CHAPTER 4

391 5 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

R.A WRITER--ANGELICA
-CHAPTER 4-

_____

-CANDICE POV-

DALAWANG LINGGO ANG LUMIPAS.

Parang isang impyerno ang pamamahay na ito para sa akin. Isang pagkakamali na piliin si Ivan Montero bilang isang asawa.

He's a devil.

Sa umaga isang malamig na tubig ang gumigising sa akin sa ginagawa nyang pagbuhos sa mukha ko.

Malalakas at madiing pagmumura na galing sa kaniya. Mga masasakit na salita na paulit ulit na pumapatay sa akin.

Mga sigaw niyang nakakatakot.

Mga kamay niyang paulit ulit ding dumadampi sa balat ko para saktan ako.I'm Candice Montero his wife. Pero kahit kailan, hindi niya ako itinuring na isang asawa.

Natuto akong humiga sa malamig na sahig, na sobrang sakit sa likod, tuwing gabi ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, nanginginig akong niyayakap na naiiyak ang sarili ko, habang siya?.

Masarap ang tulog sa kaniyang kwarto at kama.

Isang aso ang turing niya sa akin. .Isang alipin..Utusan, at alam kong siguro hinding hindi niya ako matututunang mahalin.Isang mariing paglunok ang ginawa ko ng makita ang isang babaeng sumalubong sa akin.

"S-si Ivan nandyan ba siya?" garagal na boses kong tanong.

"Ah yes Maam nasa opisina niya po. But hes busy, may kausap kasi siyang kliyente" sabi nito na ikinatango ko.

"May kailangan po ba kayo sa kaniya?" Tanong nito.

"G-gusto ko lang siyang dalhan ng pagkain. Maghihintay nalang ako dito" ngiti ko na ikina tango niya.

Iniwan niya ako, at umupo muna ako sa tapat ng sinasabi niyang opisina ng asawa ko. Hawak hawak ang baunan ng pagkain na iniluto at inihanda ko para sa kaniya. Maaga kasi siyang umalis kanina at sinabi ni manang na hindi ito nag agahan.

Pangiti ngiti ako sa mga nandito habang tumititig sila sa akin. Hindi ko maiwasang mapayuko ng haplusin ko ang leeg ko at mas idiniin ang suot kong scarf para takpan ang pasa ko dito.

Nanginginig na ang tuhod ko bago tinignan ang relo..Bakit ang tagal nila sa loob?.
Sino kayang kliyente ang kausap niya?.

"Hi"

Isang boses na lalaki ang lumapit sa akin.

Dahan dahan kong tiningala ito ng makita ang mukha niya.

"Sinong hinihintay mo? Si Ivan ba?" ngising tanong niya.

"Ahh oo!.."

"Naku...Mamaya pa lalabas yun..Baka busy pa sa kausap niya, pero teka...mukhang masarap yang dala mo ah" sabay tingin sa hawak ko.

"P-para sa kaniya" sabi ko ng bigla niya itong kinuha

"Adobo? Paborito ko toh ah...pero sayang~...kay Boss Ivan pala hehe...Ano kaba niya?Katulong kaba? Ang ganda mo na~" hindi nito nagawang ituloy ng magsalita ako.

"Asawa niya ako" sabi ko ng matigilan siya.

"Asawa ka ni Ivan?!..Teka hindi kaba nagbibiro?..Weh?" Hindi makapaniwalang usal niya.

Ipinakita ko ang singsing ng bigla siyang nangunot noong hinawakan ang braso ko.

"Sinasaktan ka niya?" tanong nito.

"Ha?h-hindi..." sabi ko ng umiling pa siya.

"Wag kana magdeny, kilala naming lahat dito ang ugali niya...saka kung asawa ka niya, dapat mo ng pasukin sa opisina na yan ang asawa mo" sabi niya.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now