CHAPTER 5

392 5 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:PAG AALALA
-CHAPTER 5-

_____

-CANDICE POV-

Lumalalim na ang gabi at paulit ulit kong tinitignan ang oras, tila may kung anong kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa labas ng bahay.

Mag aalas nwebe na pero wala pa rin si Ivan, pero sinabi nito kanina na maaga siyang uuwi dahil sa mga kailangan nyang tapusin na papeles para sa opisina niya.

Hindi ako mapakaling naglalakad sa pintuan ng biglang nakita ko si Manang na nakangiwing lumapit sa akin.

"Matulog kana iha, baka hindi na yun uuwi" sabi niya.

"Pero sabi niya po kanina maag~" hindi ko nagawang ituloy ang mga sasabihin ko ng biglang tumunog ang telepono na nasa sala.

Itinuon ko ang sarili ko sa labas ng bigla akong tinawag ni Manang.

"B-bakit po?" tanong ko.

"Gusto ka daw kausapin" kunot noong ibinigay niya ang telepono sa akin.

"Sino po?"

Pero hindi niya ako isinagot, itinutok ko ang telepono sa aking tenga ng marinig ang boses sa kabilang linya.

"Are you Candice right?" malamig na boses na sabi ng isang lalaki.

"Y-yes...who's this?" tanong ko.

Pagak na tumawa ang lalaking nasa kabilang linga na ipinagtaka ko.

Sino ba ito.

At bakit niya alam ang pangalan ko.

"Pumunta ka sa bar" utos niya.

"Ha??Bakit? At sino kaba" tanong ko pa.

"Basta sundin mo nalang ako kung gusto mo pang makita ng buhay ang asawa mo" sabi nito bago ibinaba ang tawag na iyon.

Mabilis kong ibinaba ang telepono, at saka nagpaalam kay Manang.

"Teka, aalis ka? Pero gabi na..baka magalit si Ivan sayo" sabi ni Manang.

"Pupuntahan ko po siya...sige na po, isarado nyo na ang pintuan" sabi ko saka lumabas.

Pagkalabas ko, pumara agad ako ng isang taxi sa may kalsada at itinuro ang pinaka malapit na bar dito.

Parang kumalabog ang dibdib ko ng gusto kong tawagan si Ivan, pero shit...f*cking shit...wala pa akong cellphone dahil sinira nya iyon.

"Salamat po Manong" sabi ko saka bumaba.

Pagkababa ko nga, napatingin ako sa suot ko, mariin akong napapikit ng hindi ko manlang nagawang magbihis ng makitang naka dress lang pala ako.

Pagpasok ko sa bar, isang nakakahilong amoy ang sumalubong sa akin. Napapailing iling akong inilibot ang tingin ko sa paligid, nakakabinging nakakaindak na musika ang nagpapasayaw sa mga tao.

May iba namang nasa madilim na parte lang at tahimik na umiinom.

Sinubukan kong isa isahin ang mga lalaki sa gilid para makita si Ivan..Pero wala siya..where's he??.

Isang hakbang pa ang ginawa ko, pero tila namanhid ang buo kong katawan ng isang lalaki ang biglang humarang sa akin, hindi ko makita ang buong mukha niya, pero kitang kita ko ang ngisi nito sa kaniyang labi.

"Did you saw him?" Malamig na tono ng boses na tanong niya.

"I-ikaw??..Nasaan si Ivan??Nasaan ang asawa ko?" tanong ko sa kaniya ng bigla itong tumabi sa akin saka ako inakbayan na ikinabigla kong itinulak siya.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now