CHAPTER 19

328 6 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:CHOOSE HER---SHORT UPDATE
-CHAPTER 19-

-CANDICE'S POV-

K I N A B U K A S A N

Paggising ko nasa hapagkainan na si Ivan. Pero kitang kita ko sa mga mata nito ang puyat, dahil na din siguro sa mga pinag gagawa ko kagabi.

Sinubukan kong lumapit sa kaniya para sabayan ito, pero tila nakaramdam ako ng hilo at napahawak sa lamesa.

"Hey, Candice are you okay?" pag aalalang tanong nito sa akin.

Inalalayan niya akong umupo at inabutan ng tubig na inilingan ko. Napapailing akong napa hawak sa ulo ko.

Takte! Nahihilo ako.

Pero ilang minuto lang din ang lumipas ng mawala ang panghihilo ko na iyon.

Kaya inaya ako ni Ivan na magpunta sa mall.

Kumunot nga ang noo ko at nagtataka kung anong meron at bigla nalang itong nag aya.

Isang simpleng damit lang ang isinuot ko.

Dahil na rin sa gusto ni Ivan, tsk.

Protective na heartless.

Isang malawak na pagngisi ang dala dala ko habang sabay kaming namimili ng mga anong gusto ko.

"I think, bagay ito sayo" nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinawakan ang isang dress.

"B-bakit yan?" taka kong tanong ng bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay ko.

"For my wife! Malapit na ang birthday mo at gusto maging memorable yun sayo" sabi niya.

Alam niya ang birthday ko?!.

Hindi ko nagawang magsalita, at napapa awang nalang ang labi ko habang tinitignan siya kung paano mamili kung anong isusuot ko.

Naglibot pa kami sa buong mall,at nahinto kaming dalawa sa tapat ng mga singsing at kwintas.

Naagaw ng atensyon ko ang isang kwintas na may pendant na pusong disenyo.

F*ck kinda cute.

"Hmmm..may gusto ka paba?" tanong niya ng nanlaki ang mata kong umiling.

Kahit gusto ko mang bilhin iyon ay alam ko naman na wala akong pera.

Lalo na at lubog na sa utang ang pamilya ko.

Mula sa mall, dumiretso kami ni Ivan sa isang restaurant.

Siya ang nag order ng pagkain naming dalawa, at habang naghihintay ako habang nakapila siya.

Nakita ko na may kausap ito sa kaniyang cellphone na ikinakunot noo ko

isang pagsulyap sa akin ang ginawa niya kaya nginitian ko lang ito.

Ilang minuto pa ang lumipas, sinubukan kong ituon ang sarili ko sa pagkain.

Pero hindi mapakali si Ivan na tila may kung anong tinitipa sa cellphone niya.

"Ivan, are you okay??" tanong ko ng ngumiti siya.

"Yeah" maikli nitong sagot.

"Kanina pa tumutunog yan. Sagutin mo na" sabi ko.

"Ah okay! I will came back! Hintayin mo lang ako" sabi nito bago siya tumayo at lumayo sa akin.

Hindi ko ginalaw ang pagkain ko, at nagawa kong hintayin siya sa pagbabalik niya.

Pinaglalaruan ko ang kutsara at nakatulala mula sa pintuan nitong restaurant.

Kumunot ang noo ko ng ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siya.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon