya nung kinagabihan na flight mo, wala siyang naabutan. Nagpumilit siyang pumasok, sinabi niya na nasa loob ang asawa niya. Naging matigas at mayabang siya, pero nung oras na yun? Wala!!binugbog siya at kinaladkad palabas ng airport dahil sa pang gugulo niya sa kagustuhan kang makita" singhal nito.

"Wala siyang ibang ginawa kundi ang uminom ng alak, umiyak at pabayaan ang sarili niya jan sa tabi tabi" nagsimula siyang umiyak sa harapan ko. "Awang awa ako kay Candice, kasi paulit ulit siyang humihingi ng tawad at umaasang babalik ka! Yung Ivan na matapang, gag* nawala yon! Naging mahina siya!" Sabi nito.

Sobrang sakit sa dibdib, nanghihina akong napaupo sa kama habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Jared.

Kung ganun hinabol niya ako?!.

"P-pero hindi nya alam kung anong sakit ang pinagdaanan ko ng ipinagbubun~" hindi ko nagawang ituloy iyon.

"Dahil hindi mo pinaalam na buntis ka!. Dahil wala siyang alam, para siyang mababaliw nun Candice. At alam mo kung anong hindi mo alam ha??Naaksidente siya! Muntik siyang tuluyang nawalan ng pag asa nung malumpo yung isang paa niya, nagsabay yung tsnginang tumor niya!" Singhal ni Jared na ikinaawang ng labi ko.

"N-naaksidente si Ivan?"

Tumawa si Jared bago niya inihagis sa harapan ko ang isang papel.

"Ayan, ang pinunta ko dito. Nakiusap siya!" Sabi nito.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon