CHAPTER 3

399 6 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

R.A WRITER--ANGELICA
-CHAPTER 3-

_____

-CANDICE POV-

"I-ivan...Ivan tama na please..n-nasasaktan ako...maawa ka sakin...w-wag" para akong napapaos sa pagmamakaawa sa kaniya.

Pero tila wala siyang pake alam ng bigla niyang higitin ang braso ko.

"T-tama na please...aahh...m-masakit!!" hindi ko na naiwasang mapasigaw at mariin na napapikit kasabay ng pagtama ng kaniyang sintrona paulit ulit pinapalo sa katawan ko.

"YOU DESERVE THIS CANDICE!!..ILANG BESES KO NG SINABI SAYO DIBA? WAG NA WAG KANG PAPASOK SA KWARTO KO" sigaw niya sa galit na galit na boses.

Pailing iling akong akong humahagulgol na tumitig sa kaniya.

"T-tama na ivan...p-pumasok lang ako dun k-kase...gusto kitang dalhan ng pagkain" sabi ko ng ngumisi siyang hinablot ang buhok ko.

"TAN*A KABA HA!!..KAKAIN AKO KAPAG GUSTO KO..ANONG NAPALA MO SA PAGPASOK MO DUN HA?!..NASIRA MO ANG PICTURE FRAME NA INIINGAT INGATAN KO" sigaw niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, at tila humihina na ang tibok ng puso ko habang gigil na gigil pa rin siyang hawak ang mahaba kong buhok. Pagkuwan ay binitiwan niya ito at isang malakas na paghampas sa braso ko ang ginawa niya.

Halos mapaluhod ako sa sahig, napahawak ako sa katawan ko at patuloy na humahagulgol ng iyak ng bigla siyang malakas pang sumigaw kasabay ng pagtalikod sa akin.

"S-sir...sir anong gagawin nyo...maawa kayo!..Asawa nyo pa rin siya" sabi ng isang manang na pinipigilan si Ivan.

Napatayo ako sa gulat at pagkatakot ng makita ang dala dala niya. Isang kumukulong tubig na nakalagay sa tasa.

"I-ivan...wag please...wag!!" pigil hiningang pag awat ko sa kaniya.

"TELL ME CANDICE...SUSUWAY KA PABA O HINDI NA??TELL ME" isang malakas na pagsinghal niyang agad nagpanginig sa buo kong katawan.

"H-hindi na ivan..hindi na..." sabi ko.

Pero para akong namanhid sa kinatatayuan ko, isang malakas na paghagulgol ang ginawa ko ng maramdaman ang pagtalsik ng mainit na tubig sa paa ko ng itapon niya iyon sa harap ko.

_

"M-manang ako na po!" Pag awat ko kay Manang ng tangkain niyang gamutin ang mga pasa ko sa braso.

"Iha...mamamatay ka dito kapag hindi ka pa tumakas...tignan mo ang sarili mo" sabi nito.

Tumulo ang mainit na likido ng luha kong pilit siyang nginisian.

"A-ayos lang po ako...at alam ko na kapag tinakasan ko siya ay mahahanap at mahahanap niya rin ako at maaaring madamay pa ang aking ama" sabi ko saka tinignan ang pasa ko.

Sobrang sakit na animo'y mariin pa akong napapakagat labi habang dumadampi ang tela na may yelo.

Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, takot na takot na akong lumapit sa kaniya.
Hanggang sa natigilan kami ni Manang ng isang babae ang biglang nakita namin sa sala~..Nangunot ang noo kong tinignan si Manang ng hindi niya iyon pinansin.

"S-sino po sya?" Tanong ko kay Manang.

"Siya si Elizabeth ang kapatid ni Ivan." Sabi ni Manang na ikinakunot noo ko.

May kapatid pala siya.

Tahimik kaming lumabas ni Manang sa sala ng makita siya. Pinasadahan ako ng babaeng ito mula ulo hanggang paa hanggang sa matamis itong ngumisi sa akin.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now