CHAPTER 20

350 8 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:PAIN
-CHAPTER 20-

-CANDICE'S POV-

Umasa ako, nagpakatanga ako sa taong akala ko handa akong ipanalo.Namamanhid na ang buo kong katawan sa paulit ulit kong ginagawa.

Ang haplusin ang walang katapusang pagluha.

Sobrang sakit sa dibdib at hindi ko magawang tumahan, hindi ko kayang ngumiti at kalimutan kung paano niya ako pinaikot sa mga matatamis niyang salita.

And now?

Nandito ako sa kwarto ko, kung saan ramdam na ramdam ko ang malamig na sahig. Kung saan ang paligid ko ay tambakan ng mga maruruming bagay, habang hinahaplos ko ng marahan ang tiyan ko.

'Ano bang mali sa'kin.'

'Anong meron siya na wala ako?'

Bakit hindi niya ako magawang piliin.

Ang buong akala ko, sa oras na bumalik siya ako at ako pa rin ang pipiliin niya.

Pero tila nakalimot ito sa kung anong ipinangako niya ng magkita ulit sila.

Gaano ba kalakas ang epekto ng pangungulila niya kay scarlet.?

Malakas na pagbuntong hininga ang ginawa ko, ayoko na ng ganitong pakiramdam.

Hindi ko na kaya, durog na durog na ang puso ko. Humiga ako sa manipis na telang higaan ko, at sa pag kakahiga ko, mainit na likido ng luha ang huling dumampi sa pisngi ko bago ko marahang ipinikit ang mga mata ko.

Sana bukas maayos na.

Sana bukas okay na.

Sana bukas mawala na ang sakit.

_

K I N A B U K A S A N

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko, dumiretso akong bumaba sa hagdan.

Hindi ko rin alam kung dapat paba niyang malaman ang lahat.

Na nagdadalang tao ako?!.

Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ng isang babae na mula sa sala.

Takang taka akong nagmamadaling bumaba

at tila namanhid ang buo kong katawan ng magtama ang mata namin.

"What are you doing here?" asik na tanong ko sa kaniya.

Ramdam ko pa rin ang hapdi ng mata ko dala na rin sa pag iyak ko kagabi.

Tumaas ang kilay ni scarlet at natigil sa ginagawa niyang pagluluto.

"Im here for my boyfriend!" sabi nito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo noh! Handa ka talaga maging kabet malapitan lang ang asawa ko?" singhal ko ng bigla siyang tumawa.

"Mas makapal ang mukha mo. Ako ang totoong mahal ni Ivan. At ikaw? Poor girl na ginawang rebound" singhal niya ng nainis akong nilapitan siya.

"UMALIS KA DITO!! LUMAYAS KA DITO!!" sigaw ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong sabunutan siya.

Gigil na gigil ako ng malakas din niyang hinablot ang buhok ko.

Nasasaktan ako ng bigla akong nawalan ng balanse at saka niya ako malakas na sinampal.

"IKAW ANG LUMAYAS DITO! DAHIL PARA KANG SARDINAS NA MAHILIG ISIKSIK ANG SARILI SA TAONG HINDI KA NAMAN MAHAL AKO ANG GUSTO NI IVAN KAYA GET OUT!" singhal niya.

"B-bitawan mo ako, nasasaktan ako" sabi ko ng mas idiniin nito ang kuko sa aking balat.

Nang bigla nalang din nangunot ang noo ko, ng bigla niyang sinubunutan ang kaniyang sarili.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon