CHAPTER 26

333 4 0
                                    

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:PAGKIKITA
-CHAPTER 26-

-CANDICE' S POV- 

6:50 am

Ibinilin ko na kay Manang ang kambal para sa unang pag pasok nila sa skwelahan.

Mas mabuti nalang din na hangga't maaga pa ay maturuan na sila.

Hindi ko na rin nagawang kumain ng agahan dahil tumawag na kanina si Mila para nga sa gagawin ko ngayong araw, ang pumunta sa pinapatayo kong branch na gusali.

Mabilis ang pagmamaneho ko ng kotse, at tila napasinghap ako ng hangin ng maalala kong nakalimutan kong magbaon ng tanghalian.

Hasyt.

Bahala na nga!

Sobrang aga palang pero tirik na tirik na ang araw.

Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang lalaking sinasabi ni Mila kahapon sa park.

Hindi ko kasi siya naabutan, pero ang sabi ni Kambal wala naman daw itong naging intensyon na masama.

Pero what if...magkita sila ng mga anak ko sa hindi sinasadyang pagkakataon.

At paano kung magkita nga kaming dalawa.

Handa naba akong maharap siya, ang kausapin siya?.

Aminin ko sa loob ng limang taon, still...umaasa pa rin ako, pero baka malabo na nga talaga.

Pailing iling kong pinarada ang kotse sa isang tabi, saka naglakad na papasok.

Nangunot ang noo ko ng makita ang mga tao dito sa loob.

May mga nagbababa ng bakal mula sa truck.

"Hoy ayusin nyo nga trabaho nyo" asik ng isang lalaki.

Teka, siya ba ang engineer na pinadala ni Ms.Sebastian.

"Hi are you engineer?" tanong ko ng bigla itong ngumisi.

"Ayy H-hello miss...a-ako nga pala si Mr.Reyes, kayo po ba yung may ari neto?" Seryosong tanong nito.

"Yes i am..and you? Engineer Reyes. Can i talk to you in my office?" tanong na anyaya ko.

Nangunot ang noo ko ng bigla siyang kumamot ulo.

"Ah miss hehe..hindi po ako engineer" sabi nito.

"What? Then where is he?" taka ko pang tanong ng biglang binatukan siya ng isang lalaki.

"Ang kapal kase ng mukha mo. Nagyayabang ka na naman. Eh kung tumulong ka nalang kaya dito?" Asik nitong kasamahan niya.

Hinanap ko sa paligid ang engineer pero wala ito na ipinagtaka ko.

Bakit mas nauna pa itong mga tauhan niya.

Anong klase siyang engineer?!.

"Okay, kapag dumating na siya. Pakisabi na i want to talk to him in my office" sabi ko na ikinatango nila.

"Opo Maam, sorry po" sabi nito.

"Ang ganda nyo po. Mukhang bagay na bagay kayo sa engineer namin" sabi ng isang lalaki na ikinangiwi ko.

Bakit single ba ang engineer nila?!.

"OKAY BACK TO WORK" mayabang pang usal ni Mr.Reyes bago ako tuluyang tumalikod.

Nakakailang hakbang palang ang ginagawa ko ng marinig ko ang huling mga naging usapan nila.

"Ang yabang yabang mo"

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now