CHAPTER 21

326 5 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:GUMUHO
-CHAPTER 21-

-NICO'S POV-

Wala akong naging laban ng hinila ni Ivan si Candice at tinutukan ako nito ng baril.

Pero pagka alis nila, nagmamadali rin akong lumabas ng mall para sundan sila.

Lumalalim na ang gabi nung mangyari iyon, nag stay ako sa tabi ng daan malapit sa mansyon ng mga Montero.

Nangunot ang noo ko ng marinig ang nakakapanindig balahibo na galing mula roon.

Mabilis akong bumaba ng kotse at lumapit sa malaking gate, nakita ko kung paano hinigit ni Ivan ang panga ni Candice.

Kitang kita ko ang galit nito, ang madiing hawak niya sa baril at ang pananakit.

Nagtago ako sa isang gilid ng makitang papalapit sila, pagkabukas ng gate...itinulak niya si Candice at saka sinarado iyon.

Isang malakas na pagbuhos ng ulan ang sumabay sa malakas ding paghagulgol ni Candice, hinaplos nito ang kaniyang tiyan bago lumakad, hanggang sa bigla siyang nawalan ng malay.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko ng buhatin siya papunta sa kotse. Mabilis ang pagharurot ko ng kotse pauwi ng bahay.

"Manang!!" malakas kong sigaw.

Tinulungan nila akong buhatin si Candice para ihiga ito sa sofa. Basang basa ang katawan niya, pero patuloy pa rin ang pag agos ng kaniyang luha.

F*ck! He doesn't deserve this.

"May damit si Erica sa isang kwarto kumuha kayo dun. Bihisan niyo siya, at tawagin niyo ako pagkatapos para madala siya sa kwarto" utos ko.

Hinayaan ko sila na bihisan si Candice. Ako naman kumuha ako ng maligamgam na tubig, nang madala ko siya sa kwarto.

Pinatay ko rin kaagad ang aircon dahil sa nakita kong nanginginig ang katawan nito.

"Sir tumawag po pala si Maam Eri~" hindi nito natuloy ng magsalita ako.

"Ako na bahala, sige na magpahinga na kayo" sabi ko ng umalis sila sa kwarto.

Dahan dahan kong tinitigan ang mukha ni Candice.

At tila namanhid ang buo kong katawan na napatingin sa pasa niya sa kaniyang braso.

"Tsngina niya" gigil na sabi ko pagkatapos na bumuga ng hangin dahil sa galit.

Bakit niya nagagawang saktan si Candice ng ganito?!.

Bakit niya pinalayas ito? Alam niya na kayang buntis siya?!.

___

                -CANDICE POV-

KINABUKASAN

Pagmulat ng mata ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko.

"M-maam gising na po pala kayo" isang katulong ang nasa harapan ko. Nanlalabo pa ang tingin ko ng marahan kong ikinuskos ang mata ko.

"N-nasaan ako?" tanong ko ng umupo ako sa kama na kinahihigaan ko.

Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pintuan ay bumungad dito ang lalaking matangkad, at seryoso ang mukhang nakatitig sa akin.

"Buti naman gising kana. Are you okay??" tanong nito.

"N-nico??N-nasaan ako?" tanong ko.

Lumabas ang katulong ng isang pagngiwi ang ginawa nito ng lumapit siya sa akin.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now