Chapter Seventeen

37 0 0
                                    


CHAPTER SEVENTEEN - Meet the Ramos Family Part 1

Third Person's PoV

"I've never seen you so scared like this before." Kumento ni Kieran nung mapansing pasmado palad ni Shane.

Nakatanaw ang dalaga sa may labas ng sasakyan at pinanood yung dagat. Naisipan ni Kieran na iuwi si Shane din sa Pangasinan para makilala niya mga kamaganak niya. Higit sa lahat, makita niya muli si Dylan na kasalukuyang nagbabakasyon din doon.

Sinabi ng tita ni Kieran na sa beach na lang daw sila magkikita-kita since tatambay naman doon buong pamilya nila't doon gaganapin ang tanghalian.

Noong una na-eexcite pa si Shane makita ulit si Dylan. Pagkarating nila sa may parking lot ng beach resort, saka niya napagtantong makikilala niya mga tiyahin at tiyuhin ng kasintahan.

"What if they don't like me?" Pang-limang tanong niya na ito.

"E' 'di hindi. Wala silang choice na ikaw pinili ko." Pang-limang sagot naman ni Kieran. Mas sweet yung una niyang sagot tapos nauwi na lang sa prangkahan.

Tinapunan ng masamang titig ni Shane yung lalaki, "I'm serious."

"I'm serious too. Wala naman silang karapatang husgahan ka if ever man na huhusgahan ka." Hinalikan niya si Shane. "But I know my family. They'll love you."

That alone assured Shane that she won't be walking into a dangerous situation.

Inalalayan ni Kieran na bumaba si Shane at saka hawak niya ang kamay nitong pumasok sa loob. Nag-check in na sila't kinuha yung susi nung kwartong uupahan nila ng dalawang gabi.

Pinuntahan nila yung kwarto para ilapag mga gamit nila. Tatlong maleta ang dinala ni Shane at puno ito ng mamahaling mga damit at sapatos na naaayon sa beach. Samantalang si Kieran ay backpack lang dinala pero siya ang naghila nung dalawang maleta ng kasintahan.

"Sabi ni tita nasa may cottage na raw sila sa may beach." Binabasa ni Kieran yung text habang si Shane naman ay naghahanap ng pwedeng maisuot. Napapamura na lang siya dahil nakalimutan niyang i-consider na matatanda mga kamaganak ni Kieran at baka husgahan yung bikini niya.

"I have nothing to wear." She sighed as she rummaged through her luggages jampacked with clothes. Kung tutuusin parang dinala niya na buong wardrobe niya sa lagay na ito. "I don't think they'll want to see me wearing these."

Tinaas niya yung two-piece bikini niyang kulay pink para ipakita kay Kieran. Napaklaro ng lalamunan ang lalaki lalo nung ma-imagine niya si Shane na suot 'yon.

Pumunta si Shane sa may body-length mirror at tinapat yung bikini sa katawan. Gusto niyang makita kung bagay niya ba 'yon o kaya'y masyado bang kita yung pwet niya doon.

"Maybe I'll look ugly in these." Kinuha niya naman yung green niyang bikini at tinignan ulit ang sarili sa salamin. "This makes me look like a retired mom."

"Kailan ka pa naging conscious sa suot mo, baby?" Natatawang tanong ni Kieran nang panoorin niyang maglabas ulit ng panibagong bikini yung babae. "You will look hot in everything you wear."

"Of course I do." Confident na sabat ni Shane. "But this is your family we're talking about. I have to make a good impression. What's your family like anyway? Are they traditional?"

Napaisip si Kieran, "Medyo mapaghusga pero ganon naman lahat ng mga kamaganak."

Shane groaned out loud.

"Maybe I'll just go naked." Her boyfriend clearly did not like that. "I was just joking. Jeez."

Yinakap ni Kieran si Shane mula sa likod at pinatong ang baba sa balikat nito. Nakangiti silang parehong tinitignan ang kanilang reflection.

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWhere stories live. Discover now